CHAPTER 15:

32 21 5
                                    

ANGEL POV:

Kasalukuyan akong nakaupo sa upuan, habang iniintertain ang mga gustong sumali sa basketball team, grabe kapagod ang daming gustong sumali.

"Mag iinquire kami pwede ba?" tanong ng pamilyar na boses ng lalaki

Napatingala ako, sabi na si Jake pala kasama mga kaibigan niya.

"Yes! bale ang available nalang is 5 members and 1 team captain" sagot ko
sa dami ng nag inquire, wala manlang pumasa bilang team captain, talagang pumipili sila Max ng karapat dapat na maging team captain nila.

"Mag inquire ako bilang team captain" sagot ni Jake

"Kami sa member lang" sagot nila Leo

"Ok, pakifill upan lang ito then pwede na kayo pumunta dun sa basketball court, para matrial kayo ng mga members" sagot ko

"Ok, thanks" sagot ni Jake

Pumunta na sila sa pwesto nila Max, samantalang ako abala naulit sa ginagawa ko.

"Finally, nakahanap na din kami ng bagong team captain" malakas na sabi ni Max kaya napatingin ako sa gawi nila.

Si Jake pala ang tinutukoy niya, salamat naman at matatapos na din silang maghanap ng new member.

"MS.COACH! STOP KANANG MAG-ENTERTAIN NG MGA GUSTONG SUMALI,COMPLETE NA KAMI" sigaw ni Sonny

"Ganun ba, sige" sagot ko sa kanila

"Guiz, pasensya na complete na ang basketball team" paghingi ko ng pasensya sa mga lalaking nasa harap ko.

"Ok lang yun Ms.coach, nagbakasali lang naman kami" sagot nila

T"hank you, and sorry again" sagot ko

"Ok's lang yun Ms.coach, Thank you din" sagot nila

"Pano Ms.Coach, mauna na kami magstart na ulit ang klase" paalam nila

"Sige thank you, ingat" sagot ko

"Welcome" sagot nila

Pagkaalis nila, inayos ko na ang mga papel na finil upan ng mga sumali.

"Ms.Coach, tara dito ipapakilala ka namin sa kanila" tawag sakin nila Max

"Sige, wait lang tapusin ko lang ito" sagot ko, para namang hindi pa nila ako kilala, Pagtapos kong mag-ayos, pumunta na ako sa pwesto nila.

"Guiz, ipapakilala ko lang sa inyo ang aming nag-iisang prinsesa, I mean nag-iisang Ms.Coach ng team" pakilala nila sakin

"Siraulo talaga kayo, malamang kilala nako ng mga yan klassmate ko yan" natatawa kong sagot kaya natawa na rin ang iba.

"Pero, magpapakilala parin ako since transferee kayo, I'm Angel Noreen Buenavista also known Ms.Coach, huwag niyo nang itanong kung bakit ako tinawag na Ms.Coach, itong mga tukmol na to ang nagpauso kaya nasanay na mga kapwa ko student dito na ganun ang itawag din sakin" mahaba kong paliwanag

"Ms.Coach naman eh, makatukmol wagas" sabat ni Max

"Hahaha, hindi ba?" pang-aasar na tanong ko

"Ms.Coach talaga" tampong sabat ni Sonny

"Back to topic, Guiz congrats and welcome to basketball team" pagbati ko sa new member na sila Jake

"Thanks, Ms.Coach" masayang sagot ni Mike

"Same, thank you" sagot naman ni Leo

Yung iba ngumiti lang.

"Nga pala Ms.Coach, ikaw na bahala magsabi kay sir, about sa new member kung sino sino sila" sabi sakin ni Max

"Ok sige, noted guiz" sagot ko

"Pano balik na kami sa room, 5 minutes nalang start ba ulit ng klase" paalam nila Max

"Ok, sige mag ingat kayo" sagot ko

"Sila ang mag ingat samin haha" nakatawang sagot ni Sonny

"Mga tukmol talaga kayo, hala sige magsialis na nga kayo" sagot ko

"Babye Ms.Coach, Pano mga pre tomorrow nalang tayo magstart magpractice, saka paki-ingatan niyo si Ms.Coach baka makidnap angliit pa naman niyan Haha" paalam nila sabay takbo, tawa nalang tuloy ang sagot nila Jake, impernes first time ko siyang makitang tumawa mas lalo siya naging pogi, piste anu ba itong sinasabi ko..

"Anong nakakatawa?" mataray kong tanong

"Hahaha wala naman" tawang sagot ni Jake

"Pre, first time mong tumawa ng ganyan ah nakakapanibago" sabat ni Leo, naglaho tuloy bigla ang matamis niyang ngiti at napalitan ng usual niyang mukha, yung walang karea-reaksyon.

"Ang liit mo kasi talaga Angel, kaya ingat baka makidnap ka nga haha" pang-aasar ni Mike

"Close tayo" asar kong sagot

"Hahaha pikon na yan" natatawang sagot ni Mike

"Che!" mataray kong sagot

"Hahaha Pikon na nga siya, nagtataray na" pang-aasar parin ni Mike

"Pre, tama na yan iiyak na yung bata oh" pang-aasar na rin ni Leo

"Talagang nagkampihan pa kayong dalawa" naiinis ko pa ding sagot

"HAHAHAHAHA" tawang tawa nilang sagot

"Bahala nga kayo dyan" sagot ko sabay walk out, narinig ko pang pinagalitan sila ni Jake, bumalik na din ako sa room mamaya ko nalang ibibigay kay sir yung form.

JAKE POV:

Pagbalik namin sa room nagtaka kami kasi ang tahimik, pagpasok namin sa loob..

"CONGRATULATIONS" masayang pagbati nila

"Hala may paganto pa kayo" sagot ni Mike

"Thanks guiz" pagpapasalamat ni Leo

"Salamat guiz" sagot naman ni Nathan

"Salamat" maikli kong sagot

"Yieee welcome" sagot nila

"Sino nga pala ang may idea nito?" tanong ni Nathan

"As always ang nag iisang President natin" sagot ni Pia

"Masanay na kayo, ganto rito pag may achievement kang naachieve buong klase ang magcecelebrate" sagot ni Pretty

"Salamat ulit guiz" sagot ko

"Your welcome" sabay sabay nilang sagot, kaya umingay na naman ang klase, tumigil lang sila ng bigla dumating si Prof.

"Ok class, I'm Mr.Symon Zuez your Prof today" pakilala niya, madami pa siya sinabi pero di ko na masyadong iniintindi pa, nakafocus ako kay Angel pakiramdam ko talaga nagkakilala na kami matagal na, hindi ko lang matandaan kung saan.

"Ok class, tomorrow start na tayo ng lesson" sabi ni Prof

Sa pag-iisip ko di ko namalayan na nakatapos na si Sir ng klase..

"Ok po sir" sagot nila

"Ok student the class is over, you can go home now, see you tomorrow" paalam ni Sir at umalis na din siya.

"Kuya, hindi po ako makakasabay sayo pag uwi, may lakad po kami nila bessy" paalam ni bunso

"Sige papayag ako pero, dapat maagang umuwi wag na wag magpapagabi" paalala ko sa kanya

"Opo kuya, thanks labyu" sagot niya sabay yakap

"Ok be careful" sagot ko

"Una na po kami kuya" paalam niya at pumunta na siya sa pwesto ni Angel, paglapit niya nagthumbs up siya sa dalawa kaya nagkangitian sila.

"Guiz, una na kami ingat kayo" paalam ni Angel

"Sige President ingat din kayo" sagot nila

"Umuwi na din kayo bye" paalam nila at nauna na silang umalis

"Pre, tara na" aya nila sakin

"Sa hideout magkita kita tayo, una nako sa inyo" walang emosyon kong sagot at nauna nakong umalis, pagdating ko sa parking lot pinaharurot ko agad ang kotse ko at umuwi muna ng bahay para magpalit.

💚HsiriEnna

LOVE IS KINDNESS (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon