KABANATA 10: BABALA

16 1 0
                                    

Yumi’s  POV

NAGUGULUHAN parin ako ngayon, nasa silid ako ngayon at nagpapahinga na nang bumukas yung pinto at niluwa non ay si Master Z, kaya napatayo ako bigla at yumuko ako dahil hindi ko alam kung bakit siya pumunta dito sa silid na tinutuluyan ko ngayon?

        “Pagkatapos kong mahanap yung halimaw na yon papatayin rin kita” saad niya kaya lumaki yung mata ko sa sinabi niya kaya napahawak ako sa aking bibig.

        “Kaya sulitin mo na yung natitira mong buhay tsk!” saad nito bago sya lumabas kaya napaupo ako at umiyak.

Tuluyan na nga bang mamatay ako?
ang sakit lang kasi may taning na yung buhay ko nang hindi ko pa naa-alala lahat kung bakit napadpad kami dito sa lugar na ito at hindi ko maalala yung nga mahal ko sa buhay, yung mga pamilya ko at yung pagkatao ko parang burado lahat ng mga iyon kaya ang nagawa lang ngayon ay umiyak ng umiyak.

Bakit kasi hindi ko maalala yung lahat?!
mahigit ilang linggo na ako nandito tapos ngayon nawala si francheska sa'akin ,at ngayon may taning na yung buhay ko kaya kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at napangiti ng mapait.

Biglang may pumasok sa silid kaya tumayo ako at nakita ko yung isang matandang naglilingkod dito may nilapag ito sa higaan ko at ngumiti.

“ija yan yung susuotin mo sapagkat yung kimono mo ngayon ay may punit, pinapabigay ni kamahalan yan sayo”. saad niya kaya hinawakan ko yung bagong kimono, napatingin din ako sa suot kong kimono ngayon.

Punit nga talaga kaya ngumiti ako dahil may bagong kimono na isusuot ako bukas, saglit bakit pala pinapabigay ni master z ito? Eh sabi niya papatayin niya rin naman ako, hindi ko rin magets ang gulo talaga ng utak ko ngayon.

      “ija, hindi natuloy yung magandang selebrasyon sapagkat wala si kamahalan Z kahapon kasi siya yung importante sa mahalangang okasyon na iyon” saad niya kaya nagulat ako, ibigsabihin hindi natuloy yung pagdidiriwang kahapon?

        “Paano po yung mga pumuntang prinsesa at prinsipe kahapon?” tanong ko.

       “Nadismiya sila at nagkanya kanyang umuwe dahil gusto nilang makita si kamahalan Z ” saad niya.

Oo nga no? kahapon kasama ko si master z kaya hindi natuloy yung okasyon na iyon dahil wala si Master Z.....mahalaga talaga si Master Z sa lahat
importante talaga siya sa lahat.

           “Pero ija nabalitaan kong kasama mo si kamahalan kahapon, saan ba kayo nag-punta?” tanong niya kaya hindi ko alam kung saan magsisimula.

      “Parang templo po ata iyon” nagulat siya sa sinabi ko kaya nagtataka ako.

      “ija, mag iingat ka kay Master Z isa siyang mapanganib dahil bigla-biglang nag iiba yung ugali niya, alam kong hindi mo pa talaga siya kilala pero maniwala ka sasabihin ko ija isa siya sa mga dapat mong katakutan, mag iingat ka ija”. mahabang salaysay ng matanda at umalis na ito kaya naiwan akong tulala.

Isa ba yung BABALA?
kaya nakaramdam ako ng takot dahil lagi ko siyang kasama, isa nga siyang mapanganib at marami pa nga akong dapat malaman tungkol sakanya. Tumayo yung balahibo ko sa takot habang iniisip yung nga sinabi ng matandang babae kanina, dapat nga talaga akong matakot sakanya!!!! kasi hindi ko pa talaga siya lubos na kilala at parang ang lalim ng buhay niya na dapat hukayin. Siguro magtatanong ako sa nakausap kong matandang babae kanina.

Aalamin ko yung mga information ng nakamaskara dahil baka alam niya yung mga info kasi matagal na siya dito. Talaga ngang matalinhaga yung nakamaskara na iyon simula pa non una ka siyang makita parang hindi ko siya maintindihan, kaya siguro nga bago ako mamatay ay malaman ko mu'na yung pagkatao ng nakamaskara na iyon at pati makita muna yung itsura niya, nago ako patayin niya, kaya sinuot kona yung bagong kimino kaya napangiti ako dahil bago ito at ang ganda talaga ng kasuotan nato kahit na alipin kami ay ang ganda parin.

He's Dangerous, Becareful Yumi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon