ANGEL POV:
"Tonight we will have a candle giving, I know some of you already know how to do it, but I still explain. I have two candles to give all of you, which you will give to your classmates, The yellow candle is for the person you want to thank, and the red candle is for the person who wants to apologize, you will approach them and give them the candle, and tell them in front of them why you chose to give them the candles." Explain ni Maam
Nandito kami ngayon, sa labas ng pinagtutuluyan naming bahay, nakapalibot kaming lahat dito nakaupo at nakapabilog, bale ang nasa kanan ko si Bessy Ireen at sa kaliwa ko naman si Bessy Mika.
"Yiee, nakakaexcite naman ang activity na ito" masayang sagot ni Bea
"Same" sang-ayon naman nila Ryan
Nakakaexcite naman talaga ang ganitong activity, kaya lang napapaisip ako, sino ba ang dapat kong pagbigyan ng red candle, paghingi ng tawad? pagkakaalam ko wala naman akong nagawan na mali, bagkus ako pa nga ako nagagawan nila ng mali, kanino ba dapat ako humingi ng tawad? naguguluhan tuloy ako, kanina naeexcite ako sa activity na ito pero ngayon, parang ayaw ko na sa activity na ito.
"Bessy Are you ok?" pabulong na tanong ni Bessy Mika nang may pag-aalala
"Yes, I'm ok bessy" pilit kong ngiti na alam kong halata nila bessy
"Alam naming hindi" malungkot na sagot ni Bessy Ireen, kaya ngiti lang ang sagot ko
"Ok let's start this activity" masayang sagot ni Maam
Kaya naexcite lalo ang mga klassmates ko, at umikot na si Maam at inabutan kami lahat ng tig dalawang kandila.
"Ok lahat na kayo merong candles, itong hawak ko na plastic bottle ay papaikutin ko sa harapan niyo, kung sino ang maituturo nito siya ang mauuna" sabi ni Maam
Habang pinaiikot ni Maam ang bottle, ay kanya kanya sila ng bulungan, halatang excited na excited sila sa activity na ito, nakatingin kaming lahat sa bottle kung kanino ito unang hihinto, at huminto ito sa pwesto ni Baks, kaya ang loka tuwang tuwang.
"Ang pinakamaganda talaga ang inuuna" Pagmamalaki niyang sabi
"HAHAHAHA" tawanan ng mga klasmate ko, dahil sa sinabi niya napangiti niya din ako, kahit kailan talaga tong si Baks palabiro
"Buti naman bessy, ngumiti kana ng totoo, hindi yung pilit" ngiting bulong ni Bessy Mika kaya napatingin ako sa kanya
"Sira" nakangiti kong sagot, kilalang kilala na talaga nila ako mga bestfriend ko nga talaga sila.
"Itong yellow at red candles ay ibibigay ko kay" pabitin na sabi ni Baks, habang tinitingnan niya kami isa isa at nagsimula na siyang lumapit.
"Bessy?" tawag sakin ni Bessy Mika
"Why Bessy?" sagot ko at napatingin sa kanya, ang loka ngumiti lang.
"Ehem" ubo ng kung sino sa harapan ko kaya napatingin ako bigla. Nagulat nalang ako nasa harapan ko na si Baks at nakangiti, sabay abot niya ng yellow at red candle sakin habang nakangiti, kaya naguguluhan ko itong tinanggap.
"Bakit sakin?" naguguluhan ko tanong sa kanya, pati ang mga klasmate namin ay naguluhan dahil sakin niya binigay yung dalawa.
"Simple lang baks, dahil ikaw kasi ang kauna unahang tao na hindi tinitignan ang estado sa buhay para maging kaibigan, naaalala mo pa ba nung una tayong magkakilala niligtas mo ako nung sa mga bullies, nagpapasalamat ako sayo nun dahil sa unang pagkakataon may taong nagtanggol sakin, ikaw din ang unang taong naglakas loob na kaibiganin ang isang mahirap na k-katulad ko" medyo naiiyak niyang sabi kaya napaluha din ako
"Hala wala naman iyakan, alam mong mahina ako sa ganyan, nakakainis ka baks" medyo naiiyak ko din sabi kay natawa ang mga klassmate ko
"B-buong puso a-akong nagpapasalamat d-dahil, nang dahil sayo nagkaroon a-ako ng tapat at totoo mga kaibigan, at h-humihingi din ako ng patawad dahil m-minsan hindi ko m-mapigilan ang sarili ko na i-ikumpara ang sarili ko sayo baks, I-I'm s-so s-sorry baks s-sana mapatawad mo a-ako" paghihingi niya ng sorry habang naiyak kaya niyakap ko siya
"P-pinapatawad na k-kita baks, ano k-k b-ba ok lang yun" naiiyak ko sagot, kaya pati sila naiyak na din sa drama namin dalawa, ang drama kasi ni baks eh.
"S-sorry ulit baks, p-pero dati yun, n-ngayon hindi na P-promise baks" naluluha niya pa din sabi kaya napangiti ako habang naiyak
"Buang ka talaga baks" sagot ko at bumalik na siya sa pwesto niya, at sunod na ang iba mga klassmate ko, napuno ng iyakan at tawanan ang activity na ito, maraming nagkapatawaran at nagkapasalamatan.
Napatingin ako sa pwesto nila Nathan, sakto nakatingin pala siya dito sa pwesto namin kaya napaiwas ako ng tingin, hanggang ngayon hindi ko pa alam kung kanino ako hihingi ng tawad, si Nathan na pala ang susunod kaya tumayo na siya, at lumapit siya kay Jake at inabot niya ang yellow candle dito, tinanggap niya naman ito.
"Pre, I know hindi na tayo ok katulad nuon, pero gusto ko padin magpasalamat, dahil hinayaan mo parin na buo ang grupo natin kahit na hindi tayo ok, maraming maraming salamat pre" pagpapasalamat niya, tango lang ang isinagot ni Jake
Hindi ko inexpect na gagawin niya iyon, bale ang red candle nalang ang hawak niya at nagsimula na ulit siya lumakad, nagulat nalang ako ng sa direksyon ko siya papunta, kaya ang buong klassmate ko ay napatahimik at napatingin samin, ito ang unang pagkakataon na lalapitan niya ako sa harap ng maraming tao after ng break up namin, pagkalapit niya lumuhod agad siya kaya nagulat ako.
"Angel, I know galit kapa din sakin dahil sa nagawa kong kasalanan sayo, ngayon lang ako maglalakas ng loob para humingi ng Sorry sa nagawa kong mali sayo, Angel I'm really really sorry, I hope you forgive me" paghingi niya ng sorry, hindi ko inexpect na kaya niya humingi ng tawad sakin sa harap nila, kaya napatulala nalang ako sa ginawa niya.
MIKE POV:
Habang papalapit ng papalapit si Nathan kay Angel, lalong nag iiba ang itsura ni Jake, para kahit na anong oras kaya niyang pumatay ng tao.
"Pre are you ok?" tanong ni Mark kay Jake
"Yes" tipid niyang sagot, kaya napatingin sakin si Mark at nagkibit balikat nalang ako, hindi ko mawari kung anu ba talaga ang iniisip ni Jake, sa inaakto niya ngayon para siyang nagseselos sa nakikita niya, pero bakit?
"Pre anung iniisip mo dyan?" tanong ni Leo sakin kaya napatingin ako sakanya
"Wala naman pre" sagot ko
"Sus iniisip mo lang si Mika pre, eh" pantutukso niya sakin, kaya napangiti ako
"Sabi na eh" pantutukso niya parin
"Wag ka ngang maingay pre, marinig ka ni Jake" sagot ko kaya tumahimik na din siya
MIKA POV:
Hanggang ngayon nakatulala pa din si bessy kaya siniko ko na siya.
"Bessy" bulong ko sa kanya
"Ha" lutang niyang sagot
"Kanina kapa nakatulala dyan bessy" sagot ni Bessy Ireen
"Kanina pa ba mga bessy" sagot niya
"Oo, kaya bessy" sagot ko, kanina pa nakabalik sa pwesto niya si Nathan pero si bessy nakatulala pa din, nagulat talaga siya sa ginawa ni Nathan, kahit naman ako gulat na gulat pero hindi ko masyadong pinahalata.
"Sorry mga bessy" sagot niya, napatingin ako sa pwesto ni kuya at ganun nalang ang gulat ko ng ansama ng tingin niya kay Nathan, hindi ito napansin ni Nathan dahil nakatingin pa din siya dito sa pwesto namin. Naguguluhan ako sa kinikilos ni kuya, para siyang nagseselos pero bakit?, samantalang ang pagkakasabi ni bessy na ginamit lang ni kuya si bessy para makuha ulit si Angelica, pero bakit iba ang pinapakita niya, bakit parang apektadong apektado siya sa ginawa ni Nathan, i smell something fishy kay kuya at yun ang aalamin ko.
💚HsiriEnna
BINABASA MO ANG
LOVE IS KINDNESS (BOOK 1)
RomanceAng Love minsan masarap sa pakiramdam, pero mas madalas nakakasakit yung tipong hindi mo alam kung ipaglalaban mo pa ba o isusuko mo nalang ?? bakit sa fairy tale merong happy Ending pero sa reality wala, pero minsan napapaisip ako kung talaga bang...