KABANATA 20: PAG LALAKBAY

33 2 0
                                    

                      

Charles POV

SA mga mata ni Francheska ay nakikita kong malungkot siya nun mga oras na si David kung ano-ano ang mga pinagsasabe niya kay francheska pero sa mga pinagsasabe niyang iyon ay hindi ko pinaniwalaan.

Dahil alam kong mabait si Francheska pero pinipigilan siya ng nakaraan niya maging masaya o maging payapa ang buhay niya.

Sobra akong nalungkot sa mga nalaman ko tungkol sakanya pero mas lalo ko siyang nakilala kaya nun' unang kita palang namin na kasama niya si yumi ay hindi na maalis yung mga mata ko sakanya parang nahulog agad ako sa kanyang kagandahan at ngayon gusto niyang mawala dahil sa nakaraang nakabuntot parin sakanya.
gusto ko siyang manatiling mabuhay dahil hindi ko alam kung bakit kapag nakikita kong nawawalan na siya ng pag-asa ay parang ganon na din ako.

Higit sa lahat gusto ko siyang maging totoo sa sarili niya at hindi na matakot kaya ipaparamdam ko sakanya na may pag-asa pang mabuhay.

Hindi ko inaasahan na aatakehin ako ni David ng hindi alam, parang bang nanghina ako ng makita kong nag dudusa si francheska.

Bago kami naka-alis ni Francheska noong mga oras non ay may iniwan akong kawangis ko para sigurado akong magiging okay at maprotektahan si soe tsaka para isipin nila david na hindi ako tumakbo sa laban, kahit na kasama ko si francheska sa himpapawid ay nakikita kong nakikipag laban ang kawangis ko.

Napangiti ako ng ligtas si Soe at nakauwe na siya kasama yung kawangis ko pero hindi na yon mag tatagal kasi may hangganan yon.

Kay Francheska naman habang nakikitang tumawa siya ay gumagaan ang pakiramdam ko kaya gusto ko palagi siyang tumatawa ng ganon dahil mga ngiting iyon ay nakakapawi ng aking pagod, yung kubo na iyon ay gawa ng kapangyarihan ko kaya sana nakatulog siya ng maayos.

Nag-luto ako ng inihaw na isda para sakanya at may mga inihanda akong prutas kung sakaling ayaw niya ng isda ay may prutas siyang makakain, narining kong bumukas yung pinto.
gising na siya.

       “Mukhang masarap yan ha!” dahil sa sinabi niya ay napangiti ako.

binigay ko sakanya yung naluto kong malaking isda na kitang kita sa mukha niyang pagtataka,
siguro hindi siya kumakain ng ganto hay napaka palpak ko ngayong araw.

       “Charles hati tayo”

Napalingon ako sakanya at bigla itong umiwas ng tingin at binaling sa isda ang tingin.

        “Wow napaka-bango at sariwa ngayon nalang ulit ako nakakain ng ganto hehe^^”

mga ngiting nyang yan ay parang gusto kong mapangiti siya ng ganyan habang buhay,
talagang nagustuhan niya yung niluto ko kaya pinanood ko lang siya kumain.

        “Huh?bakit ka nakatingin sakin charles ng ganyan!” suway niya kaya napangise ako ng wala sa oras dahil ang kalat niyang kumain.

Lumapit ako sakanya para punasan yung nasa gilid ng kanyang labi hanggang sa mag tagpo ang mga mata namin sa oras na ito.

        “Hindi mo ba alam naiilang ako kapag may nakatingin saakin na kumakain” saad niya kaya pinisil ko lang yung pisngi niya at naglakad papuntang ilog.

         “Hoy! bumalik ka nga dito! bakit mo ginawa yon charles !!” sigaw niya pero patuloy lang ako sa paglalakad ng nakangiti ang ganda ng araw ko ngayon hahaha.

Napahinto ako ng makasalubong ko si Laveña, ano naman ginagawa niya dito?
hahakbang na sana ako ng mag salita ito

         “Hindi mo ba alam na nakita kitang may kasamang ibang babae at mukhang ang saya niyo ha? alam ba ni Luna ito?” sabay tawa nito.

He's Dangerous, Becareful Yumi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon