KABANATA 12: 7 DAYS

28 1 0
                                    

Yumi’s POV

ANDITO ako ngayon sa malamig at madilim na kulungan mag isa habang umiiyak dahil ngayon hindi ko sila maliligtas, yung mga taong mahalaga saakin hindi kona makikita.
gusto kong iligtas sila April, Sophie, Nicolas,Rea dito at gusto kong makita ng dalawa kong mata na buhay sila Francheska at Charles!!!!
kaya niyakap ko ang aking sarili nang dahil sa lamig, may mga sugat na ako sa mga binti dahil nadapa ako non time na nahuli ako ni Master Z.

Hindi na talaga ako makakatakas dito, nasa kulungan na ako at ang malungkot ay ako lang mag isa kaya naalala ko tuloy si Francheska kaya naman tumulo yung luha ko sa sobrang lungkot.
ang sakit rin ng mga paa ko ngayon dahil pinilit kong tumakbo kagabi, nawawalan na talaga akong pag-asa sa buhay ko ngayon parang dito na ako mamatay sa lugar na ito. nang magulat ako dahil may papalapit kaya napalingon ako don, at yung nakamaskara nga.

Nakatayo lang siya sa harap kung saan ako nakakulong kaya napayuko nalang ako dahil alam kong mamatay rin naman ako at papatayin niya ako.

        “Bibigyan kita ng life span, 7 days sapat na sa‘yo, kaya mag pasalamat ka na lang dahil hindi kita papatayin sa ngayon!” malamig na boses ng nakamaskara kaya nalungkot ako dahil kahit na hindi niya ako papatayin ngayon ay may hangganan naman ang buhay ko.

isang linggo??? papatayin niya na ako?
dapat pinatay niya nalang ako ngayon palang dahil ayoko na mabuhay pa.

Nawawalan na ako ng pag asa mabuhay, isang linggo? kaya tumawa ako ng mahina dahil isang linggo na dapat sulitin ko na yung natitira kong buhay sa mundong ito, nang marining ko na lang na binubuksan yung rehas kaya napalingon ako doon at nakatayo parin yung nakamaskara at yung isang kawal yung nag bukas ng rehas at agad na pumasok yung nakamaskara dito sa loob

Siguro bagay siyang makulong dito sa dami ng pinatay niya, nang naalala kong hari pala siya pero hindi halata sakanya na hari siya, ilang taon na kaya siya?? lumapit ito kaya bigla akong kinabahan sa nakamasnakamaskara dito sa loob

Siguro bagay siyang makulong dito sa dami ng pinatay niya, nang naalala kong hari pala siya pero hindi halata sakanya na hari siya, ilang taon na kaya siya?? lumapit ito kaya bigla akong kinabahan sa nakamaskara na nasa harap ko!!

       “May mga katanungan ako sayo ” bungad niya sa napakalamig ng boses.

       “A-ano po iyon kamahalan?" saad ko at napahawak ito sa panga niya.

       “Hmm napag isipan ko na kung ano bang gusto mong kamatayan?” saad niya kaya napa-lunok ako dahil don.

        “Kayo na po bahala kamahalan”. saad ko kaya nanahimik siya bigla.

        “Kung ganon sige, may nakahanda na akong plano kung pano kita papatayin, kunin niyo itong babae dalhin niyo siya sa palasyo” saad niya at umalis.

Kaya naman ay may pumasok na dalawang kawal at kinuha ako, sabi niya may 7 days pa ako para mabuhay?? pero ano ito? talk shit ba siya??
nang may humarang na prinsesa kaya napalingon ako doon at si Prinsesa Ayesha pala ito kaya napangiti ako.

            “Kamusta? hiramin ko lang muna siya saglit ha?” malambing na sabi niya kaya nabitawan agad ako ng dalawang kawal, at kinindatan niya yung mga iyon. kaya sinama niya ako kung saan yung tambayan ng mga kagaya niya, kaya namangha ako sa ganda ng lugar.

           “Yumi, upo ka dali” saad nitong may ngiti sa labi kaya umupo ako.

           “Malapit na pala yung kaarawan ko hehe kaya gusto kong makita kita doon sa party”. saad niya kaya nahiya tuloy ako.

         “Wag mong sabibin na tatanggi ka yumi, basta pumunta ka ha?hayaan mo susunduin ka ng mga bunnys ko” saad niya kaya bigla akong nagtaka kung ano yung tinutukoy niyang mga bunny??

He's Dangerous, Becareful Yumi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon