TRINITY XV: MEET ME AT OUR SPOT

58 4 1
                                    

JIMIN POV

"Hyung! Tatlong buwan na tayong nakakulong dito sa bahay ni Hobi hyung!" maktol ko na naka cross arms pa at naka pout na nakaupo sa couch dito sa living room.

"Chim! Don't make it such a big deal and fyi, hindi tayo mga preso para sabihin mo na nakakulong tayo. Pinag iingat lang tayo ni Hobi. You never know baka mamaya bigla nalang dukutin ang isa sa atin kapag lumabas tayo ng walang paalam. Alam kong nabo-bored ka na at gusto mo ng lumabas pero unting tiis nalang, Chim. Makakalabas na rin tayo." tugon ni Jin na prente lang nakaupo at umiinom ng ginawa niyang lemon juice. Kakatapos lang kasi namin mag training. Like, duh? Seryoso ba? Pinagte-training pa kami eh as if namang baguhan lang kami sa ganitong larangan. Pfft.

"Oo nga, Chim. Saka paglabas natin, may grand entrance tayo, remember pababagsakin natin ang Trinity." dagdag ni Tae na nag flex pa ng biceps niya. Tsk, tsk.

Hindi nalang ako umimik at inubos ang natitirang juice sa baso ko at lumakad paakyat para tumambay sa kwarto ko.

Tsk. Ako nalang yata sa amin ang nasa matino pang pag iisip or so I thought?

I mean, oo nga sinabi at pumayag akong tutulong na pabagsakin ang Trinity dahil kay Hyung, para makabayad ako ng utang ng luob sa pagtanggap niya sa akin at bilang kaibigan nila ako ni Tae pero kasi lately. . . Ugh!

Ang weird din kapag nakikita kong flirty si Hobi hyung kay Jin hyung at minsan kay Tae. I mean, ewan ko. Or baka ganuon lang talaga si Hobi hyung kasi minsan ganuon siya sa akin at sinasakyan ko lang kasi ayaw ko naman maging KJ. Hay, ewan.

Hindi ko alam gaano ako katagal tumambay sa luob ng kwarto basta narealize ko nalang na kinakatok na ni Tae ang pinto ng kwarto ko para ayain akong kumain ng dinner. Teka, parang halos wala pang ilang oras 'yung pagtambay na ginawa ko dito ah?

"Kain na." nakangiting sabi ni Hyung. Nasa long table kami at si Hyung nakapwesto sa kanan ni Hobi hyung samantalang si Tae naman ang nasa kaliwa niya at ako naman ang nasa kaliwa ni Tae.

"So, Hobi hyung kailan ang time to shine namin? Si Chim excited na excited ng lumabas!"

"Talaga ba, Chim?" nakangiting tanong ni Hobi hyung kaya napa angat ako ng tingin. Ewan ko ba, hindi lang siguro ako sanay pero ang cringe kapag galing sa bibig ng ibang tao ang palayaw ko na iyon.

"H-Hindi, hyung! Si Tae talaga iyon!" tugon ko at pinanlisikan ng mata si Tae na kinatawa lang niya.

"Hayaan mo, malapit na kayong makalabas ulit at magpakita sa Trinity. Magpapakita kayo sa kanila when they least expect it. And knowing how they're all head over heels to each of you, mapapabagsak agad natin sila." saad ni Hobi hyung at hindi nakaligtas sa paningin ko ang ginawa niyang paghawak sa kamay ni Hyung. Pinigilab ko ang sarili ko na mapataas ang kilay at pasimpleng tumingin kay Tae na naka kagat lang sa kanyang labi.

Ugh, ano bang nangyayari sa mga ito?

Kailangan ko na talaga makalabas-labas sa bahay na ito may permiso man nila o wala. Bahala sila d'yan. Pfft.

Sapat na sa akin ang tatlong buwan na namalagi kami dito para malaman ko kung saan parte ng bahay ang may cctv. Medyo nahirapan ako ng una kasi tago talaga ito pero nahanap ko rin pati ang room kung nasaan ang mga medium sized tv kung saan narerecord ang bawat galaw namin kaya alam ko kung saan ako hindi dapat na dumaan mamaya.

"Oh Chim, gising ka pa?" muntikan ko ng mabitawan ang cellphone ko sa gulat ng magsalita si Hobi hyung malapit sa akin. Napalunok ako na parang may bumarang bato sa lalamunan ko.

"U-Uh, oo. Hindi ako makatulog, Hyung. Nagbabasa lang muna ako sa wattpad. Baka sakaling maantok ako." nakangiti ngunit naiilang kong sagot. Pinagmasdan ko ang nakatalikod niyang pigura sa akin at abalang nagsasalin ng alak sa baso.

TRINITY (BTS AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon