KABANATA 14: LADY MOCA, AND SUZUKI FAMILY

19 0 0
                                    

Yumi’s POV

PAPUNTA ako ngayon sa kaarawan ni Prinsesa Ayesha at yung suot ko ngayon ay yung kimono at alam kong nakakahiya sapagkat nakasuot ako ng ganto kasi alam kong magaganda at magagara ang kasuotan ng dadalo.

Wala naman akong pwedeng masuot kundi itong kimono na kasuotan ng naglilingkod kay
Master Z, siguro hindi ko na lang papansin yung mga taong dadalo para hindi ako mahiya agad.

Sapagkat ang pinuntahan ko doon ay si Prinsesa Ayesha at hindi sila, nang makasalubong ko si Prinsesa Mona ang gara ng suot kaya napangiti ako habang papalapit siya sakin.

         “Papunta ka na sa birthday ni Ayesha?” saad nito at tumango ako.

        “Wait. Samahan mo muna ako Yumi” saad niya at agad naman akong sumunod sakanya.

Napunta kami dito sa bilihan ng mga magagarang kasuotan kaya namangha ako dahil dito pala sila bumibili ng mga isusuot nilang magagandang kasuotan. nagulat nalang ako ng sukatan ako ng isang babae kaya napatingin ako kay Prinsesa Mona na nakangiti, Bakit?

Pagkatapos sukatan ay hinanap ko si mona na naghahanap ng kung ano-ano at may hawak siyang maskara na maganda na lumingon sa'akin at ngumiti kaya ganon din ako, ang gaganda ng mga makikita mo dito dahil katulad nila mona lang ang makakapasok at makakabili ng mga mamahalin na ganto.

          “Yumi. try mo ito” saad niya at inabot sakin yung kulay violet na maskara na napakaganda nito kaya tinitigan ko lamang ito nang kunin ito ni mona at isuot sakin kaya napangiti ako.

Na tangging bibig lang ang makikita ng iba sa suot kong maskara kaya tinanggal ko na ito dahil alam kong hindi bagay ito sa'akin sapagkat isa lamang akong alipin. may nilapag si Mona na heels na kulay violet kaya ang ganda nito.

         “Yumi, isuot mo hihi” saad niya kaya ginawa ko iyon.

Tumaas ako ng onti kaya parang magkasing tangkad na kami ngayon ni mona kaya napangiti ako.

Nang dumating na yung babaeng nag sukat sakin kanina at may binigay kay Prinsesa Mona na gown na kulay violet na napakaganda kaya pinagmamasdan ko lang iyon at ngumiti si Prinsesa Mona at binigay sakin iyon kaya nagulat ako.

         “Bakit... Prinsesa Mona?”.tanong ko at pinasok ako sa dressing room at sinarado.

         “Suotin mo ‘yan, Yumi ah? gusto ko kasi na makita kitang nakasuot ng magandang gown sa kaarawan ni Prinsesa Ayesha” saad niya kaya napangiti ako.

          “Pero Prinsesa Mona, okay lang naman sa'akin na kahit kimono lang yung suot ko eh” saad ko at tumalikod siya bigla.

           “Basta suotin mo parin yan Yumi, hihintayin kita sa labas” saad niya bago ako iwan mag isa dito.

Ayoko naman na suwayin si Prinsesa Mona pero itong magandang gown parang hindi babagay sa tulad ko kaya ilang minuto ako nag iisip nang maalala ko nanaman na may taning na pala yung buhay ko kaya agad ko itong sinuot dahil siguro susulitin ko na lamang yung natitirang buhay ko ngayon at salamat kay Prinsesa Mona na dahil ma e-experience kong makasuot ng gantong gown na maganda.

Lumabas na ako at nakita kong napangiti si Prinsesa Mona ng makita niya akong suot-suot ito kaya ngumiti rin ako.

Lumapit siya sa‘akin at sinuot yung maskara na kulay violet kaya hinawakan ko yung maskara na nasa mukha ko ngayon at tangging makikita lang ay yung aking bibig at mata.

Humakbang ako ng matapilok dahil hindi pa ako sanay sa high heels na ito. Naramdaman ko na lang na may nag aayos sa aking buhok kaya non matapos iyon ay pinaharap ako sa human size na salamin kaya natumba ako bigla nang makita ko yung repleksyon ko sasalamin.

He's Dangerous, Becareful Yumi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon