CHAPTER 9:

44 33 3
                                    

ANGEL POV:

Niyaya ko pumunta sa bar sila bessy, alam na rin nila ang nangyare kaya di na sila tumanggi pa, pagdating namin sa bar ay nakahanap agad kami na mapwestuhan at tamang tama na malapit ito sa dancefloor, makapagwalwal nga ng maalis kahit papaano ang sakit na nararamdaman ko.
Umorder na si bessy ng ladies drink, pero sa ngaun ayaw ko ng ganung alak gusto ko yung hard para malasing agad ako, nang makalimot ako sa sakit.

"Mga bessy pwede niyo ba akong orderan ng hard drink plsss" pakiusap ko sa kanila

"Bessy! ladies drink na lang, para di ka malasing" sagot ni Bessy Mika

"Plsss 🙏😥bessy kahit ngaun lang pagbigyan nyo ako" sagot ko sa kanila

"Sige pero isang bote lang ah" sagot ni Bessy Ireen

"Sige salamat" sagot ko

Pagbalik ni bessy may dala na siyang hard drink, at inabot niya sakin ito.

"Hinay hinay lang ah, para di agad malasing" paalala nila

"Salamat mga bessy! the best talaga kayo" sagot ko

Alam ko na labag sa kanila ang bigyan ako ng hard drink, pero pinagbigyan parin nila ako. Sinimulan ko ng inumin ang hard drink na ito, samantalang ladies drink lang ang iniinom nila, gusto kong makalimot pero di ko alam kung papaano, sa sobrang sakit ay tinungga ko ng mabilis ang hawak kong alak, uminit bigla ang lalamunan ko sa dami ng nainom kong alak, ang pait sobra pero wala ng papait pa sa nararanasan ko ngaun, mga ilang tungga pa ay nakakaramdam nako ng hilo at pagkalasing kaya tinigilan ko muna ito.

"Sabi ng hinay hinay lang kasi pag inom ee, kaya mo pa ba?" tanong sakin ni Bessy Ireen

"Kaya ko pa naman, wag na kaung magalit pa" sagot ko sa kanila, hindi pa ako masyadong lasing kaya maayos pa ako magsalita.

"Hay nako! pano ka namin iuuwi niyan sa bahay niyo" nag-aalalang sabi ni Bessy Mika

"Pwede bang wag niyo akong iuuwi sa bahay, kahit ngaun lang plss kela Mamu niyo nalang ako iuwi plss bessy" pangungulit kong sagot, ayaw ko munang makita sila mommy lalo lang akong masasaktan pag naalala ko lahat ng sinabi niya.

"Sige kila Mamu ka namin iuuwi" sagot nila

"Salamat ng madami mga bessy" sagot ko, naputol ang pinag uusapan namin ng may tumawag kay Bessy Mika.

"Mika anung ginagawa niyo dito sa bar?" tanong ng lalaki

Napatingin kami sa kanya.

"Mike bakit ka din nandito, si kuya kasama mo ba?" tanong din ni bessy

Kaibigan pala ng kapatid niya, matagal na kaming magkaibigan ni Bessy Mika, pero never pa nagtagpo ang landas namin ng kapatid niya, sa tuwing napunta ako sa bahay nila palagi itong wala, kaya sa picture ko lang siya nakikita .

"Ikaw! bakit ka nandito magagalit ang kuya mo pag nakita ka nun" sagot nung Mike

"Kasama mo ba siya?" tanong ni bessy

"Oo kasama namin siya, at nandun nagpapakalasing" sagot nung Mike

"Bakit? anu na naman ang nangyare?" tanong ni bessy

"Dun nalang kayo sumama sa table namin, baka mabastos pa kayo dyan, yayain mo na ang mga kaibigan mo" sabi nung Mike

"Mga bessy lipat tau ng pwesto, dun kila kuya ok lang ba?" tanong ni Bessy samin

"Ok lang naman tara na" sagot ko, sabay tayo ng nakita ako nung Mike ay nabigla siya .

"Angelica bat ka nandito magkaibigan pala kayo ni mika?" tanong niya sakin

LOVE IS KINDNESS (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon