Charles POVMARAMING panauhin ang dumalo sa kaarawan ni Luna na dito sa palasyo namim ginanap, kamusta na kaya si Franchescka ngayon?.kanina kasi pag alis ko ayaw niya akong kausapin o harapin man lang,, napag isipan kong sabihin kila Luna mamaya na meron akong minamahal na iba saka ayoko na kasing mag tago pa sakanila ng sikreto... gusto kong ipakilala sakanila yung babaeng nagpapaligaya ng aking buhay ngayon at wala nang iba kundi si Franchescka...
Biglang may yumakap sakin sa likod at si... Luna pala ito, nagulat ako nang halikan niya ako kaya hindi ako tumugon sa halik niyang iyon at ngayon ko lang napansin na may mga nakatingin sa amin...mga panauhin.. nakita kong pilit lang yung ngiti ni Luna kaya napakagat nalamang ako ng sariling labi,, kailangan ko na talagang sabihin sakanila tungkol saamin ni Franchescka.. ayokong patagilin pa kase nung hindi ako tumugon sa halik niya ramdam kong nasaktan siya dahil doon..
“Ahmm.. charles” Boses iyon ni Luna kaya huminga muna ako ng malalim bago ko siya hinanap at nakayuko lamang ito.
“Luna, anong problema? bat nakayuko ka nang ganyan?” pag aalala ko at tinaas ko ang ulo niya at tumutulo ang luha na agad kong pinunasan.
“Charles... M-mahal mo ba talaga ako? or pumayag ka lang sa arrangement marriage dahil ayaw mo akong masaktan pero... sa totoo lang ramdam na ramdam kong hindi mo ako mahal charles!!.. KUNG AKO BA SIYA MAMAHALIN MO RIN AKO NG TOTOO??.. Charles sana pala hindi ka na nangako kung hindi rin pala totoo ang nararamdaman mo sa'akin dahil ako, Charles MAHAL NA MAHAL KITA kaya ang sakit sakit kahit ayaw ko man maniwala pero kada gising ko sa umaga naiiyak ako DAHIL HINDING HINDI HINDI AKO MAGIGING SIYA!!!”. emosyonal na wika ni Luna habang si Charles natulala sa mga narinig.
“Lun-” hindi na naituloy pa ni Charles yung sasabihin niya nang mag salita agad si Luna.
“Huwag. huwag. Ayokong marinig yung sasabihin mo Charles dahil alam ko naman na kahit hindi mo pa sabihin... kung sakanya ka masaya....wala na akong laban jan.. huwag kang mag alalala nasabe ko na kila tita at sa parents ko” Saad ni Luna habang nag pupunas ng kaniyang luha
“Kakausapin ka ng parents mo Charles kaya kung ako sa'yo puntahan mo yung babaeng minamahal mo ngayon dahil nasa panaganib yung buhay niya!!.. ” bigla akong nanghina sa sinabe niya dahil tungkol ito kay Franchescka.
“Si Emperor Tan ang may pakana, siya rin nag sabi ng tungkol sainyong dalwa ng babaeng pinakamamahal mo at halatang planado iyon ni Emperor Tan na gulohin yung buhay mo Charles, kaya mag ingat kayong dalawa” saad ni Luna na inabot sa'akin yung kapiraso ng damit ni Franchescka.
“Bilisan mo Charles!! iligtas mo siya” dahil sa sinabe niyang iyon ay nag anyong lubo agad ako at patungo sa gubat... mabilis akong tumakbo at muntik na akong mahulog sa bangin sa sobrang bilis kong tumakbo.. Franchescka ililigtas kita kahit buhay ko pa kapalit, Tan... magbabayad ka kapag may nangyaring masama kay Franchescka!!
Ang tanging hawak ko lang ngayon upang mahanap si Franchescka ay yung kapiraso ng damit niya na sinusundan ko ang amoy upang matagpuan ko siya, nang naputol ang amoy sa lugar na ito ay huminto ako at inihanda ang sarili sapagkat yung Emperor Tan na yan at mga alagad niya nasa paligid ko lang ngayon...
Papàtayin ko siya kapag may nangyaring masama kay Franchescka!!! hindi ko na lang sana iniwan siya kung alam ko lang ganito yung mangyayari!!
kasalanan ko lahat ito, dahil sa'akin nasa panaganib yung babaeng minamahal ko ngayon.“Charles. Charles. Prinsipe Charles!!” boses iyon ng Emperor Tan, kaya pinakaramdam ko lamang dahil tangging boses lang niya yung naririnig ko at alam kong trap lamang ito.
BINABASA MO ANG
He's Dangerous, Becareful Yumi!
Mystery / ThrillerSynopsis Yumi Salvador was a college student when she went to master Z's place and was made a slave and she managed to sarificed herself just to free her friends in the world that they're not belong with, but yumi was left behind because master z ca...