ANGEL POV:
"GUIZ PAHINGA MUNA KAYO" sigaw ko kila Jake kaya napatingin sila sakin
"Pre timeout muna sabi ng Baby ko" sabi ni Jake kaya tumigil muna sila, bwiset talagang lalaking ito pinagtitripan na naman ako, nagsilapitan na sila sa pwesto ko ng may ngiting mapang asar.
"Tama lang pala dating namin kain muna kayo guiz" sabi ni Bessy Mika
"Ms.Coach pakainin mo na yung baby mo, gutom na si Captain oh" pang aasar ni Max
"Bwiset ka Max" asar na sagot ko
"Hahahaha Captain, asar talo baby mo" pang aasar din ni Sonny
"Kayong dalawa pinagtutulungan niyo na naman" mataray na sagot ko
"Wag niyo na ngang asarin baby ko, nagtataray na oh" pilyong sabat ni Jake kaya lalo akong inasar nila nakiasar narin sila Mike.
"Isa kapa bwiset ka din, wag mo na nga akong tawaging baby, bahala nga kayo dyan" asar talo kong sagot at nilayasan sila, makapunta na nga lang sa garden, nakakainis itong nararamdaman ko, di ito pwede alam kong pinagseselos lang ni Jake si kambal, mahal na mahal niya kaya si kambal, self bawal kang mafall sa kanya masasaktan kalang.
FLASHBACK:
Pagpasok ko sa school, nakasalubong ko si Marky ang no.1 fan ko dito sa school, siya din yung lalaking araw araw na nagbibigay ng flowers at chocolate sakin, aaminin ko pogi siya pero hindi ko talaga siya type, saka nung time na yun may boyfriend pa ako si Nathan, kaya sinabihan ko siyang itigil na ang pagpapadala ng mga flowers at chocolate sa room namin, nakinig naman siya pero nang malaman niya na single na ulit ako nagpapadala na ulit siya ng flowers at chocolate.
"Ms.Coach pwede bang manligaw sayo" sabi niya sabay luhod sa harapan ko, pinagtitinginan tuloy kami dahil sa ginawa niya, anong gagawin ko ayaw ko naman paasahin siya, ayaw ko din na mapahiya siya sa maraming tao anong dapat kong gawin..
"Baby anong nangyayare dito?" tanong niya sakin, sabay akbay nagulat ako kaya napatingin ako sa kanya nginitian niya ako kaya biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.
"Nakita niyo yun, ngumiti siya kay Ms.Coach, mas pogi siya pagnakangiti" kinikilig ng sabi nung girl
"Bakit mo niluluhuran ang baby ko?" tanong ni kay Marky
"Baby mo?" naguguluhang tanong ni Marky
"Yes my baby, I'm his boyfriend" walang reaksyong sagot ni Jake
"Totoo ba yun Ms.Coach?" tanong sakin ni Marky kaya nakatingin na sila sakin
"Yes he is my boyfriend, right baby" ngiti kong sagot para di mahalatang ni Marky na nagsisinungaling ako
"Yiee bagay sila kakakilig" rinig kong sabi nung girl
"Kaya nga eeh, ang cute nila" sabi din ng kasama nung girl
"Team AnJake! ako kauna unahang fan ng loveteam niyo" kinikilig na sabi nung girl kaya napangiti ako
"Please lang pre, tigilan mo na ang girlfriend ,ok lang ba mauna na kami" paalala ni Jake na nakaakbay parin sakin
"Let's go baby" aya niya sakin at naglakad na kami papuntang room
Nang nakalayo na kami sa kanila, tinanggal ko na ang pag akbay niya sakin, kasi nagiging abnormal na naman ang puso ko ang bilis bilis ng tibok.
"Bakit mo ginawa yun?" kunwareng naiinis kong tanong
"Para tulungan ka" walang reaksyon niyang sagot
"Tulungan! eh mas lalo mo lang akong nilagay sa alanganin" sagot ko sa kanya
"Pasalamat ka nga tinulungan pa kita, hindi mo ba alam maraming nakatingin sa inyo, kung binasted mo yun sa harap ng maraming tao magiging masamang babae ka" mahaba niyang sagot
Tama naman siya dun pero mali pa din, inakala tuloy na mga student dito na magboyfriend,girlfriend kami.
"Anung gusto mo magpasalamat ako? Ok thanks dahil sayo inakala nilang may relasyon talaga tayo" poker face kong sagot
"Welcome baby" pang aasar niyang sagot at nauna nang pumunta ng room
Nakakaasar talaga ang isang yun, self kalma lang bawal mafall hindi totoo yun, pagdating ko sa room sinalubong nila ako ng mapang asar na tingin, mukha kumalat na agad sa campus ang nangyare kanina shit ..
"President may hindi ka sinasabi samin ah" bungad agad ni Kevin
"Ano yun?" maangmaangan kong tanong at umupo na sa upuan ko kaya nagsisunuran sila para makichismis
"Ikaw ah, diba sabi mo walang lihiman kakatampo ka baks" nagtatampong sabat ni Pretty A.K.A Baks
"Hala ano ba kasi yun" maangmaangan ko pa din sagot
"Ikaw ah, kayo na palang dalawa ni kuya,ngayon lang namin nalaman" sabat ni Bessy Mika
"Kakatampo ka bessy" sabi ni Bessy Ireen
"Sira hindi naman totoo yun" natatawa kong sagot
"Wew! ayaw pang umamin" sabat ni Ria
"President naman umamin na kasi" pangungulit ni Bea
"Wala nga akong aaminin, kasi hindi naman totoo" sagot ko
"Pero kalat na sa buong campus, may video pa nga nung tinawag ka ni Kuya na Baby at umamin ka na kayo" sabi ni Bessy Mika
"Ok sasabihin ko na, ganto kasi yan nakasalubong ko si Marky sa gate, kilala niyo siya diba" pagpapaliwanag ko
"Marky! yun patay na patay sayo bessy?" tanong ni Bessy Ireen
"Yes siya nga, kinausap niya ako tapos sabi niya kung pwede manligaw at biglang lumuhod sa harapan ko kaya pinagtinginan kami" paliwanag ko pa din
"Tapos? pabitin naman Baks eh" naiiritang sabi ni Baks
"Tapos syempre nagulat ako, di ko alam kung anong sasabihin ko, kasi pag umoo ako aasa lang siya, pag naman humindi ako mapapahiya siya, buti nalang dumating si Jake nagpanggap siya na boyfriend ko para tumigil na si Marky kaya lang narinig nung ibang student dun, inakala talaga nilang kami" mahaba kong paliwanag
"Ngek kala naman namin totoong kayo na" dismayang sagot nila
"Hahahaha it's a prank" natatawang sagot ko
"GUIZ FAKE NEWS LANG PALA" sigaw ni Kevin, napakachismoso talaga nitong si Kevin.
"Nandyan na si Prof" sabi ni Mikky kaya nagsiayos na kami ng upo.
END OF FLASHBACK:
Simula nun, naging Famous loveteam na ang ANJAKE, kahit na hindi naman talaga totoo, at palagi narin kami inaasar ng buong classmate namin kahit alam nila hindi naman talaga kami, pati ang buong basketball team lagi na kaming inaasar lalo na pag nakikisakay siya sa biro, napipikon tuloy ako, pano ba naman kinikilig ako kahit anung pigil ko hindi kiligin, kinikilig pa rin ako ayaw ko naman dumating ang araw na mahalin ko siya hindi pwede..
Ang ganda talaga ng tanawin dito sa garden, ang tahimik pwedeng pwedeng magsenti ..
"Bessy! nandito kalang pala" bungad sakin ni Bessy Ireen pagkaupo nila sa tabi ko
"Hinanap kapa namin sa canteen at library, nandito kalang pala" sabat naman ni Bessy Mika
"Sorry naman, bat kasi sumunod kayo?"tanong ko
"Alam mo naman kung nasan ka, nandun din kami 'bestfriend forever' kaya tayo" sagot nila
"Ayiee kaya lab na lab ko kayo eh" sagot ko kaya niyakap ko sila, at niyakap din nila ako
"Lab na lab ka din namin bessy" sagot nila
"Nga pala nasan ang pagkain ko?" tanong ko
"Naiwan namin sa dun kila kuya,hindi na namin nakuha pa, sinundan kana agad namin pag alis mo bessy" sagot ni Bessy Mika
"Tara bessy sa canteen, libre ka namin" aya ni Bessy Ireen
"Libre ba kamo, sure lika na kayo" sagot ko at hinila na silang dalawa.
💚HsiriEnna
BINABASA MO ANG
LOVE IS KINDNESS (BOOK 1)
RomanceAng Love minsan masarap sa pakiramdam, pero mas madalas nakakasakit yung tipong hindi mo alam kung ipaglalaban mo pa ba o isusuko mo nalang ?? bakit sa fairy tale merong happy Ending pero sa reality wala, pero minsan napapaisip ako kung talaga bang...