CHAPTER 19:

21 19 2
                                    

SOMEONE POV:

"Boss! according to Armored Girl, kumikilos na ang grupong Sapphired gang , ibinalita nang espiya natin sakanya at saka may inutusan grupo ang leader nila na ipaligpit ang nag-iisang Queen ng THE DEVIL TRIBE si Ms.Anonymous Queen" balita ni Bullet

"Tawagin mo ang buong grupo, may mahalaga akong sasabihin" utos ko sa kanya

"Sige boss" sagot niya at umalis sa harapan ko

Anung binabalak mo Devil Soned, hindi ako papayag na patayin mo si Anonymous Queen, dadaan ka muna sa ilalim ng bangkay ko bago mo magawa yun..

"Boss pinapatawag mo dw kami" sabi nila pagkarating nila

"Nabalitaan kong, balak ng leader ng Sapphired gang na patayin ang Queen ng Devil Tribe, gusto kong pigilan natin ang grupong yun" utos ko

"Bakit boss? bakit pa natin kailangan pigilan ang grupong yun? hindi naman natin sila kagrupo, bat natin sila tutulungan saka diba, kalaban din natin sila?" tanong ng tauhan ko

Nainis ako sa sinabi ng tauhan ko, Oo kalaban namin sila, pero di naman ibigsabihin hahayaan ko lang na patayin siya saka mahalaga din sa akin ang babaeng yun.

"Kung ano ang sinabi ko yun ang sundun niyo, ang ayoko sa lahat yung maraming tanong diba alam niyo yun?" pagalit kong sagot

"Sorry boss" paghingi niya ng paumahin

Alam kong mali ang inasta ko, nadala lang sa galit..

"Im sorry, please kung ano inutos ko sundin niyo nalang" paghingi ko din ng paumanhin

"Ok boss, masusunod" sagot nila

"Maghanda na kayo, gusto kong mag iingat kayong lahat, kung ilan tayong aalis ganun din ang babalik maliwanag ba?" tanong ko sa kanila

"Sige boss, maliwanag" sagot pa din nila

"Armored Girl and Iron Lady, maiiwan kayo dito" utos ko

"Pero bakit boss?" tanong nila

"Delikado, baka mapahamak lang kayo" sagot ko

"Pero boss" sagot nila

"Wala ng pero pero, naiintindihan niyo ba?" tanong ko

"Sige boss, basta iuupdate niyo kami dito mag iingat kayo" sagot nila

"Okey, mag iingat kami promise yan" sagot ko sa dalawa

"Boss nakahanda na kami" sabi ng tauhan ko

"Sige aalis na tayo" sagot ko

"Mag iingat kayo boss" paalam ng dalawa

At umalis na kami, hindi ko sila sinama dahil una sa lahat mga babae sila, ayoko na mapahamak sila..

"Boss! nandito na tayo" sabi ni Dark Assassin

"Magsikilos na tayo, siguraduhin niyo walang ni isa sa inyo ang mapapahamak" paalala ko sa kanila

"Masusunod boss" sagot nila

Nakapwesto na kami sa tagong lugar, para di kami mahalata ng kalaban.
nakita ko lumabas na si Anonymous Queen kasama si Dark Prince kaya, sinenyasan ko na ang grupo ko na maghanda dahil mapapalaban kami.

"Kita mo nga naman si Anonymous Queen lang dapat ang papatayin namin, swerte dahil nandito ka din Dark Prince sabay na namin kayong papatayin" sabi nung grupong nakamask na mga lalaki malamang yun ang grupong inutusan ng leader ng Sapphired at biglang naglabas sila ng kutsilyo..

"Ngayon na" pagbigay ko ng signal kaya nagsilabasan na ang mga grupo ko, nagulat ang mga lalaking nakamask ng sinugod namin sila..

"Anak ng, anung ginagawa niyo dito" gulat na sabi ng leader nila

LOVE IS KINDNESS (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon