Cheska’s POV
HINDI ako mapakali dahil nasa lungga ako ng mga lobo paano kung malaman nila na aswang ako?pano na? natatakot ako....nawala yung pangamba ko nang hawakan ni charles yung kamay ko kaya ngumiti ako sapagkat kung wala si charles sa tabi ko ngayon ay baka lumipad na ako nang wala sa oras, may mga naglilingkod na sumalubong saamin.
Kaya bigla kong naalala si yumi, hinahanap ng mata ko si yumi pero hindi ko siya makita.
hindi siya kasama ng mga ito...baka nasa loob siya ng palasyo, hindi na ako makapag antay na makita siya at makausap.
“MALIGAYANG PAG DATING PRINSIPE CHARLES MASAYA KAMING MAKITA KAYO” sabay-sabay sila sa pag bati na may kasamang mga ngiti.
Yumuko si charles at lahat sila ay yumuko rin,
naalala ko dati. kami nila yumi ginagawa namin mga yan, kaya napangiti lang akong pinag mamasdan sila. Dinala nila kami sa magandang lugar dito sa palasyo at may malaking pagsasalo-salo pero bakit parang kami lang yung bisita?pinaupo ako ni charles kaya umupo narin ako, ganon din siya pero akala ko ba makikita namin yung z bakit wala siya?
“Paumanhin mahuhuli po si Master Z sapagkat may inaasikaso pa po siya, habang wala pa po siya ay pwede po kayong mauna na sa hapag kainan dahil alam po naming napagod kayo sa inyong paglalakbay” saad ng matandang nag lilingkod dito.
Gusto ko sana siya tanungin kung asan si yumi pero parang hindi ko kaya, biglang may narinig akong...
“Kamahalan andito na po si Prinsipe Charles”.
Ayon na ba yung Z?
Kailangan kong kumalma.
kaya uminom muna ako ng tubig... eh? alak pala ito akala ko tubig lang nang may inabot si Charles na tissue kaya agad kong kinuha iyon...akala ko pa naman talaga na tubig iyon.May umupo sa tapat namin pero nakatingin lang ako sa baba ng mag salita iyon “Charles?”.
“Nag kita ulit tayo Klein haha masaya akong makita ka ulit” saad ni Charles sabay nakipag kamay doon...akala ko yung Z na, yon pala iba!
“Hindi mo kasama si Luna?” tanong nito kaya napalingon ako kay charles, sino kayang Luna?
“May pinuntahan siya kaya hindi siya makakadalo pero sabe niya saakin na ikamusta ko nalang daw kay Z” sagot naman ni Charles.
“Ah, ganon ba pero sino pala itong binibini na kasama mo?” dahil sa tanong ng lalaking iyon ay kinakabahan ako sa isasagot ni charles.
“Mahal na kamahalan paumanhin kong naistorbo ang inyong pag uusap pero may naghahanap po sainyo, prinsipe klein” saad ng babaeng naglilingkod dito kaya tumayo na siya.
“Kung ganon, Ako nga pala Si Klein Takahashi masaya akong makilala ka binibini at paumanhin kong nagmamadali ako at sayo Charles” saad nun' at yumuko muna bago umalis kaya nakahinga na ako nang maayos.
May narinig akong musika kaya gumaan ang pakiramdam ko dahil doon, tumingin ako kay charles at napatingin saakin.
“Hindi ko siya nakita charles” malungkot na sabe ko at hinawakan niya yung kamay ko na nakalapag sa mesa “Makikita rin natin siya, huwag kang mag alala Cheska, dahil malaki ang palasyo at may kanya-kanyang ginagawa sila dito. Pangako makikita natin siya” napangiti ako sa sinabi ni charles at ganun rin siya.
Tumango ako at kumain na, sabik na sabik na akong makita si yumi dahil miss na miss ko na talaga siya kasi matagal na rin kaming hindi nagkita kaya alam kong ganon din siya, yumi sasabihin ko na saiyo yung katotohanan, okay lang kung layuan mo ako pero ayaw ko nang magtago ng sekreto pa sa'yo.
BINABASA MO ANG
He's Dangerous, Becareful Yumi!
Bí ẩn / Giật gânSynopsis Yumi Salvador was a college student when she went to master Z's place and was made a slave and she managed to sarificed herself just to free her friends in the world that they're not belong with, but yumi was left behind because master z ca...