KABANATA 9: MASTER Z

20 1 0
                                    

Yumi’s POV

NAGLALAKAD lang kami habang may dalawang kawal na pinaggitnaan nila ako at nakahawak sa magkabila kong braso nakatingin lang ako sa likod ng nakamaskara habang sinusundan lang namin iyon kung asan ang direksyon niya ngayon nang tumigil siya dito sa lugar kung saan mukhang paraiso ito, may maganda palang lugar dito akala ko doon lang sa maraming bulaklak ang magandang puntahan yon pala meron papalang lugar na ganto.

Kaya namamamgaha ako sa mga paligid kasi may mga baging dito, pati yung puno ng sakura na may mga nalalaglag gusto ko sana pulutin iyon dahon kaso hindi pwede dahil yung dalawang kamay ko ngayon ay hindi malaya. May nakita akong templo doon sa taas at yon din ang direksyon niya nang umaakyat kami sa hagdan ay medyo nahihirapan ako sa paghakbang, ang dami ng hagdan kaya parang paa kona yung susuko. Ang sakit na ng paa ko parang walang hanggan itong hagdan kaya pinipilit kona lang humakbang.

Pero yung nakamaskara parang hindi napapagod eh ako pati yung dalawang kawal ay parang napapagod na parang hindi natatapos yung pag hakbang sa hagdan hanggang kailan ba ito? nang makita kona yung tuktok kaya nakahinga ako ng maayos dahil sa wakas! andito narin sa taas.
pumasok na yung nakamaskara sa loob at tinulak ako ng isang kawal sa loob at isinara yung pinto kaya kinabahan ako bigla nakita ko yung nakamaskara na nakatalikod ngayon.

Nanginginig nanaman itong mga tuhod ko ngayon, ayaw makisama ng mga tuhod ko kaya hindi ko pinapahalata na natatakot na ako ngayon. tahimik lang nakatalikod yung nakamaskara at medyo madilim dito kaya kinakalibutan ako sa kaba. Napalunok ako ng may kinuha siyang katana na dalawa iyon kaya napa atras ako bigla, baka papatayin nya nga ako!!

           “Patayin ko siya!!! PAPATAYIN KO SILA WHAHAAHAHAHAHAHA”. halakhak niya kaya natumba ako bigla kaya napalingon siya sakin.

At lumapit kaya napayuko nalang ako,
nang itutok sa'akin yung isang matulis na katana kaya napa-lunok ako habang yung isang katana naman ay hinagis niya kaya nagulat ako don.
napatingin ako sa katana na nakatutok sa mukha ko kaya pilit kong tignan yung naka maskara kahit na nakakatakot.

              “Aswang ka ba?!” nagulat ako sa sinabi niya kaya lumaki yung mata ko at bakit niya naman nasabi????

       “May naamoy ako sa ‘yong kakaiba kaya kung aswang ka, kailangan kitang patayin ngayon!”. napakagat ako sa saraling labi ko sa sinabi niyang iyon.

       “A-ako?aswang??? B-bakit?” saad ko at pinaglaruan niya yung buhok ko tsaka lumapit sakin, nararamdaman ko yung hininga niya kaya natakot ako.

        “Kung aswang ka nga at nagsisinungaling ka papatayin kita!” bulong niya kaya lumaki yung mata ko sa sinabi niya at tumayo na siya.

           “TAYO!!!” sigaw niya kaya pilit akong tumayo kahit na nanginginig yung tuhod ko sa takot, nakakakilabot yung sigaw niya sobra . nang nakatayo na ako at tumingin sakanya ng diretso ay bigla itong lumapit at nagulat ako sa ginawa niya, inaamoy-amoy niya yung buhok ko pati buong katawan ko inaamoy niya kaya nararamdaman ko yung mainit niyang hininga, naiilang ako sa ginagawa niya ngayon, nang tumigil siya sa bracelet kaya nagtaka ako kung bakit.

Tumayo ito at pinulot yung katana at tinutok ulit ito sa’akin kaya napa-lunok ako bakit, andaming mga tanong sa utak ko kung bakit at ano.
nakatingin lang ito sa'akin kaya, nagtataka at naguguluhan lang ako.

         “Yung bracelet sabibin mo saan mo yan napulot o sino nag bigay sayo nyan!”.nasindak ako sa malamig niyang boses kaya pumikit mu'na ako bago sagutin yung tanong niya.

          “K-kamahalan B-bakit niyo po naitanong?”. saad ko at parang nagalit ito sa sinabi ko at nagwawala.

Sinira niya yung mga gamit nanandito, madilim dito kaya hindi ko siya masyado makita yung mga ginagawa niya. Alam ko lang ngayon na galit at nagwawala si Master Z ngayon. Naririnig ko'na lang yung mga inggay sa pagwawala niya may mga nasisirang mga gamit at may punit na mga papel,kaya pinulot ko iyon at tinupi nang marinig kong papunta sa akin si Master Z kaya tinago ko yung papel sa bulsa ng kimono at nagulat ako sakanya.

He's Dangerous, Becareful Yumi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon