TRINITY XXVII: WHOLE HEART

56 4 1
                                    

"Sinusundan mo ba ako?" inis na tanong ni Jimin sa nakasunod sa kanyang si Namjoon. Nagkasalubong sila matapos ang trabaho niya sa isang kliyente.

"H-Hindi ah. Parehas lang tayo ng pupuntahan siguro." palusot ni Namjoon pero hindi siya magaling sa larangang ito kaya agad siyang nahuli ni Jimin.

"Pwede bang huwag mo ako sundan, Eye. Baka may makakita pa sa atin at parehas tayo mapahamak." sita niya.

Ngunit nag kibit-balikat lang si Namjoon.

"Mukhang may iba ka pang pinagtatrabahuan bukod kay Jung."

"Wala ka na duon." inirapan siya nito at mas binilisan ang paglalakad kaso dahil makulit si Namjoon ay nakasunod pa rin ito sa kanya.

"Hindi ka ba talaga titigil ng kasusunod sa akin?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi ka ba talaga titigil ng kasusunod sa akin?"

"Ah, ang sungit mo! Parehas kayo ni Hunter. No wonder kaya magkasundo kayo. S'ya nga pala, bakit parang hindi na kayo nagpapansinan na dalawa? Nag away ba kayo?" diretsong tanong nito.

Napa iwas naman ng tingin si Jimin.

Teka, paano niya nalaman ang tungkol duon? Aish, malamang baka nakwento sa kanila ni Yoongi.

"Bakit hindi si Jin hyung ang kulitin mo kesa ako?" pilit na pagiiba ni Jimin ng usapan. Pilit niya kasing iniiwasan si Yoongi dahil pakiramdam niya nagkasala siya ng malaki dito dahil sa nangyari sa kanila ni Hoseok.

Sa katunayan, hindi coincidence na nagkita si Namjoon at Jimin. Mula ng mapansin ni Namjoon ang kakaibang kinikilos ni Hunter ay pati si Silver ay pinababantayan na rin niya sa mga tauhan niya at kaya siya nandito ngayon ay para kumbinsihin ito na kausapin na ang kaibigan. Pakiramdam niya kasi kapag natuluy-tuloy si Yoongi sa ginagawa niya ngayon ay maaaring bumagsak ang isa sa haligi ng Trinity kaya handa siyang gawin ang bagay na hindi dapat sa isang itinuturing nilang kalaban nila.

If Yoongi's happiness is with the enemy, he's willing to give it to him.

"Oi, Oi! Saan mo ako dadalhin?" may kalakasang tanong ni Jimin kaya ang iilan sa mga taong nakasalubong nila ay napatingin sa kanila.

"Kay Hunter."

"At bakit mo ako dadalhin sa kanya? Hindi ko naman siya kamag anak at mas lalong hindi naman duon ang bahay ko."

Napabuntung-hininga si Namjoon. Hindi niya inexpect na ganito kahirap i-handle si Silver. Napa imaginary salute nalang si Namjoon sa kaibigan sa paraan kung paano niya napaamo ito.

"Okay, here's a deal. Hindi kita dadalhin kay Hunter kung hindi ka mageenjoy na kasama ako."

Agad naman na lumukot ang mukha ni Jimin at bahagyang napalayo sa kanila. Napalunok din ito sa takot at biglang nag flash sa utak niya ang sandali ng gabing iyon ng kasama niya si Hoseok. Hindi niya namalayang nanginginig na pala siya sa takot at kita iyon ni Namjoon.

TRINITY (BTS AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon