TRINITY II: THE KINGS QUEENS

203 9 5
                                        

Sila Kim Seokin, Park Jimin at Kim Taehyung ay magkakaibigang magkakasamang nakatira sa inuupuhan nilang maliit na bahay sa Gangwon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sila Kim Seokin, Park Jimin at Kim Taehyung ay magkakaibigang magkakasamang nakatira sa inuupuhan nilang maliit na bahay sa Gangwon. Hindi sila magka anu-ano o magkakaibigan ang kanilang mga magulang pero sa isang hindi maipaliwanag na dahilan ay naging magkakaibigan sila.

Si Kim Seokjin o mas kilala sa tawag na Jinnie, ang tumatayong panganay sa tatlo. Siya ang halos nagaasikaso sa luob ng bahay lalo na sa pagluluto ng pagkain nila sa araw-araw.

Sa araw, nagtatrabaho siya sa isang bakery at sa hapon naman ay sa isang flower shop pero lingid sa kaalaman ng dalawa niyang kaibigan ay kasal siya at nagtatrabaho din bilang isang interrogator sa kaibigan niyang si Hobi na nagtatrabaho para sa Gobyerno.

Maski ito, hindi rin alam na kasal siya at hindi Jinnie Kim ang totoong pangalan niya gaya ng alam ng karamihan. Wala ring nakaka alam na mula siya sa mayamang pamilya dahil nagpanggap siyang mula sa mahirap na nakaahon sa kahirapan.

Mahilig siya sa mga kumportableng damit lalo na kapag ito ay kulay pink. Nagsasalamin din siya bilang parte ng kanyang disguise kapag lumalabas para walang makakilala sa kanya na tauhan ng kanyang asawa na kilala sa tawag na 'Eye'.

Sunod ay si Park Jimin o mas kilala sa tawag na Chim o Jimin. Isang third year college, major in dance student. Isang ulilang lubos kaya naranasan niyang magpalipat-lipat sa kung kani-kaninong bahay na umaampon sa kanya hanggang sa nagsawa siya sa ganuong sistema at sinubukang mamuhay mag isa hanggang sa makilala niya si Jin sa isa sa mga dati niyang raket para kumita at may ipang tustos sa kanyang sarili.

Isang responsable at maaasahan na kaibigan. Isang iskolar sa isang prestige school kung saan madalas siyang ma-bully dahil sa estado ng kanyang buhay lalo pa at nagtatrabaho siya sa isang coffee shop bilang barista. Ang hindi alam ng lahat, nagtatrabaho din siya bilang isang bayarang sniper.

Meron siyang kinikilalang boss sa trabahong ito ngunit ni isang beses ay hindi niya pa ito nakita maliban sa nagkakausap sila sa pamamagitan ng tawag o text. Walang sino man ang pwedeng makaalam sa sikreto niyang ito dala na rin ng takot na baka mawala ang mga taong itinuring niya ng pamilya.

Panghuli ay si Kim Taehyung o mas kilala sa tawag na Tae. Siya ang tinuturing nilang bunso sa kanilang tatlo dahil bukod sa childish acts niya, para din siyang hindi nauubusan ng energy.

Masiyahin siyang tao gaya ni Jimin sa kabila ng mga nangyaring pangma-maltrato sa kanya ng kanyang step father mula ng mamatay ang kanyang ina. Hindi pa kasama duon ang pagiging malambot niya para sa isang lalaki.

Lumayas siya ng kanilang bahay nuong high school siya at dahil magka klase sila ni Jimin, nalaman nito ang sitwasyon niya at tinulungan siya na makahanap ng matutuluyan na kalaunan ay itinuring niya ng bago niyang pamilya na walang ibang kundi sina Jin at Jimin.

Theatre Arts ang kurso niya sa kolehiyo. Gaya ni Jimin, isa din siyang iskolar na pumapasok sa kaparehas na eskwelahan ng kaibigan. Nabu-bully din siya hindi lang dahil sa estado niya sa buhay kundi pati sa kanyang kilos.

TRINITY (BTS AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon