In the world of underground society, Trinity is the well-known, powerful and feared group. They follow a strict brotherhood code but not until they meet their downfall.
Date Created: September 25, 2021
Date Published: October 01, 2021
Date Ended: S...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sa mundo ng underground society ay may kilala at kinatatakutan na grupo na kung tawagin ay Trinity. Ito ay pinamumunuan ng tatlong boss na mas kilala sa tawag na three kings. Kilala ang Trinity sa napaka daming bagay na konektado sa underground at black market.
Ang three kings ay pinamumununan nila Kim Namjoon, Min Yoongi at Jeon Jungkook. Sila ay matatalik na magkakaibigan mula ng mga bata pa sila at parang kapatid na ang turing nila sa isa't-isa.
Ang una sa kanila ay si Kim Namjoon o mas kilala sa tawag na Eye.
Siya ang pinaka magaling na hacker sa buong mundo. Kahit saan ka man magtago, magpalit ka man ng pangalan o anyo ay siguradong mahahanap ka niya. Maski gamit lalo na kapag mamahalin ay nagagawa niyang hapin. Unang kita mo palang sa kanya ay alam mo ng galing siya sa mayamang pamilya dahil sa kanyang pananamit at dalang baston. Hindi mo siya pwedeng biruin sa dala niyang ito dahil lingid sa kaalaman ng lahat ay isa itong mataas na kalibre ng baril. Tinawag siyang Eye dahil na din sa intimidating features na meron ang kanyang mga mata bukod pa sa dahilan na saan ka man magpunta o matago ay makikita at makikita ka niya dahil para ba nitong nakikita ang nakikita mo.
Ang pangalawa ay si Min Yoongi o mas kilala sa tawag na Hunter.
Isa siyang kilala at magaling na fighter. Siya ang depinisyon ng katagang born to fight and to kill. Mahilig siya makipag basag ulo kahit na walang sapat na dahilan dahil mabilis uminit ang ulo niya sa mga walang sense na bagay. Isang maliit o maling pagkakamali lang na magawa mo ay tiyak maghe-hello ka agad sa panaginip o kay San Pedro. Gaya ni Eye, nagmula siya sa mayamang pamilya at may delikado siyang awra kaya karamihan ay ilag sa kanya saan man siya magpunta. Lagi siyang may suot na mga singsing sa daliri niya para added sakit sa makakasagupa niya. Hindi niya ito hinuhubad maliban nalang kung may bago siyang ipapalit. Mukha siyang disente maging ang mga tauhan niya at hindi mo malalamang basagulero siya dahil sa maamo niyang mukha pero ika nga nila, looks can be deceiving.
Ang pangatlo at huli ay si Jeon Jungkook o mas kilala sa tawag na Prime.
Siya ang tumatayong leader ng three kings ayon na rin sa kagustuhan nina Eye at Hunter kahit na siya ang pinaka bata sa kanila. Hindi rin nito maintindihan kung bakit iyon ang gusto ng kanyang mga Hyungs pero mabilis at magaling siya sa matuto ng mga bagay-bagay na kailan lang naman niya natutuhan. Hindi gaya ng dalawa, siya ay malapit sa mga tao. Gustung-gusto niya nakikihalu-bilo sa kung sinu-sino lalo pa at mabilis siyang makahatak ng atensyon ng karamihan saan man siya magpunta. Hindi gaya nina Eye at Hunter, hindi ito mahilig sa disenteng pananamit kahit na mula siya sa mayamang pamilya. Mahilig siya sa damit na sinusuot ng karamihan kung saan hindi siya mapagkakamalang mayaman. Madalas ang sinusuot niya ay 'yung mukhang pang rakista at madalas din siyang makita sa kalsada kapag gabi sakay ang mamahalin niyang motor na lagi niyang pinagmamalaki.
Marami ng nagtangkang pabagsakin ang Trinity lalo na ang three kings subalit walang ni isa ang nakagawa nito dahil ang tatlong nasabing hari ay para bang walang pakialam sa ibang bagay maliban sa kayamanan at kapangyarihan pero sabi nga nila, walang naghahari ng pang matagalan. Meron at merong makapagpa pabagsak sa kaharian kahit gaano man ito katatag.