"On my command. ." humingang malalim si Prime habang nakasandal sa kanyang big bike sa tapat ng Headquarters kung saan nuon nagtatrabaho si Jin para kay Hoseok. Ngumisi ito. Alam niyang wala pa ito sa kalahati ng galit niya but this is a good start, ". .Burn it."
Sabay-sabay sinilaban ng mga tauhan niya ang Headquarters at ang iba pang building na pagmamay-ari ni Hoseok sa siyudad ng Seoul. Napangisi siya.
Nakapamulsa siyang lumapit sa nasusunog na building at kinuha sa bulsa niya ang isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon gamit ang naglalagablab na apoy at pagkatapos ay iniipit sa pagitan ng kanyang labi. Pinagmasdan niya ang lumalakas na apoy at kinuhaan ito ng litrato at sinend kay Hoseok na may caption na: Welcome to Hell. Matapos nu'n ay lumakad na siya paalis at muling sumakay sa motor niya.
Kinabukasan, maagang nagising si Jin para mag asikaso ng tanghalian only to find out na umalis si Hoseok at tanging silang dalawa lang ni Taehyung ang nasa bahay. Nagtaka man dahil umalis ito ng walang paalam, kinuha nalang niya ang pagkakataon para makapag isip kung paano niya makakausap si Eye ng hindi siya malalagay sa alanganin.
Sa sobrang kalutangan niya, nawala sa isip niya na wala na pala si Jimin dahil tatlo pa rin ang inihain niya sa lamesa. Nagkagat labi siya para pigilan ang sarili niyang umiyak na naman sa pagalala kay Jimin. Dinamihan pa naman niya ang lagay ng maple syrup duon sana sa para kay Jimin only to realise na hindi na ito makakain pa ng pinaghandaan niya.
Kinain nalang niya ang para kay Jimin sana saka pinuntahan si Taehyung sa kwarto nito para gisingin. Pumasok siya sa kwarto nito at umupo sa tabi ng kama niya. Pinagmasdan niya ang mahimbing na natutulog na si Taehyung bago niya mapansin na may bahid ng luha ang pisngi nito na siyang maingat niyang hinaplos para sana ay punasan subalit dahil dito, nagising si Taehyung.
"H-Hyung. .?" inaantok pa nitong turan.
"Tara na. Breakfast na tayo." isang pilit na ngiti niyang sabi bago tumayo at lumakad palabas ng kwarto nito. Pero bago pa siya tuluyang makalabas ay narinig niya ang sinabi ni Taehyung.
"Si Jim--!"
"Hmm?" nilingon niya ito ng nakangiti ngunit hindi umaabot sa kanyang mata.
"W-Wala, Hyung."
Pagbaba ni Taehyung ay agad niya na itong inaya kumain at habang kumakain sila ng agahan ay hindi maiwasan ni Jin na titigan ang kaibigan. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nakita niya kagabi. Isang buntung-hininga ang pinakawalan niya dahilan para mapatigil sa pagkain si Taehyung at nagaalalang mapatingin sa nakatulalang si Jin.
"Hyung?. . K-Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. Nandito pa ako." makahulugang saad ni Taehyung na nagpipigil ng kanyang iyak lalo pa at napansin niya ang bakanteng upuan ni Jimin. Narealise din niya na ang niluto ni Jin ay isa sa mga favorite ni Jimin.
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Jin bago tumayo sa kanyanh upuan at lapitan si Taehyung. Niyakap niya ito ng mahigpit habang hinahaplos ang kanyang buhok. Yumakap ito pabalik at hindi na napigilan pa ang sarili na umiyak. Kagabi, dala ng pagkabigla at galit sa nangyari sa kanilang kaibigan ay hindi nila agad nagawang umiyak sa pagkawala nito matapos sabihin ni Hoseok ang balitang wala na si Jimin.
Ngayon palang nila unti-unting narerealise na wala na talaga ang kaibigan lalo pa at si Jimin ang high energy palagi sa kanila sa umaga kahit na sabihin pang kulang ito sa tulog.
"Parang ayaw ko na, Tae." wala sa sariling saad ni Jin kaya agad nag angat ng tingin ang kaibigan sa kanya at makahulugan siyang tinignan.
"Pakiramdam ko mali na dinala ko kayo dito. Parang mali na nandito tayo sa puder ni Hobi." dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
TRINITY (BTS AU)
أدب الهواةIn the world of underground society, Trinity is the well-known, powerful and feared group. They follow a strict brotherhood code but not until they meet their downfall. Date Created: September 25, 2021 Date Published: October 01, 2021 Date Ended: S...