CHAPTER 33:

15 4 1
                                    

ANGELICA POV:

"Kumikilos na ang kalaban, alam kong pupuntiryahin nila ang mga taong malalapit sa atin" sabi ni Jake

"Ingatan niyo ang mga sarili niyo, pati na din ang mga taong malalapit sa inyo" sabat ni Nathan

"Nakumpirma mo na ba Mark ang traydor?" tanong ni Jake

"Kumpirmado na siya nga" sagot ni Mark

"Anong plano mo pre?" tanong ni Mike kay Jake

"Ako nang bahala sa kanya" walang reaksyong sagot ni Jake

"Mike alamin mo kung kanino galing ang txt na natanggap natin, Leo magpadala ka ng isang taong magiging espiya natin sa kalaban, Mark itusan mo ang dalawang taong, pinakamagaling sa grupo natin para magbantay kila Mika, Nathan ipahanda mo lahat ng mga armas" seryosong utos ni Jake, bakit ako walang gagawin

"Masusunod pre" sagot nila

"Anung gagawin ko?" tanong ko, kaya napatingin sila sakin.

"Ihack mo ang lahat ng system sa Mansyon ng Leader ng Sapphire Gang" utos niya sakin

"Ok" sagot ko

"Maglunch na kayo, para makabalik na tayo sa campus" sabi ni Jake at pumunta na siya sa kwarto niya, bago kami makarating dito nagdrive thru muna kami sa Mcdo, sinundan ko siya sa kwarto para ayain kumain.

"Hindi kaba sasabay samin kumain" sabi ko

"No" maikling niyang sagot

"Pero magugutom ka niyan" sagot ko

"I'm still full eat there, leave" sagot niya kaya malungkot akong lumabas, paglabas ko nakaabang pala si Nathan

"Are you ok?" tanong ni Nathan

"Yes, tara lunch na tayo" pilit na ngiti kong sagot at lumapit na kila Mike kaya sumunod na siya, at nagsimula ng kumain pagkatapos namin kumain lumabas na si Jake sa kwarto niya.

"Bumalik na tayo sa campus, mamaya niyo umpisahan ang utos ko" sabi niya at nauna nang sumakay ng kotse, kaya sumunod na kami, habang nasa kotse hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya sa salamin, busy siya sa pagtxt sino kaya ang katxt niya, kaya tumingin nalang ako sa labas kesa naman makaramdam ako ng selos. Pagkarating namin sa parking lot ng campus nauna na siyang lumabas.

"Sa canteen nalang tayo dumiretso, nandun pa daw sila bunso" sabi ni Nathan kaya duon nalang kami dumiretso. Pagdating namin sa canteen naabutan namin nakain pa si Kambal.

"Hinay hinay lang sis" sabi nila Bea kay Kambal

"Para namang may hinahabol ka bessy" Mika

"Hehehe, gutom lang naman" sagot ni kambal habang nakain

"Dahan dahan lang, baka mabilaukan ka" walang reaksyon na sabi ni Jake, pero alam kong concern siya kay kambal, nakakaselos ng sobra dapat ako yun eh, ako dapat yung mahal niya pero alam kong hindi na.

"Saan ba kayo, galing kuya kumain na ba kayo?" tanong ni Mika

"Tapos na" tipid na sagot ni Jake

"Dito na kami dumaan, kasi alam namin nandito pa kayo" sabat naman ni Nathan at umupo na kami sa upuan.

"Ms. Coach may nagpapabigay sayo" sabi nung lalaki kaya napatingin kami

"Kanino galing?" tanong ni Kambal, at kinuha niya yung box na pinapabigay sa kanya, napatingin ako kay Jake ang sama ng tingin niya dun sa lalaking nagbigay kay kambal ng box.

"Hindi ko rin kilala, pinapaabot niya lang sayo" sagot ng lalaki at umalis na siya

"Iba na talaga maganda, ang daming secret admirer" kilig na sabi ni Ria, totoo naman kasi siya yung tipo ng babae na, hindi na kailangan magpaganda para magustuhan ng mga tao, yun ang ikinaiingit ko sa kanya kahit hindi naman dapat.

LOVE IS KINDNESS (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon