NATHAN POV:
Pagkaalis ni Angel ay sinundan ko siya, pumasok siya sa kwarto nila kaya kumatok ako, dahil alam kong kailangan niya ng makakausap.
TOKTOK.
Katok ko pero, hindi siya sumasagot kaya hinayaan ko nalang siya, bumaba nalang ako pagkababa ko nandun sila Mike sa sofa nag-uusap.
"Totoo kaya yun sinabi ni Jake kay Angel?" tanong ni Mike kay Leo
"Parang may mali eh" sabat ni Mark, kaya napatingin yung dalawa sa kanya.
"Nakita niyo ba nung tumalikod si Angel, hinabol siya ng tingin ni Jake at may lungkot sa mga mata niya" seryosong sabi ni Mark
"Ewan ko din naguguluhan din ako" sagot ni Mike
"Hello kuya, hello guiz" bati ni Bunso pagpasok sa pinto, kaya napatahimik yung tatlo.
"Hi guiz" bati din nang ibang girls pagpasok
"Where's bessy kuya?" tanong ni bunso
"Nasa kwarto niyo" sagot ko, kaya nagsiakyat silang dalawa, ano ang dahilan mo Jake bakit ka nakipaghiwalay sa kanya.
IREEN POV:
Pagpasok namin sa kwarto, nakahiga si bessy.
"Tulog ata bessy" bulong ni Bessy Mika
"Parang hindi naman, pansinin mo yung balikat nagalaw galaw, para naiyak" bulong ko din, kaya nilapitan namin siya
"Bessy tulog ka ba?" gising namin sa kanya, habang tinatapik.
"Bessy naiyak ka ba?" tanong ko, pero di parin siya nasagot, alam namin hindi siya tulog dahil sa paggalaw ng balikat niya, kaya sinenyasan ko si Bessy Mika na tanggalin yung unan na nakatakip sa mukha niya, paghila niya ng unan nakita namin umiiyak nga si Bessy.
"Bessy what happen?" nag-aalala tanong ni Bessy Mika, kaya umayos ng upo si Bessy Angel.
"What happen Bessy, bakit ka umiiyak?" nag-aalala ko ding tanong sa kanya
"J-Jake breaking up with me" naiiyak niyang kwento, kaya niyakap agad siya ni Bessy Mika, naaawa ako kay Bessy lagi nalang siya nasasaktan, kasalanan ito ng kambal niya ang landi landi, kaya niyakap ko na rin siya para patahanin.
"It's ok bessy, nandito lang kami hindi ka namin iiwan" pagpapatahan ko sa kanya, iyak lang siya ng iyak hanggang sa nakatulog siya.
"Naaawa na ako kay bessy" malungkot na sabi ni Bessy Mika, kaya napatingin ako sa kanya.
"Kasalanan lahat ito ng malandi niyang kakambal" galit kong sagot, hindi na siya nakuntento sa pag agaw niya kay kuya, ngayon si Jake naman.
"Kaya nga, kakalbuhin ko yung babaita na yun eh" galit na sang-ayon niya, lahat nalang gusto niya sa kanya, hindi malang naawa sa bessy ko, sa sobrang asar ko nagpost ako ng picture ng ahas at caption ko ay.
'ANG LANDI MONG AHAS KA🤬' post ko, walang pang 5 minutes naka 200 likes na at 109 comments, kaya binasa ko ang mga comments.
'Dapat sa mga ahas na ganyan, binabaon ng buhay😠'
'Nakakapiste ang ahas na yan'
'Dapat sa ganyan pinapatay hahaha🤣'ang dami pang comments, ang mga binasa ko pero may isang comments ang natawa ako.
'AHAS REVEAL HAHAHA😅', napangiti ako kung pwede lang sana eh.
"Bakit ka nangiti diyan bessy?" tanong ni Bessy Mika, kaya napatingin ako sa kanya.
"Nakita mo na yung post ko?" tanong ko sa kanya
BINABASA MO ANG
LOVE IS KINDNESS (BOOK 1)
RomanceAng Love minsan masarap sa pakiramdam, pero mas madalas nakakasakit yung tipong hindi mo alam kung ipaglalaban mo pa ba o isusuko mo nalang ?? bakit sa fairy tale merong happy Ending pero sa reality wala, pero minsan napapaisip ako kung talaga bang...