Yumi’s POV
HINDI parin mawala sa isip ko kung pano ako ipagtanggol ni prinsipe klein kanina kahit na nag aayos kami ngayon ng mga handa ay nakangiti ako nang biglang may tumapik sa balikat ko kaya nakangiti akong nilingon iyon at si Sophie pala kaya nagkwento siya ng kung ano ano hanggang sa napunta kay prinsipe klein kaya namula ako bigla.
“Yumi, omg ka!!! nakakakilig kanina si Prinsipe Klein niligtas ka kanina kaya nakakakilig talaga beh!” tili nito kaya sinaway siya ng parang matagal na naglilingkod dito.
“Pero, Yumi. Ang gentleman niya ah! siguro siya yung tinutukoy mong ano na mahal mo yi3333” bulong niya kaya lalo tuloy ako nahiya.
“Sophie naman, sgesge na Oo si Prinsipe Klein nga pero” saad ko kaya tumalontalon siya.
“Hoy ano ba Sophie baka pagalitan nanaman tayo, pero sophie hindi kona nakikita si Charles.” malungkot na sabi ko kaya lumapit siya sakin.
“Yumi huwag kang mabibigla ha? si Charles kasi tumakas pinigilan namin ni April si Charles pero desidido talaga siya” nagulat ako sa sinabi niya.
“B-bakit si Charles...” banggit ko kaya bigla akong napaupo nang dahil sa lungkot, dahil alam kong mapanganib kapag tumakas may mga mababangis sa lugar na ito katulad nalang ng mga aswang pati na rin yung mga lobo.
“Alam mo Yumi napansin ko rin na parang na depressed si Charles non time na kinuha si Francheska ng mga kawal” Saad niya kaya napaluha nalang ako bigla kasi baka may mangyaring masama kay Charles sa gubat???
“Maraming beses na ngang pinigilan ni Nicolas si Charles na magpakamatay eh siguro yumi apektado talaga siya sa pagkahuli ni Francheska”. saad niya kaya nalungkot ako bigla, dahil hindi ko alam ganon na pala yung nangyayari kay Charles, napaka t*nga ko!
hindi ko man'lang alam na ganon yung mga nangyayari kay Charles!!Wala akong kwentang kaibigan ni Charles dahil yung oras na dapat andon ako para damayan siya pero hindi eh? kaya sinisisi ko yung sarili ko kung bakit ngayon tumakas siya at pilit niyang nilalaban ang lungkot niya.
“Sorry yumi, ngayon ko lang nasabi kasi sabi ni Charles huwag na huwag ko raw sabibin sayo baka daw sumunod ka at pigilan mo siya” saad niya kaya tumutulo na yung mga luha ko ngayon.
Talagang pipigilan ko siya!
dahil nga mapanganib doon sa gubat pati dito sa lugar na ito mapanganib!!!
kaya nakaisip ako ng paraan ngayon,
tumingin ako kay sophie at ngumiti agad ito kailangan kong gumawa ng paraan.“Sophie, susundan ko si Charles basta sabibin mo lang kung saan yung direksyon yung pinuntahan niya” saad ko at nagulat ito.
“Yumi... hindi ko hahayaan na pati ikaw pumunta don!!” saad niya kaya niyakap ko siya ng mahigpit.
“Kailangan ko siyang iligtas at puntahan, please Sophie sabibin mo na ” bulong ko at kumawala na siya sa pagkakayakap ko
“Sige, sasabihin ko basta ipangako mo na babalik ka nang buhay at kasama mo na si Charles, kung hindi mo siya nakita ibigsabihin....” saad niya kaya bigla akong nalungkot sa sinabi niya.
“Promise. Sophie babalik ako at babalik kaming dalawa ni Charles ng buhay!” saad ko at napaiyak siya.
“Sabi mo yan ah? At pangako yan Yumi” saad niya at ngumiti.
“Pangako, Sophie.” nakangiti kong saad
“Sasabihin ko sayo kapag tapos na tayo dito sa pag aasikaso sa mga bisita ni Master Z ”. saad niya kaya bumalik na kami sa mga ginagawa namin kanina.
BINABASA MO ANG
He's Dangerous, Becareful Yumi!
Mystère / ThrillerSynopsis Yumi Salvador was a college student when she went to master Z's place and was made a slave and she managed to sarificed herself just to free her friends in the world that they're not belong with, but yumi was left behind because master z ca...