CHAPTER 29:

19 8 1
                                    

ANGEL POV:

"Goodday everyone By the way, I am Angel Noreen Buenavista your host, and Ms. Ivy Suarez is our brave guest on our video group project. We just have a few questions for her to answer, and the topic we're going to talk about is about the sacrifice she made for someone, Let's start" pakilala ko

"Pwede bang tagalog nalang, medyo hindi kasi ako maalam sa English??" tanong ni Ms.Ivy

"Ok lang naman po, Ms.Ivy" masayang sagot ko

"Sige, salamat" sagot ni Ms.Ivy

"Ms.Ivy, ano po bang nagawa mong pagsasakripisyo para sa isang tao??" tanong ko

"Sinakripisyo ko para sa isang tao" malungkot niyang sagot

"Sinakripisyo ko lahat lahat, ang career ko ,kaibigan ko at higit sa lahat ang tanging pamilya na pinakamamahal ko, para sa taong yun, ang akala ko kasi pag ginawa ko lahat ng yun, magstay siya at hindi niya ako iiwanan" malungkot niyang sagot

"Sino po ba ang taong iyon, at nakagawa niyo pong, isakripisyo ang mga mahal niyo sa buhay?" tanong ko ulit

"Siya ang lalaki pinakamamahal ko, ang nagbigay ng kakaibang saya at ligaya sa akin, pero siya din ang nagbigay ng matinding kalungkutan sa aking buhay" malungkot niya pa ding sagot

"Ok lang po ba ikwento niyo po sa amin, kung hindi po ok lang??" tanong ko, dahil nacucurious na din ako sa mga sinasabi niya samin.

"Nakilala ko siya, nung 23 years old palang ako, nung una hindi ko siya type, dahil kabaligtaran siya ng ideal guy na gusto ko, playboy kasi siya lahat ng naging girlfriend niya pinaglalaruan niya lang, kaya ayaw na ayaw ko sa kanya, pero noong manligaw siya sakin ipinangako niya na magbabago siya, at nakita ko naman yun, at naikwento niya sakin kung bakit siya naging playboy, dahil niloko at iniwan siya ng babaeng una niyang minahal, kaya hindi nagtagal nahulog din ako sa kanya, sa una oo masaya masarap sa pakiramdam, pero sa pagdaan ng mga taon na magkarelasyon kami ng palihim, dahil ayaw na magulang ko sa kanya dahil isa siyang playboy at sasaktan lang daw ako nun, kaya nilihim ko sa kanila ang relasyon namin, pero hindi nagtagal nalaman ng magulang ko ang relasyon namin, naging hadlang sila samin dalawa" malungkot niya pa din kwento, medyo nadadala na din kami sa mga kwento niya, kaya nakikinig lang kami sa kanya.

"Isang araw, pinagbawalan ako ng magulang kong makipagkita sa kanya, pero dahil sa mahal ko siya sinuway ko ang magulang ko, nakipagkita ako sa kanya at sinabi ko na alam na nang magulang ko, at tutol sila sa aming dalawa at ayaw na nila ako payagan makipagkita sa kanya, sabi niya wag daw akong papayag dahil papatunayan niya daw sa magulang ko na mali sila, pag uwi ko nang bahay galit na galit sakin ang magulang ko, binantaan nila akong itatakwil nila ako pag inulit kopo makipagkita sa kanya" medyo naiiyak niyang kwento kaya medyo nadadala na ako..

"Kahit na masakit para sakin ang suwayin ang magulang ko, ginawa ko pa din para sa kanya nakipagkita parin ako ng palihim sa kanya, hindi ko alam na sinundan palang ako ng magulang ko, kaya kinaladkad nila ako pauwi ng bahay at galit na galit sakin, iyak ako ng iyak ng araw na iyon dahil kinulong nila ako sa kwarto ko, pero dahil matigas ang ulo at gusto ko siyang makita, dahil kailangan niya ako wala na siyang magulang, gumawa ako ng paraan para makalabas pero nahuli parin nila ako, kaya nagalit at sinumbatan ko sila, na pagod na pagod nako sa paghahadlang nila samin dalawa, kaya pinapili nila ako! sila ba daw o ang lalaking mahal ko" naiyak niya nang kwento kaya pinipigilan ko sarili kong maiyak, ang hirap pala ng iyakin kasi sa mga gantong kwentuhan nadadala ako, inabutan ako ng tissùe ni Jake at inabot ko naman iyong kay Ms. Ivy

"Pinili ko ang lalaking mahal ko, kapalit ng mga magulang ko at ang career ko kaya itinakwil nila ako, nung araw na yun hindi ko siya macontact kaya lalapit sana ako sa mga kaibigan ko, pero naalala kong katulad ng magulang ko, ayaw din nila ang boyfriend ko para sakin, dahil sabi nila lolokohin at sasaktan niya lang ako, kaya nagalit ako sa kanila kaya pinuntahan ko nalang siya sa apartment na tinutuluyan niya, sa awa naman ng diyos nandun siya kaya pinatuloy niya ako sa bahay niya, at sinabi ko na ang nangyare nagpasalamat siya dahil ipinaglaban ko siya, dahil hindi niya daw kaya na maiwanan ulit" umiiyak niyang kwento kaya, inabutan ko ulit siya ng tissue at tinanggap niya naman ito, pasimple kong pinunasan ang luha na pumatak sa mata ko

LOVE IS KINDNESS (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon