CHAPTER 26:

21 11 2
                                    

JAKE POV:

"Bunso can i ask you?" tanong ko

"Yes, kuya ano po yun?" tanong niya din

"Pwede ko bang mahingi, landline number nila Angel" sagot ko

"Ayieee, bakit mo po hinihingi kuya, ikaw ah may gusto ka po ba kay bessy?" mapang-asar niyang tanong

"Ano yang naririnig ko, sino ang may gusto kanino?" sabat ni Mommy

"Si kuya po Mommy, may gusto na kay bessy Angel" masayang sagot ni bunso

"Talaga ba anak, napakabait na bata ni Angel, botong boto ako anak kung siya ang mapapangasawa mo, can i call her daughter in law na" masayang masayang sabi ni Mommy

"Mommy naman, hindi pa nga nagiging girlfriend asawa agad" sagot ko

"Ay hindi pa ba? napakahina naman ng anak ko" pabiro niyang sagot

"Mommy" sagot ko kaya nagtawanan silang dalawa at ngumiti nalang ako, ewan ko bakit nagiging ganito hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, nung una gusto ko lang talagang asarin si Angel pero nahulog ako sa sarili kong patibong.

"Kuya, ito na po yung landline number nila bessy, goodluck AnJake forever" nakangiti sabi ni bunso kaya nakiasar na rin si Mommy

"Halika na baby gurl, tatawagan na ni kuya mo yung baby niya, wag na natin siyang istorbuhin baka hindi makadiskarte nang ayos ang kuya mo" birong sabi ni Mommy at nagpunta na sila sa kitchen na nagtatawanan

Tinawagan ko na ang landline number na binigay sakin ni bunso, nakailang call ako bago may sumagot.

"Hello this is Dee Residence?" tanong ko agad

"Opo ito nga po, sino po sila" sagot niya

"Can I talk to Angel Buenavista?" sagot ko

"Ah may alaga, wala siya dito ngayon hijo, kaaalis lang nagjogging kasi siya, tawag ka nalang mamaya pag uwi niya" sagot niya

"Ah ganun po ba, sige po tawag nalang po ulit ako" sagot ko

"Sige hijo, sino nga sila?" tanong niya

"Jake po friend po niya pakisabi nalang po, pagdating niya salamat po" sagot ko

"Walang anuman hijo" sagot niya at inend ko na ang call, umakyat na muna ako sa kwarto ko para maligo, mamaya nalang ulit ako tatawag, pagkatapos ko maligo bumaba nako para tumawag ulit pero, wala pa din siya sa kanila kaya sumabay nako magbreakfast kila mommy.

"Oh anak nakausap mo na ba ang Daughter in law ko?" tanong niya

"Wala pa po siya sa kanila, nagjogging daw sabi ng maid nila" sagot ko

"Ay sorry kuya, hindi ko nasabi sayo, oo nga pala pag ganitong weekend madalas talaga nagjojogging si bessy" sabat ni bunso

"Ganun ba tawagan ko nalang mamaya" sagot ko ata nagsimula ng kumain

"Ayiee, inlababo ang anak ko" asar na sabi ni Mommy

"Inlove si kuya" pagsang ayon ni bunso kaya habang nakain inaasar nila ako,pagtapos sinubukan ko na ulit tawagan.

RING RING RING..

Ang tagal pa sagutin, wala pa siguro yun ieend ko na sana ang call ng may sumagot.

"Pano mo nalaman landline number namin?" tanong niya agad pagsagot ng tawag ko, alam kong si Angel ito

"Wala manlang ba, goodmorning baby, o kaya hello baby" sagot ko na alam kong ikakainis niya

LOVE IS KINDNESS (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon