TRINITY XXXVIII: BE SOMEBODY

70 2 2
                                        

Halos nanginginig sa takot si Taehyung habang nakatalukbong ng kumot at nagpapanggap na tulog ng marinig niyang pumasok sa kwarto niya si Hoseok. Tahimik siyang napa igik ng lalo niyang madaganan ang tagiliran niyang hindi pa naghihilom. Mahigpit din ang hawak niya sa cellphone niyang ngayon ay tinatago siya sa ilalim ng kanyang unan. Hindi kasi sinasadya na narinig niyang inutusan ni Hoseok ang mga tauhan niya na kidnapin si Jin at patayin ito upang mawala sa sarili si Namjoon. Alam kasi nito kung gaano kamahal ni Eye si Jin. Sa takot at pagaalala niya ay agad siyang napatawag kay Jin kaya lang ng sinagot nito ang tawag ay narinig niya ang yabag ng mga paa ni Hoseok papunta sa kwarto niya kaya hindi niya nasabi ang gusto niyang sabihin kay Jin.

Panandaliang huminto ang paghinga ni Taehyung ng naramdaman niyang nasa tabi niya na si Hoseok at hinalikan siya sa kanyang nuo kaya naman nagpanggap siyang nagising sa ginawa nito at kinusot ang kanyang mga mata bago umalis sa pagkakatalukbong.

"H-Hyung?"

"Did I wake you up?" nakangiting tanong nito at hinaplos ang mukha niya.

Impit siyang ngumiti at umiling. Nagkatitigan sila bago muling nagsalita si Hoseok.

"Alis muna ako. Dito ka lang. Huwag kang aalis, okay? Gusto ko pag uwi ko sasalubungin mo ako."

"S-Saan ka pupunta?"

"Don't worry, hindi naman ako magtatagal. Alam ko namang ayaw mong naiiwan ka ng matagal ng mag isa." saad nito sabay dukot ng cellphone niya para magtext at muling tumingin kay Tarhyung, "Sige na. Bumalik ka na sa tulog."

Pinatakan siya nito ng halik sa kanyang labi bago lumabas ng kanyang kwarto. Sinilip ni Taehyung ang paalis na pigura ni Hoseok sa mansyon at ng tuluyan na itong makaalis ay dali-dali niyang kinuha sa ilalim ng kanyang unan ang cellphone niya at binalak muli na tawagan si Jin kaso cannot be reach na ito kaya sa kaba niya, kahit iniinda niya pa ang kanyang tagiliran ay dali-dali siyang nagbihis para puntahan ang lugar na hindi dapat - ang headquarters ng Trinity.

Samantala, sa kotse kung nasaan sina Jin at Hunter. .

"Yoongi! Ihinto mo itong sasakyan kundi sisipain ko iyang ano mo d'yan!" banta ni Jin habang pilit na binubuksan ang pinto.

"Yeah, sure. Feel free." wala sa mood na tugon ni Yoongi habang panay ang tingin sa rearview mirror.

"Napaka walang hiya ninyo talaga! Lalo na iyang si Namjoon! Ang galing magpa ikot! Ako naman itong si tanga akala ko okay na kami iyon pala balak akong patayin gaya ng parents ko at kapatid ko wherein naniwala din ako sa kasinungalingang kwento mo! Mga bwisit!" inis na saad ni Jin na maiiyak na sana ng biglang ihinto ni Yoongi ang sasakyan sa tapat ng address na nakalagay sa text message na pinakita ni Namjoon.

"B-Bakit ka huminto?!" inis na tanong ni Jin ng maka recover siya sa pagkakahampas ng mukha niya sa compartment ng kotse.

"Sshh. Let's switch places carefully." seryosong utos nito.

"Huh? Ano na naman bang--?"

"Just fucking do it. We don't have time."

Naguguluhan man ay sinunod ni Jin ang utos ni Hunter. Siya na ngayon ang nasa driver's seat samantalang nasa shotgun seat naman si Hunter na ngayon ay kinuha ang cellphone niya at may tinawagan.

"Nandito na ako Nand'yan na din ba kayo sa mga pwesto ninyo?" dinig niyang tanong nito.

Isang minuto lang ang tinagal ng usapan ni Yoongi at ng kausap nito at matapos nu'n ay tinignan niya si Jin na halatang naguguluhan na sa nangyayari.

"Your husband's gonna kill me." nakangising saad nito, "Lumabas ka na ng sasakyan. Magpanggap ka na wala kang kasama sa pagpunta mo dito. I'm sure he's already there."

TRINITY (BTS AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon