JIMIN POV
Napabuntung-hininga ako ng isang mamahaling gamit na naman ang nakita kong nakapatong sa ibabaw ng mga gamit ko sa luob ng locker ko.
Pang anim na araw ko ng nakatanggap nito. Nagsimula ito last week monday hanggang friday. Akala ko titigil na ang nagbibigay nito sa akin pero hindi pala.
Kanino ba nangga-gagaling ito? Sino nagaabalang magbigay ng mamahaling bagay sa akin? Nanti trip ba ito kasi kung oo, hindi nakakatuwa.
I mean, oo maganda at mamahalin ang binibigay sa akin pero at the same time nawe weirduhan ako kung bakit kailangan akong bigyan ng ganito. Anong kailangan sa akin ng taong magbibigay ng ganito sa akin?
Last week monday ang una kong natanggap ay Chanel, tuesday ay Louis Vuitton, wednesday ay Dior, thursday Burberry, at ng friday ay Rolex.
Ngayon, Bvlgari.
Like, what the hell?! Buti sana kung hindi original eh pero hell shit. Lahat original by the looks and feel.
Oras talaga na malaman ko sino nagbibigay nitong mga ito sa akin ibabalik ko lahat ng ito sa kanya tutal nandito lang naman lahat ng binigay niya sa akin sa locker ko.
Gusto ko na ngang magreport sa school office tungkol dito kaso baka may kapit din sa staffs ng school ang nagbibigay nito sa akin and impossible na hindi kumalat ang kahit na anong narereport duon at makarating kay Tae. Yari ako duon kapag nalaman niya ang tungkol dito sa mga natanggap ko at binalewala ko lang. Hahaha. Kasi kung si Tae ang nakakatanggap nito lalo na kung Gucci pa ay naku, proud niyang irarampa iyon dito sa school hindi gaya ko na hindi komportable sa luxury items.
"Okay class, see you on wednesday."
Pag dismiss sa amin ng professor namin ay agad na akong lumabas ng classroom ko para pumasok sa part-time ko bilang barista sa isang cafè. I think nasabi ko na ito sa inyo before, right? Anyway hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may nakatingin sa akin pero syempre hindi ko nalang pinansin dahil nagmamadali ako makarating sa part-time ko lalo pa at may special event kami tonight.
May darating na mga guests at 'yung cafè namin magmimistulang hindi cafè mamaya dahil need namin ng mga katrabaho ko na maging waiter and I'm excited to play that role kaya nga napabili pa ako ng washable hair color na gagamitin ko pagdating ko sa cafè.
BINABASA MO ANG
TRINITY (BTS AU)
FanficIn the world of underground society, Trinity is the well-known, powerful and feared group. They follow a strict brotherhood code but not until they meet their downfall. Date Created: September 25, 2021 Date Published: October 01, 2021 Date Ended: S...