KABANATA 4: BRACELETS

32 2 0
                                    


Yumi’s POV

HANGGANG NGAYON hindi ko parin makalimutan si prinsipe klein dahil ba sa mga binibigay niya sa stomach ko ng mga butterflies?!!! grabe inlove na nga ba ako ?
kahit sino naman mahuhulog sakanya dahil andali niyang mahalin.

ilang araw nang nakalipas ay hindi parin ako maka move on kay klein, parang gusto ko siyang makita pero isa lang naman pala akong alipin dito.

Kaya siguro wag nalang ako umasa sakanya dahil maraming mga prinsesa na nakapalibot sakanya araw-araw eh ako ito isang parang dumi lang. siguro nga isa siyang galaxy at isa lang ako sa mga stars niya.

Kahit ang sakit lang isipin na ang layong agwat namin dahil siya prinsipe eh ako isang alipin lamang na nahulog sakanya
hindi kona pala nakikita si Charles siguro kay Charles nalang ako magkakagusto dahil hinding hindi ko maabot si prinsipe klein kahit anong gawin ko malabong mangyaring magkagusto siya sa katulad ko na isang alipin.

Hindi ko namalayan ay may tumutulo na pala na luha kaya hinayaan ko iyon mahulog at ilabas lahat ng nararamdaman ko ngayon.

     “Yumi?, Okay ka lang ba?”.

pinunasan ko agad yung luha ko ng mahuli ako ni francheska na ganto, hinagod niya yung likod ko at niyakap ko siya dahil gusto kong ilabas lahat ng sakit dahil yung taong mahal ko ay hinding hindi magiging akin.

        “Si Charles ba dahilan?”. bungad ni Francheska pero umiling ako.

      “Kung hindi si Charles eh sino yung nanakit sa best friend ko ng ganto?”.napangiti ako sa sinabi niya kaya kumalas na ako sa pagkakayakap at pinunasan ang aking luha, tumingin ako sakanya ng diretso.

        “Salamat Francheska dahil gumaan yung loob ko ng nag a-alala ka sakin at promise kahit anong mangyari piliin parin natin mabuhay at walang iwanan”.mahabang salaysay ko nang yakapin niya ako kaya niyakap ko rin siya ng mahigpit.

          “Pangako, Yumi”. mahinang sabi niya pero narinig ko iyon.

         “Francheska pwede ko bang malaman yung tungkol sa buhay mo?”. dahil sa sinabi ko kumalas siya at umiyak.

           “Yumi, sorry pero hindi ko pwede sabihin sayo yung personal ko pero sana maintindihan mo ako yumi hindi pa ako handa na mag open sa iba”. saad niya, na mararamdaman mo talaga ang lungkot niya kaya hinagod ko ang kanyang likod at ngumiti siya ng pilit lang.

         “Oo naman naiintindihan ko dahil best friend kita francheska”.nakangiting saad ko sakanya kaya napayakap ulit siya sa'akin ng mahigpit.

          “Malalaman mo nalang sa tamang panahon, Yumi”.bulong nito, gusto ko sana itanong kung anong ibigsabihin non pero siguro huwag mona.

         “Yumi, may ginawa pala akong bracelet na gawa sa shell naisipan kong gumawa ng dalawa para ito yung patunay ng pagkakaibigan natin yumi!”.saad niya at sinuot sa kamay ko yung bracelet kaya pinagmamasdan ko ito.

        “Ang ganda Francheska!” nakangiting saad ko kaya tumawa siya.

         “Haynako yumi nangbobola ka lang naman eh tara na nga matulog na tayo at baka mahuli pa tayo sa trabaho natin bukas”.saad niya at niyakap ako pagkatapos non ay humiga na siya pero ito ako pinagmamasdan yung binigay niya sa'akin na bracelet.

iingatan ko ito gaya ng pagiingat ko sa aming friend ship, tunay na kaibigan talaga si francheska at wala na akong mahihiling pa dahil napakaswerte ko dahil may ganyan akong kaibigan.

       “Good night, Francheska!” saad ko bago matulog, at nakatulog agad ako sa sobrang saya.

*****************

He's Dangerous, Becareful Yumi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon