NATHAN POV:
"Ano ba talagang nangyare kanina?" tanong ni Jake
"Pagkalabas namin, bigla nalang sumulpot ang grupong yun, at tinutukan kami ng kutsilyo, nag-alala ako para sa buhay ni Angelica kasi baka hindi ko siya maprotektahan sa dami nila, buti nalang talaga dumating ang grupo ni Death Angel at tinulungan niya kami" paliwanag ko
FLASHBACK:
Nandito kami ngayon sa bar, dahil imemeet ko ang business partner ng daddy ko, Kasama ko si Angelica, habang nag-uusap kami ni Mr.Dy kinalabit ako ni Angelica.
"Bheb, uwi na tayo di maganda ang pakiramdam ko dito" bulong sakin ni Angelica
"Sige bheb, same" sagot ko,
kaya nagpaalam nako kay Mr.Dy na business partner ng daddy ko."Mr.Dy mauuna na po kami salamat, sasabihin ko nalang kay dad ang napag usapan natin" paalam ko
"Thanks Mr.DelaPaz" sagot niya, at nakipagkamay siya kaya nakipagkamay na rin ako at nauna na siyang umalis
"Tara na bheb" aya ko sa kay Angelica
Paglabas namin sa bar, nagsisulputan ang mga nakamask na lalaki.
"Kita mo nga naman si Anonymous Queen lang dapat ang papatayin namin, swerte dahil nandito ka din Dark Prince sabay na namin kayong papatayin" sabi nung grupong nakamask na mga lalaki at biglang naglabas sila ng kutsilyo..
Nagtataka ako kung bakit nila kami nakilala, medyo nag alangan pa ako kasi ang dami nila mapapalaban kaming dalawa, pero nagulat ako ng biglang lumabas sa kung saan ang grupo ni Death Angel kaya nagulat kami.
"Anak ng, anung ginagawa niyo dito" gulat na sabi ng leader nila
"Nagulat ba namin kayo?" mapang asar na tanong ni Death Angel
"Patayin niyo sila" utos ng leader nila
Kaya sinugod niya na kami, sinubukan nilang saksakin si Angelica buti nalang at naunahan ko siya nakuha ko sa lalaki ang kutsilyo at sinaksak siya, sinugod ulit nila kami kaya nagtulungan Kami ni Angelica kaya napatay namin sila, napatingin ako sa pwesto ni Death Angel muntikan na siyang masaksak buti nalang nailagan niya, talagang napakagaling niya sa pakikipaglaban, napatumba na rin ng mga kagrupo ni Death Angel ang mga kalaban nakatakas nga lang ang leader nila.
"Ok kalang ba bheb?" tanong sakin ni Angelica kaya napatingin ako sa kanya
"Yes, ikaw ba?" tanong ko din
"I'm fine buti nalang dumating sila" sagot ni Angelica at tinuro ang grupo ni Death Angel
"Kaya nga niligtas nila tayo, pero bakit?" naguguluhan kong tanong pangalawang beses na ito una niligtas niya si Angelica dun sa Arena, ngayon niligtas nila kami, sino ba talaga siya bakit niya kami tinutulungan?
"ANONG NANGYARE DITO?" tanong ni JAKE A.K.A King Of Death pagkarating nila, at tinutukan nila sila Death Angel ng baril kaya tinutukan din sila ng grupo ni Death Angel ng baril..
"Ibaba niyo yan" sabi ni Death Angel sa kagrupo niya kaya binaba nila ang baril nila
"Dark Prince, Anonymous Queen anung nangyare dito, hindi ba kayo nasaktan?" tanong ni LEO A.K.A Masked Man samin
"Ibaba niyo na ang mga baril niyo,hindi sila ang kalaban" sagot ko
"Niligtas nila kami, buti nalang dumating sila kundi baka napahamak na kami" sagot naman ni Angelica
"Ibaba niyo na ang baril niyo" utos ni JAKE A.K.A King Of Death kaya binaba na nila ang mga baril nila.
Hindi namin namalayan na lumapit si Angelica kila Death Angel.
"Maraming salamat, dalawang beses mo nang niligtas ang buhay ko" pagpapasalamat niya kay Death Angel
"Diba sabi ko naman sayo, hindi ako natanggap ng pasasalamat may kapalit ang pagtulong ko" sagot ni Death Angel
"Maraming salamat pa din" sagot ni Angelica
"Boss tara na" aya ni Dark Assassin kay Death Angel
"Sige mauna na kayo sa sasakyan susunod ako" sagot niya kaya nagsialisan na sila
"Sa susunod wag na wag niyong iiwan na nag iisa ang Queen niyo, dahil maraming kalaban ang gustong makuha ang titulo ng mga grupo natin, just advice! be careful with the people you trust, because not all the opponents are far away sometimes just next to each other" paalala niya sa amin at umalis
END OF FLASHBACK:
"Pano kayo nakilala ng grupong yun?" nagtatakang tanong ni Jake
"Yun din ang pinagtataka ko kanina pa" sagot ko
"Hindi kaya, tama si Death Angel" sabat ni Mike
"What do you mean?" tanong ni Jake
"Baka meron ngang, kalaban sa grupo natin" sagot ni Mike
"You mean may traydor sa grupong to?" tanong ulit ni Jake kaya napaisip din ako, maaari kayang mag nagtatraydor samin, sino at bakit??
"Hindi ko sigurado, pero panong makikilala nila ang tunay na identity nila Dark Prince at Anonumous Queen?" naguguluhang tanong ni Mike kaya napaisip kami anim
"Alamin niyo kung sino ang traydor" utos ni Jake
"Sige pre" sagot namin
Kung sinoman ang traydor na yan, humanda siya sakin sumira siya sa rules ng grupo,kamatayan ang kahahantungan niya.. galit na banta ni Jake
Sino kang traydor ka? sino ang pinagsisilbihan mo, sa tingin mo hindi ka namin makikila pwes nagkakamali ka, lintik lang ang walang ganti.
IREEN POV:
Grabe ang bilis ng araw, 1 week nalang lalaban na ulit ang basketball team sa ibang school kaya araw araw ang practice nila kuya.
Nandito kami sa court kasama sila bessy pinapanuod ang Practice nila kuya wala kaming klase ngayon, meeting na naman kasi ang mga Prof."Grabe mga bessy ang bilis ng araw nuh" sabi ni Bessy Angel
"Kaya nga eh, akalain mo yun parang kahapon lang nagstart ng klase" sabat naman ni Bessy Mika
"1 month na agad ang nakalipas" sagot ko
"Grabe walang pahinga practice nila kuya" sabi ni Bessy Mika
"Kaya nga, todo practice sila, 1 week nalang lalaban na sila" sagot ni bessy Angel
"Nakakadugo na rin ng utak, yung pinag aaralan natin ngayon" sagot ko
"Kaya nga ang hirap na" sagot din ni Bessy Mika
"Ano ba kayo kaya natin yun" pagpapalakas ng loob samin ni bessy Angel
"Sayo madali lang ang talino mo kaya bessy, pano naman kaming kinulang sa utak" sagot ko
"Naku kahit naman ako nahihirapan, pero syempre laban lang tulungan lang tayo" sagot ni Bessy Angel
"Sige bessy, sabi mo yan ah" sagot namin dalawa
"Oo naman kayo paba" nakangiti niyang sagot
"Bessy punta kami sa canteen ,bibili lang ng food sama ka ba?" tanong ko
"Hindi na bessy tinatamad ako hehehe, pabili nalang ako para makakain muna sila Max" sabi ni Bessy Angel
"Sige bessy bili muna kami ah" sagot ni Bessy Mika
"Ok sige, ingat sila sa inyo hahaha" natatawang sagot ni Bessy Angel
"Sira" sabay na sagot namin ni Bessy Mika, at natawa nalang kaming tatlo.
Pumunta na din kami sa canteen nakakagutom kasing manuod ng practice ..💚HsiriEnna
BINABASA MO ANG
LOVE IS KINDNESS (BOOK 1)
RomanceAng Love minsan masarap sa pakiramdam, pero mas madalas nakakasakit yung tipong hindi mo alam kung ipaglalaban mo pa ba o isusuko mo nalang ?? bakit sa fairy tale merong happy Ending pero sa reality wala, pero minsan napapaisip ako kung talaga bang...