TRINITY XXXV: IT'LL BE OKAY

65 6 2
                                        

"Hyung!" bati sa kanya ni Taehyung pagkakita nito sa kanya na pumasok sa main door.

"Hi, Tae." impit na ngiting tugon nito at ginulo ang buhok niya ng makalapit.

"Saan ka. . Woah!" agad kinuha ni Taehyung ang hawak niya at lumakad papunta sa lamesa na siyang sinundan niya. Agad din itong kumuha ng plato at kubyertos nilang dalawa.

"Nasaan si Hobi?" wala sa luob na tanong ni Jin habang nakatitig kay Taehyung.

"Uhm, umalis eh. Hindi ko alam saan nagpunta. Baka nag asikaso ng business niya. Eh di ba nga nasunog 'yung headquarters tapos karamihan sa mga nag invest sa kanya nag pull out."

Tahimik silang nag breakfast ni Taehyung hanggang sa basagin ni Jin ang katahimikan.

"Umalis na tayo dito, Tae."

"Huh? Anong sinasabi mo, Hyung? Bakit tayo aalis?"

"Basta, umalis na tayo dito. Ayaw kong tumagal pa tayo dito."

"Pero Hyung? Paano si Hoseok hyung?"

"Anong paano siya, Tae? Kaya niya ang sarili niya! Kaya din natin ang mga sarili natin! Kaya naman natin ng tayong tatlo palang nila Jimin eh. What more pa na dalawa nalang tayo? Hindi magandang tumagal pa tayo dito. Hindi ko na gusto dito." inis na saad nito na napatigil sa pagkain niya.

"Pero Hyung. ."

Bigla tayong si Jin at hinampas ng malakas ang table dahilan para mapapikit sa gulat at takot si Taehyung.

"Ano ba, Tae? Bakit ba ayaw mo umalis? Dahil ba kay Hobi? Kayo na ba? Is that why you guys fuck at night when you all thought I'm asleep? Tae, namatay 'yung kaibigan natin and yet, hindi ka ba nagtataka kung bakit parang hindi man lang natin nakitang gaya natin na nagluluksa si Hobi para kay Jimin? Don't tell me, siya pa rin ang kakampihan mo?"

Namilog ang mga mata ni Taehyung sa gulat ng marinig nito ang mga binitawan nitong mga salita laban sa kanya.

"Hyung! A-Anong sinasabi. .?"

"Don't you dare fucking lie to me, Tae! I know what I saw! Seriously, Tae? Ikaw ba nagluluksa din gaya ko sa pagkawala ng kaibigan natin o mas inuuna mo iyang. . Iyang. . Argh!" napahilamos ng mukha si Jin sa frustration niya samantalang si Taehyung naman ay halos manghina sa harapan ng kanyang Hyung.

"H-Hyung. ." tawag niya dito at balak sanang hawakan si Jin kaso itinapik nito palayo ang kamay niya sa kanya.

"Don't touch me."

"Jin hyung. ." muli nitong tawag at may namumuo ng luha sa mga mata nito.

"Kung hindi ka aalis kasama ko, then fine. Stay here. Have fun with Hobi pero sana hindi mo pagsisihan sa huli ang desisyon mo." saad ni Jin bago lumakad papunta sa kwarto niya at iwan ang mag-isa ang umiiyak na si Taehyung.

Pagpasok ni Jin sa kwarto niya at agad niyang ni-lock ang pinto at napasandal sa kwarto niya. He didn't mean to shout at Taehyung nor iwan ito mag-isa sa bahay ng ngayon ay kinamumuhian niya ng tao sa mundo pero anong magagawa niya kung ayaw nitong sumama sa kanya?

Matapos niyang ilagay sa maleta lahat ng mga gamit niya ay dumaan muna siya sa kwarto ni Jimin at hinaplos ang pinto.

"Wish me luck, Chim." bulong nito at inalala ang nakangiting si Jimin na naka okay sign.

Pagbaba niya ng hagdan ay sinalubong siya ni Taehyung na katatapos lang umiyak at hinarangan siya palabas ng pinto.

"Tae. ."

Umiling ito at nanatiling nakaharang sa pinto.

"No, Hyung! Hindi ka aalis. Dito ka lang." parang batang sumamo nito.

TRINITY (BTS AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon