SOMEONE POV:
"Sir bad news! hindi namin nakuha sila Angel, pero makukuha naman na sana namin, kaya lang dumating ang leader ng DEVILS TRIBE si KING OF DEATH, napatay niya lahat ng tauhan na kasama ko mabuti nakatakas pa ako pero nadaplisan naman ng tauhan ko si Angel" sabi niya
"MGA BOBO! NAPAKAINUTIL NIYONG LAHAT, TATLONG BABAE LANG ANG PINAPADUKOT KO HINDI NIYO PA NAKUHA, ISA PA! ISANG TAO LANG HINDI NIYO PA MAILIGPIT, NAPAKAWALANG UTAK NIYO TALAGA" nanggagalaiti kong sigaw
"Sir, hindi naman namin akalain na malakas talaga ang isang yun" pangangatwiran niya
"BOBO! NANGANGATWIRAN KAPA, MARAMI KAYO ISA LANG YUN, PWEDENG PWEDE NIYO NA MAPATAY YUN, PERO YUNG MGA WALANG KWENTA MONG TAUHAN ANG NAPATAY" nanggagalaiti ko parin sigaw
"Pasensya na talaga sir, hindi na mauulit" sagot niya
"TALAGA HINDI NA DAPAT MAULIT, DAHIL PAG NANGYARE ULIT YAN, I SWEAR AKO ANG PAPATAY SAYO" sigaw ko
"Makakaasa kayo sir" sagot niya
"MAGSILAYAS KAYO SA HARAPAN KO, BAKA ANUNG MAGAWA KO SA INYO" sigaw ko kaya nagsilabasan na sila.
Maswerte talaga kayong magkakaibigan,;pero darating ang araw na makukuha ko din kayo, dahil hindi ako papayag na kayo ang maging dahilan ng pagbagsak ko, magpakasaya kayo sa ngayon dahil pag napasakamay ko kayo yun na ang magiging katapusan niyo..NATHAN POV:
KRING KRING..
"Hoy, Pre natawag sayo si Jake" sigaw ko kay Mike
"Sagutin mo, may ginagawa pako" sagot niya kaya sinagot ko na ang tawag.
"Hello?" sagot ko sa tawag
"Mike! may isesend ako sayo, pakilocate nga kung kanino ito" sagot niya
"Sige sasabihin ko kay Mike" sagot ko
"Sino to?" tanong niya
"Nathan" sagot ko
"Ok! i want to inform you, na muntik ng makuha ng masasamang tao ,ang mga kapatid natin at si Angel" sabi niya
"WHAT??" gulat kong sagot
"Buti nalang dumating ako, kaya hindi sila nakuha ok naman na sila, nadaplisan lang ng kutsilyo si Angel sa braso" sagot niya, nawala konti ang kaba ko ng sinabi niya yun, pero nag-aalala parin ako sa kanila lalo na ng sabihin niyang nasugatan si Angel.
"Nasan na sila?" tanong ko
"Naihatid ko na sila sa hospital" sagot niya
"Saan hospital? pupunta ako" tanong ko
"Sa Saint.Luiz Hospital, pero wag mo muna silang puntahan, niligtas ko sila hindi bilang Jake kundi bilang King Of Death, kaya magtataka sila kung pano mo nalaman pag nagpunta ka dun,mag antay nalang muna tayong tumawag o magchat sila bago tayo magpunta" mahaba niyang paliwanag
"Tama ka magtataka nga talaga ang mga yun saka hindi nila pwedeng malaman na Mafia tayo, sige sabihan moko pag tumawag na ang kapatid mo" sagot ko
"Ok sige" maikli niyang sagot
"Salamat pre" pagpapasalamat ko sa kanya.
"Welcome, pakisabi kay Mike yung inuutos ko bye" paalam niya sabay end ng call
"Pre anong sabi ni Jake?" tanong ni Mike
"May pinapalocate siya, isesend niya dw sayo napalaban siya mag isa, para iligtas sila Angel" sagot ko
"Ano bakit anung nangyare? kamusta sila Angel??" sunod sunod niyang tanong
"Binalak ng mga masasamang tao na kidnapin sila, buti nalang dumating si Jake kaya napigilan niya at napalaban siya" paliwanag ko
BINABASA MO ANG
LOVE IS KINDNESS (BOOK 1)
RomanceAng Love minsan masarap sa pakiramdam, pero mas madalas nakakasakit yung tipong hindi mo alam kung ipaglalaban mo pa ba o isusuko mo nalang ?? bakit sa fairy tale merong happy Ending pero sa reality wala, pero minsan napapaisip ako kung talaga bang...