In the world of underground society, Trinity is the well-known, powerful and feared group. They follow a strict brotherhood code but not until they meet their downfall.
Date Created: September 25, 2021
Date Published: October 01, 2021
Date Ended: S...
"Hyung! Sigurado bang hindi kami maaalanganin ni Chim dito?" nagaalala at kinakabahang tanong ni Taehyung habang masid-takbo-tago ang ginagawa kahit na madaling araw na at wala ng makikitang tao sa kalsada, maliban sa panaka-nakang mga iilang sasakyan na dumadaan.
"Oo! Akong bahala. Hindi ko syempre sasabihin na kayo 'yung hinahanap namin. Saka alam naman ni Hobi na may dalawa akong kaibigan na kasama sa tinitirahan kong bahay kaya lusot kayong dalawa. Huwag lang kayong aakto ng kakaiba, okay? Dalian ninyo na. Baka maabutan pa tayo ng Trinity. Mahirap na. Sayang 'yung pinull nating stunt kung mahuli lang din tayo." tugon ni Jin at pinauna ang dalawa sa harapan niya habang siya naman ang nasa likuran.
Sa layo ng nilakad nila, magu-umaga na ng makarating ang tatlo sa bahay ni Hoseok dahil bukod sa sinisiguro nilang walang nakasunod o maaaring makakita sa kanila na tauhan ng Trinity ay naglakad lang din sila kaya sila natagalan sa kanilang pagdating. Hindi na nila kasi tinangka pang mang carnap ulit. Hinihingal na pinindot ni Jin ang doorbell sa labas ng malaking gate ng bahay at nagsalita sa intercom.
"This is Mr. Kim. I'm with my friends. Kindly tell to Mr. Jung please. Thanks."
Nagkatinginan ang tatlo ng automatic na bumukas ang malaking gate. Napalunok si Jin. Hindi niya alam paano niya ipapaliwanag kay Hobi ang sitwasyon nila ngayon, kung bakit ganito ang hitsura nila at hindi na maaari pang bumalik sa bahay niya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ang laki ng bahay ng boss mo, hyung!" puna ni Jimin habang iniikot ang tingin niya sa kabuuan ng lugar.
"Siya lang ba mag isa ang nakatira sa bahay na ito? May asawa na siya? Girlfriend? Jackpot naman ng partner ng boss mo kung sakali." dagdag ni Taehyung na inilangan lang ni Jin.
Sa isip-isip kasi nito ay normal lang ito at walang sinabi sa bahay ng bawat isa sa miyembro ng Trinity.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Good morning, beauties!" bungad na bati sa kanila ni Hoseok pag pasok nila sa luob ng bahay.
Napalunok si Jin. Hindi niya maintindihan ngunit pakiramdam niya pinaghandaan nito ang pagdating nila. Ayos na ayos kasi ito kahit na alam niyang late itong dumadating ng HQ.
"Boss." pormal niyang bati at agad na inalalayan ang likod ng dalawa niyang kaibigan sa pagyuko upang magbigay galang kay Hoseok.
Natawa naman ito, "No need to be formal, Jin. Nasa bahay ko tayo. Wala tayo sa headquarters. Tara na muna sa dining, nagpaluto ako ng breakfast."
Agad na nakaramdam ng paglalaway ang tatlo at napalunok. Duon palang nila naramdaman ang kumakalam nilang mga sikmura.
Isa-isang nagdatingan ang mga tagapagsilbi sa dining table dala ang agahan na sinabi sa kanila ni Hobi.
Halos kuminang na ang mga mata ni Jimin at Teahyung sa mga nakahandang pagkain samantalang si Jin naman halos tunawin na si Hoseok sa paraan ng kanyang pagtitig. Kinakabahan at hindi siya mapakali dahil alam niyang may kakaiba sa kinikilos ng kanyang kaibigan at boss.
Mula kanina ng dumating sila hindi ito nagtanong ng kung bakit siya nandito at isinama ang dalawa niya kaibigan o nagtanong kung sumama ba siya sa pagmanman ng mga katrabaho niya sa hinahabol ng Trinity.
"Kumain na tayo. Alam kong gutom na kayo. Pagtapos ninyo, pasasamahan ko kayo sa ilang mga maid para sa guest room at ng makapagpahinga kayo."
Napabuntung-hininga na lamang si Jin ng hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Hoseok at tinuon ang atensyon kina Taehyung at Jimin na parang mga masunuring bata habang nilalantakan ang mga pagkaing nasa lamesa.
Halos hindi ginalaw ni Jin ang pagkain niya sa kaba ng maisip niyang baka alam na ni Hoseok na silang tatlo ang hinahabol ng Trinity.
"Hyung? Hindi ka sasama?" tanong ni Jimin na kasunod si Taehyung at mapansin nitong hindi ito sumabay sa kanila pagtayo.
Umiling ito bilang tugon, "May paguusapan pa kami. Mauna na kayo. Susunod ako."
"Sige, hyung. Una na kami." paalam ni Taehyung at tuluyan na silang naglakad palabas ng dining area kasama ang ilan sa mga maid.
Agad siyang tumingin kay Hoseok na prente pa rin sa pagkakaupo nito.
"H-Hobi." pagtawag niya rito.
"Hmm?" tugon nito ng hindi tumitingin sa kanya.
"B-Bakit wala ka mang lang tanong sa akin ni isa? Kung bakit ako nandito ngayon? Kung bakit kasama ko ang dalawa kong kaibigan? Kung bakit ganito ang mga hitsura namin at kung saan kami galing? A-Alam mo na. . .?"
Halos hindi matuloy ni Jin ang gusto niyang sabihin dahil pakiramdam niya ay bumibigat lalo ang awra sa paligid nilang dalawa ng nasabibg kaibigan at boss niya.
"You don't have to worry about me hurting them, Jin. I know their capabilities. I know who they are and that you're friends with them. Alam kong pinapahanap at pinapahuli ko sa inyo si Silver at Tiger but not because gusto ko sila makulong or patayin."
"T-Then what?"
"I want to see kung kapag ba nalaman mo ang totoong identity ng pinapahuli ko sa inyo ay pagkakatiwalaan mo pa rin sila o hindi, and as what I can see, you still trust them, don't you? Because they are your friends, right?"
Tumango si Jin.
"And that's exactly what I want to happen." nakangiti ng sabi ni Hoseok habang nakatitig kay Jin.
"W-What do you mean?" naguguluhang tanong ni Jin sa kanya.
"Jin, hindi lang ikaw ang nagtatrabaho para sa akin. Sina Silver at Tiger ay sa akin din nagtatrabaho. And yes, if you two can't believe it or has questions, feel free to step out of your hiding place."
Nagulantang naman si Jin sa sinabi ng kanyang boss at agad na napalingon sa may pintuan ng dining kung saan lumabas sina Jimin at Taehyung.
"Kanina pa kayo nand'yan? Hindi kayo umalis?" gulat na tamong ni Jin.
Umiling ang dalawa bilang tugon ngunit hindi sila umalis sa kinatatayuan nila. Halatang maging sila ay gulat at naguguluhan din sa nangyayari.
"Care to explain what is happening?" ang nasabi nalang ni Jin bago sapuin ang kanyang nuo sa sobrang stress sa mga rebelasyon na kanyang narinig.
"Sure and that's what I like to do too, team." makahulugan nitong tugon.
Naloka ako sa revelation, mga friends! Pero mas nakakaloka pa rin na Level 1 na daw tayo sa March 1. Like, times flies fast talaga. Parang kailan lang ng nagsimula yung mask gathering charot este pandemic caused by corona virus pero heto tayo ngayon, we're free to go anywhere we want. I mean, kayo but not me. Taong bahay ako eh.
Kitakits sa sunod na update mga ka-Trinità. Remember, coraggio - lealtà - intelligenza.