Yumi’s POV
ANDITO kami sa labas, lahat ng mga tagapaglingkod dito ay tinipon dito parang kasing may mahalangang mangyayari ngayon.
hinahanap ko sila charles pero hindi ko sila nakita at ang tanging nakita ko lang si April yung sumampal sakin kaya tumabi ako sakanya pero hindi naman siya nagreklamo kaya ngumiti ako.
siguro panahon narin na makapag usap kaming dalawa at para mag ayos.Gustong gusto kong maging kaibigan si April kahit na sinampal niya pa ako atlis past na yon kaya kakalimutan ko'na lang iyon at pinatawad kona siya sa pag sampal niya sa'akin kahit hindi niya alam. Tahimik lang yung iba kaya naiinip na ako kasi kanina pa kami nakatayo dito. Ang tanging nasa harap lang ay yung matandang lalaki na puti yung bigote siya rin yung nakaraan na kasaama ng nakamaskara, oo nga noh?
Asan pala yung nakamaskara?????
Ano kaya yung dahilan nila kung bakit kami tinipon dito lahat? nakakapagtaka lang kasi eh
Kaya lumingon ako kay April na seryoso at tahimik lang din katulad ng iba na nandito kaya nakaisip ako ng paraan. Ang boring din kasi kaya may naisip agad akong panigurado na matutuwa si April, kaya hindi naman ata na mamapansin ng lahat yung gagawin ko nang sumayaw ako hehe.
at ayon ang dahilan ng pagkagulat ni April kaya tinarayan ako nito. Hindi parin ako tumitigil sa ginagawa ko ng hindi ko namalayan na may nadapa, kaya agad akong tumingin don at laking gulat ko ay.....Natapakan ko yung gown niya na napaka ganda kaya tinulungan ko siyang tumayo at pagkaharap nito sa'akin ay ang ganda, Ang puti ng balat, chinita, at higit sa lahat ay halatang prinsesa siya!! kaya yumuko agad ako dahil napaka bastos ko ngayon, nang tinayo niya ako ng maayos at meron syang hawak hawak na pamaypay pangtakip sa bibig niya na tumatawa ng mahinhin.
“Bago ka lang dito?” tanong niya kaya kinakabahan ako dahil yung kaharap ko ngayon isang prinsesa.
“a....e....”. hindi ako nakapag salita ng maayos sa ka'ba dahil hindi siya ordinaryo isa syang may dugong bughaw kaya ngumiti ito.
“Maari ka ng bumalik sa pwesto mo at maari ba kitang imbitahin sa loob ng palasyo ni
Prinsipe Z?” pag aalok nya kaya napa-lunok nalang ako sa sinabi niya kaha yumuko ako.“Masusunod po kamahalan”. saad ko at ngumiti muna ito bago ako iwan.
Yung boses nya mahinhin, at ang ganda ng suot nya na bagay talaga sakanya. First time kong may nakausap na isang prinsesa kaya napangiti akong bumalik kung saan yung pwesto ko kaganina.
Napatingin sa'akin si April na parang gulat na gulat pero ito ako masaya dahil may nakilala akong prinsesa kasi pangarap ko talagang may makita na prinsesa kaya napaka swerte ko at nakausap ko pa ng malapitan. Nang nagsalita na yung matandang lalaki na puti yung bigote kaya umayos na ako ng tayo para makinig.“Magandang umaga ngayon ay mahalangang araw para sa lahat” dahil sa sinabi niya ay napangiti ako at excited na ako na malaman kong anong meron.
“May mga panauhin na galing sa iba't ibang palasyo kaya aasahan ko yung magandang trabaho nyo ngayon”.saad ulit niya kaya nag kanya-kanya na silang gawa ako naman naiwan kasi ibig sabihin may mga pupunta dito na mga prinsesa at prinsipe???? kaya napatakip ako ng bunganga dahil hindi ako makapaniwala na may mga makikita akong mga ganon mamaya.
pumunta narin ako sa mga kasama ko para tulungan sila sa pag aayos.Kaya nakangiti akong inaayos yung mga upuan pati yung mga bulaklak na inayos ko ay ang ganda sa paningin, hindi na talaga ako makapaghintay mamaya!
ibigsabihin ba nito makikita ko ulit si Prinsipe Klein?!!kaya ginanahan ako sa pag aayos ng hindi ko namalayan ay natapos kona itong lahat.
kaya sa sobrang saya ko ay tinulungan ko yung iba sa gawain nila, nagugulat na nga lang sila samin na bigla-biglang sumusulpot para tulungan sila nang nakita ko si April na nahihirapan sa pag aayos ng mga palamuti, kaya agad akong pumunta para tulungan siya.
BINABASA MO ANG
He's Dangerous, Becareful Yumi!
Mystery / ThrillerSynopsis Yumi Salvador was a college student when she went to master Z's place and was made a slave and she managed to sarificed herself just to free her friends in the world that they're not belong with, but yumi was left behind because master z ca...