TRINITY XLII: COUNTING STARS

58 2 1
                                        

Pagdating nina Prime at Tiger sa location ay nakita na sa hindi kalayuan si Hwasa kasama ang tauhan nito na inaalalayan si Hunter patungo sa naka abang na itim na van sa hindi kalayuan.

"Saan ninyo siya dadalhin?" nagaalalang tanong niya.

Nilingon siya ni Hwasa, "Sa hospital. Baka sakaling maisalba pa ng mga doktor ang buhay ni Hunter."

Bago pa tuluyang makalayo sila Hwasa sa kanilang dalawa ni Tiger at lumapit si Prime sa kanila at marahang hinimas ang pisngi nito, "Huwag ka magalala, Hyung. Ipaghihiganti kita. Ipaghihiganti ka namin ni Eye."

Tumango sina Prime at Hwasa sa isa't-isa bago sila tuluyang tumuloy sa kani-kanilang lakad.

"Napakasama talaga ng Jung Hoseok na iyan! All of these, for what? For what?!" nanginginig sa galit na may kalakasang tanong ni Prime sa kanyang sarili. Tahimik lang na pinapakalma ni Taehyung si Prime dahil alam niya at sisiguraduhin niyang mananalo sila against Hoseok. He was the Joker after all sa laro ng mga baraha.

Umalingawngaw ang isang putok ng baril malapit sa dalawa at namalayan nalang nila na isang bala hindi kalayuan sa kung saan sila nakatayo ang tumama dahilan magkatinginan sila at magtanguan sa isa't-isa na para bang alam nila ang gusto nila iparating sa isa't-isa. Agad nilang binunot ang dala nilang mga baril at naunang tumakbo palapit si Tiger sa isa sa mga kalaban nila para bigyan ng flying kick, hudyat para kay Prime na iputok na rin ang hawak niyang baril sa mga hahadlang kay Tiger o sa kanya.

Samantala, nagkita na sina Jin at Eye. Napagkamalan pa nilang kalaban ang isa't-isa dahil nagkatutukan pa sila ng baril habang nasa kani-kanilang pinagtataguan.

"Joonie!" masayang bungad ni Jin at agad na niyakap si Eye. Bakas sa mukha niya ang takot at pagaalala para sa asawa. Hindi niya na mapigilang maluha sa halu-halong emosyon na nararamdaman niya ngayon ngunit masaya siyang makita ito sa kanyang harapan at humihinga pa. Hindi naman napigilan ni Eye na hindi masaktan ng makita ang reaksyon ng kanyang asawa kaya maingat niyang iniharap ito sa kanya at marahang hinalikan sa kanyang mga labi.

"Stop worrying. Buhay pa ako. Buhay pa tayo." nakangiti nitong saad na kinainis ni Jin, dahilan para hampasin siya nito sa braso.

"Nagawa mo pa talagang ngitian ako ng ganyan?!" suminghot ito at inirapan ang asawa.

"Oo naman. Who knew importante pala ako sa asawa kong tinakbuhan ako?"

"Joonie naman eh! Hindi ka nakakatuwa!" nakangusong tugon nito na nagbabadya na namang umiyak dahil sa asawa niyang nakukuha pang magbiro habang nasa kalagitnaan sila ng pakikipaglaro kay kamatayan este Hoseok.

Kalahating oras palang ang nakakalipas mula ng magsimula ang alingawngaw ng mga baril sa luob ng abandonadong warehouse malapit sa seaport at ang mga hiyaw ng mga tauhan na nalumpo muna ang katawan bago bawian ng buhay dahil sa baril pero pakiramdam ng mga natitirang buhay ay ilang oras na ang nakalipas dahil nagsisimula na silang manghina at maubusan ng balang ipapalit sa nagamit na.

"Jung Hoseok!" sigaw sa galit ni Eye ng makita niya mula sa hindi kalayuan ang pigura ni Hoseok na nakangising nakatayo at naghihintay sa pagdating nila kasama ang iilan sa mga tauhan nito.

"Excellent! You've reached the final level of the game. Wow! What should I say? Hindi ka naman pala ganuon kahina gaya ng ineexpect ko bilang naging boss ka ng Trinity." pangaasar nito hanggang sa makita niya sa tabi nito si Jin, "Would you look at that? Nandyan pala ang dati kong loyal na tauhan. Hello, Jin! I guess ganuon talaga kapag parehas na masamang damo. They flock together at matagal din mamatay." natawa ito sa sarili niyang sinabi habang ang mga tauhan nito parang wala lang at nakabantay sa susunod na kilos nina Jin at Eye.

TRINITY (BTS AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon