CHAPTER 30:

18 8 1
                                    

JAKE POV:

Pag-alis nila Nathan, nagpaalam na din ang mga klassmate namin na mauuna na sila, kaya kami nalang ni angel ang naiwan.

"Are you ok?" tanong ko ng may pag-aalala

"Yes I'm ok, dont worry" sagot niya

"Let's go, ihatid na kita sa inyo alam kong pagod ka din" sabi ko

"Pwede bang dumaan muna tayo sa cementery, dadalawin ko lang ang papu at tita mommy ko, pwede ba?" tanong niya

"Sure, let's go" sagot ko at pinagbuksan ko na siya ng pintuan sa kotse ko, habang nagmamaneho ako napapansin kong tahimik lang siya.

"Ok kalang ba talaga baby?" tanong ko ulit

"Yes, may iniisip lang ako" sagot niya kaya tumahimik na ulit ako, pagdating namin sa cementery sinundan ko siya, papunta sa puntod ng papu at tita mommy niya.

"Hello po papu at tita mommy, namiss ko po kayo, pasensya napo kayo hindi ko kayo nadadalaw araw araw, nga po pala may kasama ako ngayon" bati niya ng may lungkot sa kanyang mukha at tumingin sakin

"Si Jake po pala manliligaw kopo" pilit niyang ngiti

"Hello po, ako po si Jake manliligaw niya po ako, pangako kopo sa inyo na aalagaan ko si Angel hindi ko siya pababayaan" masaya kong bati kaya napatingin siya sakin at ngumiti

"Salamat Jake" nakangiti niyang sabi

"Walang anuman" nakangiti kong sagot

"Siguro ito na ang tamang oras, para marinig mo ang sagot ko" pabitin niyang sabi

"Ha?" naguguluhan kong sagot

"Hahaha ang cute mo" natawa niyang sagot, kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko, dahil napatawa ko siya kahit di niya sabihin alam kong malungkot siya.

"Baby naman eh tinatawanan ako" nagtatampo kong sagot

"Seryoso na, sinasagot na kita" sagot niya, kaya medyo hindi pa nagsisink in sa akin ang sinabi niya.

"Ha pakiulit nga" medyo lutang kong sagot, tama ba ang pagkakarinig ko

"Sinasagot na kita Jake" ulit niya, shit totoo ba ito sa sobrang tuwa ko nayakap ko siya ng mahigpit.

"Totoo ba ito baby?" di makapaniwalang sagot ko

"Yes baby" sagot niya, shit kinilig ako dun sa pagtawag niyang baby, namula tuloy ako

"Ayiee, kinilig ang baby ko, namumula siya oh" pang-aasar niya

"Hala hindi ah" pagtatanggi ko

"Hahaha, nakita ko kaya yun" natatawa niyang sagot, shit nakita niya pala yun

"Baby naman eh, wag mo na akong asarin please" sagot ko

"Sige na nga baby" nakangiti niyang sagot

"Salamat baby, hindi ka magsisising sinagot mo ako" masaya kong sagot

"Promise yan ah baby" nakangiti niyang sagot

"Promise baby" sagot ko kaya yumakap siya sakin at niyakap ko din siya at hinalikan sa noo.

"Papu, tita Mommy narinig niyo po yun, pag hindi siya tumupad sa pangako niya multuhin niyo po siya ah, hehehehe" nakangiti niyang sabi

"Sige po, papayag ako na multuhin niyo ako pag di ko natupad ang pangako ko, pero hindi naman po mangyayare yun" kampante kong sagot

"Aamin na ba tayo sa mga kaibigan at klassmate natin baby?" tanong niya

"Baby sa ngayon siguro, itago muna natin baka mabigla sila pag nalaman nilang tayo na" sagot ko, ayaw ko na munang kasing malaman nila na kami na, baka kasi malaman ng mga kalaban ko, idamay pa nila si Angel ayun ang ayaw kong mangyare

LOVE IS KINDNESS (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon