AUTHOR NOTE:
THANK YOU MGA READERS , SANA PO HANGGANG SA HULING CHAPTER NG STORY KO,AY SANA SUPORTAHAN NIYO PO ,LUBOS AKONG NAGAGALAK SA LAHAT NG SUPPORT NA NATATANGGAP KO SA INYO,THANK YOU 😘THANK YOU VERY MUCH I LOVE YOU ALL❤❤😘😘MORE PLOT'S IN THIS STORY HOPE YOU LIKE IT MWUAHH😘😘😘😘
Sana din po bigyan niyo po ako ng more idea, sa pamamagitan ng inyong pagcomment 😘😘😘❤❤❤🦋🦋🦋
ANGELICA POV:
"Mga sis sana maging champion ulit ang school natin" sabi nung girl
"Kaya nga sis, magagaling naman yung mga bagong members, lalo na yung bagong captain nila ang gwapo gwapo sobra" kinikilig na sabi nung isang girl
"Tinutukan naman ni Ms.Coach yun practice nila, kaya sure akong mananalo ang school natin hihihi" sagot ng isa pang girl
Nandito ako ngayon sa basketball court ng school, ngayon na kasi ang laban ng school namin sa ibang school.
"Tignan niyo sila, ang sweet ng ANJAKE couple" kinikilig na sabi ng katabi ko kaya napatingin din ako sa tinuturo niya, its Angel and Jake ang famous loveteam in this campus, aamin ko masakit ay mali pala sobrang sakit, ang sakit na makita mong masaya na ang mahal mo sa iba, pero wala akong magagawa ako ang may kasalanan kaya kailangan kong tanggapin ang consequence, lumabas na muna ako ng court dahil nasasaktan lang ako sa nakikita ko at hindi pa naman nagsisimula ang laban nila..
ANGEL POV:
KRIINNNGGG.. (TUNOG NG BEL)
Sila Max, Sonny, Mike, Nathan at Jake ang unang maglalaro sa team namin, grabe kinakabahan ako sana manalo ang team namin.
"Guiz goodluck, manalo o matalo enjoy lang sa game" nakangiting sabi ko sa kanila
"Ipapanalo namin to Ms.Coach" sagot ni Max
"BABY GAGALINGAN KO ANG LARO KO PARA SAYO" sigaw ni Jake kaya naghiyawan ang mga tao dito sa court .
"AYIIEEE ANJAKE FOREVER" sigaw nung girls sa taas
"ANG SWEET BAGAY NA BAGAY KAYO" sigaw parin nila
Shit bakit ako kinikilig, piling ko unti unti nakong nahuhulog sa kanya hindi ito pwede, hindi niya naman ako kayang sasaluhin shit kailangan kong ilayo ang sarili ko sa kanya ..
Nakapwesto na sila sa court pagpito ng referee nakuha ng team namin ang bola, si Mike ang may hawak ng bola Kaya pinasa niya ito kay nathan at naishoot niya sa ring.."WOOOHHHH TEAM AMETHIEST ANG GALING NIYO" Sigaw ng mga schoolmate namin, pagshoot ng team namin, nasa San Gabriel naman ang bola kaya bantay sarado nila Jake ang galaw ng kalaban, intense na intense ang laban dahil dikit na dikit ang score nila,at mukhang nagkakainitan na ang magkabilang team, Tinulak ni Mike ang isa sa kalaban nila.
"NO.23 DELACRUZ FOUL" sigaw ng Referee, shit anu bang nangyayare bakit niya ginawa yun, 2 minutes nalang ang natitira sa oras..
"TIMEOUT" sigaw ni Sir kaya nagsilapitan sila.
"MIKE! BAKIT MO TINULAK ANG KALABAN NIYO?" galit na tanong ni sir
"Im sorry sir ang yabang kasi eh" pagpapaliwanag ni Mike
"Sub ka muna ni Timothy magpahinga ka muna dyan" sagot ni Sir kaya lumapit na si timothy at si Mike naman ang umupo, madami pang sinabi si sir sa kanila pero di ko masyadong maintindihan, hindi naman ako maalam sa basketball mukhang pagod na pagod na sila, kaya niyo yan guiz konti nalang mananalo na tayo..
"Ok Team last 2 minutes nalang, ibigay niyo na lahat ng makakaya niyo sa laro, may tiwala ako sa inyo" paalala ni Sir
"Opo Coach" sagot nila
"Kaya niyo yan guiz" sabat ko kaya nagsitinginan sila sakin at ngumiti, pero lumapit si Jake sa pwesto ko at may binulong.
"Pag naipanalo ko ang laro, makikipagdate ka sakin" bulong niya sakin sabay halik sa pisngi ko kaya bigla akong namula, shit nakita niya nginitian niya tuloy ako ng mapang-asar.
"AYIEEE TEAM ANJAKE NAKO FOREVER" kilig na sigaw ng mga schoolmate ko
"ANG SWEET SANA ALL" sigaw parin nila habang kinikilig, kaya nahiya ako bigla,tumahimik lang sila ng nagsimula na ulit ang laban.
KRIIINNGG...
Ang higpit ng laban 50/50 ang score ng bawat team, sobra ang bantayan nila kaya walang nakakascore, nasa team namin ang bola..
"ISHOOT NIYO NA, ISHOOT NIYO NA, ISHOOT NIYO NA" cheer nila sa team namin, pinasa ni Nathan kay Max ang bola, pinasa niya naman kay Jake shit 5 seconds nalang ishoot mo na Jake, kaya lang medyo malayo siya pero may tiwala ako sa kanya kaya niya yan, pero imbes na ishoot niya na ang bola tumingin muna siya dito sa pwesto namin..
"BABY PARA SAYO ITO" sigaw niya kaya lahat ng girls dito ay kinilig, isa na ako dun gosh bakit ba siya ganun, at ishinoot na ang bola. Halos lahat kami pigil ang hininga sa pagtingin sa bola kung papasok ba sa ring 3,2,1 yes umabot sa oras nashoot ang bola sa ring.
"YESSSSSSS" sigaw ng team at niyakap nila si Jake
"THE CHAMPION OF THE BASKETBALL GAME,AMETHIEST BROKEZ COLLEGE, CONGRATS TO ALL OF YOU" Announce sa team namin inabot ang trophy at masayang masayang kinuha nila Jake
"WOOOOOOHHHHHHHH CHAMPION ULIT ANG SCHOOL NATIN" tuwang tuwang sigaw ng schoolmate namin, sa sobrang saya ko sa pagkapanalo namin paglapit nila samin ay nayakap ko ng bigla si Jake pero mas nabigla ako ng yakapin niya din ako at may binulong.
"Pano ba yan naipanalo ko ang laro, makikipagdate kana ba sakin?" bulong niya
Nagulat ako sa sinabi niya, kaya bumitaw agad ako sa pagyakap, sa sobrang kaba at hiya niyakap ko nalang din sila Max at binati sila.
"CONGRATS GUIZ, SABI KO NA NGA BA KAYA NIYO EH" bati ko sa kanila
"Si Captain kaya ang nagpanalo ng laro" masayang sagot nila
"Lahat tayo ang nagpanalo ng laro,dahil nagtulungan tayo" sagot naman ni Jake
"CONGRATS TEAM AMETHIEST" pagbati ni Sir at yayakapin sana sila Jake kaya lang todo iwas sila.
"Ay grabe layong layo" nagtatampong sabi ni Sir
"Joke lang yun syempre Coach" sagot nila kaya niyakap na nila si Sir
"Sali ako dyan" sagot ko kaya nakiyakap na rin ako grabe sobrang saya ko at naging champion ulit ang school namin.
"SAAN TAYO MAGCECELEBRATE NGAYON MS.COACH?" tanong sakin ni Sonny
"Sa dati parin syempre" masaya kong sagot
"Sige mamaya ah" sagot nila
"Pano magpapalit na muna kami" paalam nila Max
"Sige txt niyo nalang ako ah, balik muna ako sa room" sagot ko sa kanila
"Sige Ms.Coach" sagot nila
"Ok sige guiz, balik muna ako sa room" paalam ko kila Jake sabay lakad pabalik sa room, shit ang lakas ng tibok ng puso ko sa ginawa ni Jake.
💚HsiriEnna
BINABASA MO ANG
LOVE IS KINDNESS (BOOK 1)
RomanceAng Love minsan masarap sa pakiramdam, pero mas madalas nakakasakit yung tipong hindi mo alam kung ipaglalaban mo pa ba o isusuko mo nalang ?? bakit sa fairy tale merong happy Ending pero sa reality wala, pero minsan napapaisip ako kung talaga bang...