CHAPTER 3:

69 44 12
                                    

ANGEL POV:

KRING KRING

Nagising ako sa ingay ng alarm clock, hayzz 10 am na pala, tumayo na ako at ginawa ang daily routine ko, pagkatapos bumaba nako naabutan ko si Mamu na may kausap sa telepono.

"Goodmorning Mamu" bati ko kay Mamu

"Morning din apo, pasensya kana tulog nako kagabi ng dumating ka" sagot ni Mamu

"Ok lang po yun Mamu" sagot ko

"Kumain ka na diyan, pagtapos mo usap tau ah" sabi ni Mamu

"Sige po Mamu, kain po tau" sagot ko, sabay punta sa dinning area,
habang nakain ako di ko maiwasang di maisip ang nangyare kagabi at anytime maiiyak na naman ako😢😢 ang sakit sakit pa din, sana isang bangungot lang yun at pagkagising ko di iyon nangyare, pero hindi eh, totoong nangyare yun at wala nakong ibang dapat gawin kung di tanggapin kahit masakit.😥😥Pagkatapos ko kumain dumiretso ako sa garden, dahil nandun si Mamu at gusto ko na sanang magpaalam para makauwi nako sa bahay, sa malamang sermon na naman ang abot ko nito.

"Mamu" tawag ko sa kanya

"Oh apo! nandiyan ka na pala, nag away na naman ba kayo ng mommy mo kagabi? kaya di ka umuwi sa inyo" diretsahang tanong ni Mamu

"Hindi po Mamu, namiss ko lang po kayo, kaya dito ako natulog kagabi" sagot ko, sabay yakap sa kanya

"Apo namiss din naman kita, pero kilala kita alam kung may iba pang dahilan, kung bakit ka nandito apo" sagot niya sabay yakap din sakin.

"Mamu 😭😭 wala na po kami ni Nathan, nakipaghiwalay na siya sakin😭😭" umiiyak kong sagot

"Ha bakit? anung nangyare apo?wag ka ng umiyak" alo niya sakin, habang pinapatigil niya ako sa pag iyak.

"Mamu! may mahal na daw siyang iba, ang sakit sakit Mamu, sabi niya di niya ako iiwan at sasaktan pero ginawa niya pa din mamu huhuhuhu" sagot ko habang naiyak parin

"Apo wag ka ng umiyak, maaaring di lang kayo talaga para sa isat isa kaya nagkaganito, apo kapag nakikita kita nasasaktan, nasasaktan din ako kaya wag ka ng umiyak malalagpasan mo din ito, basta lagi mong tatandaan anu man ang mangyare hinding hindi mawawala sa tabi mo ang Mamu, kaya wag ka ng umiyak pa, alam ko sa ngayon masakit yan pero darating ang araw na makakalimot ka din, at pag dumating ang araw na yun kaya mo na siyang harapin ng taas noo kaya apo wag ka ng umiyak" mahabang paalala ni Mamu sakin.

Sa mga sinabi ni Mamu, medyo gumaan ang nararamdaman ko ngaun, at tumigil na ko sa pag iyak tama nga si Mamu, itong mga nangyayare sakin pag subok lang ito at malalampasan ko din ito basta magpakatatag lang ako.

"Salamat Mamu at nandyan ka palagi sa tabi ko, hindi ka po nawala sa tabi ko, at salamat din Mamu kasi di ka po nagtanim ng galit sakin, katulad ni mommy" malungkot kong sagot

"Apo! kahit anung mangyare hinding hindi magtatanim ng galit ang mamu mo sayo, napakabait mong bata, mapagmahal, mapagpatawad, mapagkumbaba at higit sa lahat matatag, yung mga nangyare noong hindi mo kasalanan yun tandaan mo yan apo, walang may kasalanan sa nangyare na accident na yun, kaya wag mo ng sisisihin pa ang sarili mo" mahabang sagot ni Mamu

"Salamat Mamu, maraming maraming salamat" sagot ko sa kanya

"Walang anuman apo, basta tandaan mo mahal na mahal ka ng Mamu mo" sagot niya

"Mahal na mahal ko din kayo mamu" sagot ko sabay yakap din sa kanya.

"Ang apo ko talaga! wag ka ng iiyak ah, kasi ang isang tulad mo na prinsesa, hindi dapat pinapaiyak lang ng kung sino sino lalaki dyan" sabi ni Mamu

"Salamat, Mamu i love u" sagot ko

"I love u too apo" sagot niya

"Mamu nga po pala, uuwi po muna ako sa bahay" paalam ko sa kanya

"Ganun ba apo, mag iingat ka ah, ipahatid nalang kita kay manong Joey" sagot ni Mamu

"Salamat Mamu, paano po uuwi na po muna ako" paalam ko sa kanya

Habang nasa sasakyan ako, tinitignan ako ni Manong Joey.

"Maam Angel, ok lang po ba kayo?" tanong ni Manong

"Opo manong, ok lang po ako" sagot ko

Hindi na sumagot si manong, at nagpatuloy nalang sa pagmamaneho, pagdating namin sa bahay nagpaalam nako sa kanya.

"Maraming salamat sa paghatid Manong, ingat po kayo ah" pagpapasalamat ko sa kanya

"Walang anuman po Maam ingat din po kayo palagi, wag na po kayong malungkot ah, kasi po di bagay sa inyo, dapat po palagi lang kayong masaya una na po ako maam" paalam niya sakin

"Sige po manong ingat po kayo" paalam ko din

Pag alis ni manong pumasok na din ako sa bahay, buti nalang wala si Mommy at Daddy kaya matiwasay akong nakapunta sa kwarto at nahiga.

RING RING RING

tinignan ko kung sino ang tumawag si bessy Mika lang pala kaya sinagot ko ito.

"Hoy bessy! bakit ngaun mo lang sinagot mga tawag namin" pagalit na sabi sa kabilang linya

"Pasensya kana bessy! medyo bc lang ako" matamlay kong sagot

"Anung bc di ako naniniwala, nasan ka ngaun kita tau" sagot niya

"Dito ako sa bahay, saan tau magkikita?" tanong ko

"Sa cafe nalang tau magkita, wait ka namin dun" sagot niya

"Sige magbihis lang ako, ingat kau dyan" sagot ko

"Mag iingat ka din, sige na maya nalang bessy babye" paalam niya

"Bye bessy" sagot ko, sabay baba ng tawag

Naligo at nagbihis nako para makapunta nako, nagtaxi nalang ako dahil malapit lang naman ito, mga 20 minutes nkarating na ako sa cafe, pagdating ko wala pa ang dalawa kaya umorder muna ako ng tea.

💚Hsiri Enna

LOVE IS KINDNESS (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon