KABANATA 15: ROSAS

23 1 0
                                    



Yumi’s POV


AT SI MASTER Z nga yung nabangga't nasa harap ko ngayon !!! nakatingala parin ako sakanya at ganon padin siya na nakatingin lang sa'akin ngayon at alam kong lahat ng mga mata ay nasa amin ngayon nang naglakad na siya papunta sa doon harap kung nasaan si Lady Moca  kaya naiwan ako dito na hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko parang na stuck na yung dalawa kong paa dito napatingin ako sa mga taong nandito na nakatingin nasa harap ngayon.

May mga bagong dating na rin at ganon din yung direksyon nila papunta sa harap, napansin ko rin na walo yung mga upuan don sa harap nang nakita kong umupo na si Master Z sa isa sa mga upuan don pati yung mga bagong dating

Teka sino ba sila??
walo nga yung mga upuan at sakto sakanila na pati rin si Master Z ay nakaupo rin sa isa mga upuan sa harap..hindi kaya mga importanteng bisita sila?

Nasaan na nga pala si Prinsesa Mona??

          “Sana mapansin ako ng isa sa mga hari na iyon sa harap! at pansinin ako para naman mas umangat pa yung posisyon ko dito” saad ng isang prinsesa habang kinikilig .

           “Si Z, yung gusto ko sa walo na ‘yon at wala nang iba” sabi naman ng isa.

           “Pangarap ko talagang ikasal kay Z!!!” sabi naman ng isa hyst hindi nila alam nakakatakot yung gusto nila.

            “Bali-balita raw ay nanalapit nang koronahan si Z bilang isang ganap na Emperor kaya sana ako yung mapili” saad ng isang prinsesa habang nakatingin kay Master Z.

Andami pala talagang mga prinsesa na gustong gusto si Master Z noh? Maraming mga prinsesa rin na baliw na baliw sakanya, pero hindi nila alam na nakakatakot yung ugali niya.

Narinig ko na lang na mag palakpakan ang lahat kaya napatingin ako sa harap at nakita ko si Prinsesa Ayesha na ang ganda ng suot sobra!!
si Prinsesa Mona ayon pala, siguro sinamahan niya si prinsesa Ayesha.

Kaya pala nawala nalang siya bigla kanina kaya okay lang dahil alam kong para kay Prinsesa Ayesha. Gusto ko sana batiin siya at lumapit kaso nahihiya ako sa mga nandito pati narin sa mama niya, doon din sa walo na iyon na kasama si Master Z.

Nang sumayaw si Prinsesa Ayesha at yung partner niya yung prinsipe na nagbigay sakin ng rosas na ito. Biglang may kumalabit sakin at si Prinsesa Mona pala, kaya napangiti ako ng makita ko ulit siya kaya nakita kong napatingin siya sa hawak-hawak kong rosas.

          “Sa‘yo nalang Mona” abot ko sakanya pero hindi niya tinanggap.

           “Yumi, kasi tungkol d’yan sa rosas na iyan ay makakasayaw mo yung isa sa walong nasa upuan na iyon, sabay turo niya ron’ kaya nanlaki yung mata ko nang pati si Master Z ay kasali sa walo na iyon.

            “A-ayoko, Mona” saad ko habang pinagmamasdan yung rosas.

           “Hayyy yumi! tignan mo nga yung ibang prinsesa dito gustong makuha yung magandang rosas na yan kasi may chance silang makausap yung mga nakaupo doon, pero hindi ikaw yung pipili ng makakausap mo don kundi sila” mahabang salaysay niya kaya napasimangot ako bigla.

Ibigay ko na lang kaya sa mga prinsesa yung rosas na ito kase ayoko naman na makausap yung mga iyon sapagkat wala akong lakas ng loob, dahil isa lang akong alipin ng nakamaskara na iyon.

            “Ang ganda ni Ayesha” saad ko at tumingin si Prinsesa Mona sa‘akin.

          “Maganda naman siya araw-araw at ikaw din naman Yumi eh” saad niya kaya nakangiti akong pinagmamasdan si Prinsesa Ayesha na sumasayaw parin kasama yung nagbigay ng rosas sakin kanina.

He's Dangerous, Becareful Yumi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon