Mabibilis na yabag ng mga paa ang maririnig sa malaking building na pinag gaganapan ngayon ng nasabing pagtitipon na dinaluhan ng maraming kilala at respetadong tao sa lipunan. Ngunit, wala ng mas lalakas pa sa kalabog ng dalawang magkaibang puso na ngayon ay tumatakbo palayo sa mga humahabol sa kanila.
"Malapit na sila! Anong gagawin natin?" natatarantang tanong ni Jin na humigpit ang hawak sa kasama niya sa pagtakbo. Si Tiger.
Bumitiw si Tiger sa pagkakahawak kay Jin kaya naman napatingin ito sa kanya.
"Anong ginagawa mo?! Mahahabol nila tayo! Tara na!" hinihingal na sabi ni Jin. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang samahan siya nito kahit na alam niyang hindi dapat pero sa mga oras na iyon, alam niyang may utang siya na luob dito sa pagligtas nito sa kanya.
Sumenyas ito sa kanya, "Mauna ka na. Ako ng bahala sa kanila." saad nito.
Hindi niya maintindihan kung bakit parang pamilyar sa kanya ang boses nito pero siguro dala na rin ng suot nitong maskara ay hindi niya ito marinig ng malinaw.
"Hindi! Hindi kita iiwan dito. Don't tell me kasabwat ka ng mga iyon at sinet-up ninyo lang ako?!"
Hindi sumagot sa kanya si Tiger at sa halip ay nilabas nito bigla ang matalas niyang dalawang punyal. Napalunok si Jin.
Jusko, tama nga ang hinala ko! Kasabwat siya ni Eye! Na-set up ako ng walang hiyang iyon!
Pero bago pa siya makapagsalitang muli ay biglang hinagis ni Tiger ang isa sa mga punyal niya sa kung saan at nakarinig siya ng nasaktan na boses. Halos manlaki ang mga mata niya ng makita niyang nakatarak na ang punyal nito sa dibdib ng isa sa mga humahabol sa kanila.
"Tumakbo ka na." utos ni Tiger sabay humarang ito sa harapan niya para sugurin ang mga humahabol sa kanila.
Hindi maiwasan na hindi mamangha ni Jin sa nakikita niya kahit alam niyang mali ito. Napaka ganda. Parang sumasayaw lamang si Tiger sa mga humahabol sa kanila at sa bawat kumpas o ikot niya ay isa-isang bumabagsak ang mga ito. Napalunok siya at bumalik sa realidad ng maalala niya ang sinabi sa kanya ni Tiger. Nagdadalawang isip man ay tumalikod na siya at nagsimulang tumakbo palayo, ngunit hindi niya nakalimutang sumigaw ng,
"Mag iingat ka, Tiger."
Halos hingalin na si Jin kakatabo lalo pa at paikut-ikot lang ang hagdan sa fire exit at para bang walang katapusan ang pagtakbo niya hanggang sa makarating siya sa huling palapag. Napatigil siya para habulin ang paghinga niya.
* * *
JIN POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayong gabi.
Sobrang bilis. Parang kisap-mata ang lahat. Totoo ba talaga lahat ng ito?
Hindi ba ito panaginip?
Tumingala ako at napalunok. Nagbabaka sakaling marinig o makita ko si Tiger na tumulong sa akin pero wala akong makita. Shit. Hindi kaya nahuli na siya ng mga tauhan ni Eye?
Napahilamos ako sa mukha ko. Hindi. Kasalanan ko ito.
Kung nag doble ingat lang sana ako at hindi ko naisipan tanggalin kahit isang saglit lang ang suot kong maskara ng dahil lang sa pakiramdam ko naiirita na ako na may nakalagay sa mukha ko eh di sana, hindi nalaman at hindi ako nakita ni Eye.
Funny how it happened na nagkasayaw pa kami. Sinasabi ko sa sarili ko na kinamumuhian ko siya pero bakit hindi ko agad nakilala ang tindig na iyon? Ang boses na iyon? Argh.
Ngayon sigurado akong hindi siya titigil hanggat hindi niya ako nahuhuli.
Ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit tinulungan ako ni Tiger.
BINABASA MO ANG
TRINITY (BTS AU)
FanfictionIn the world of underground society, Trinity is the well-known, powerful and feared group. They follow a strict brotherhood code but not until they meet their downfall. Date Created: September 25, 2021 Date Published: October 01, 2021 Date Ended: S...
