"I'm really sorry, Hunter." muling paghingi ng paumanhin ng tauhan niya na tumawag sa kanya sa kalagitnaan ng time niya na kasama si Silver.
Hindi umimik si Hunter at naglakad lang kasunod ang ilan sa mga tauhan niya hanggang sa makarating sa isang kwarto kung saan naghihintay ang isa pa niyang tauhan na may hawak na purple envelope.
Agad siyang naupo sa pang isang taong couch at inabutan ng whiskey. Inisang lagok niya ito bago inabot sa kanya ang envelope. Tinignan niya ang nag abot nito at nakakuha ng isang tango.
Bahagya siyang humigop ng kakaunting hangin bago ito marahan na pinakawalan na para bang naninigarilyo siya. Hindi man ipakita ni Hunter ay kinakabahan siyang tunay sa hawak niyang envelope ngayon.
Ito ang nakita niyang pinaka importanteng bagay na nilalaman ng pinag aagawan nilang kwintas na flashdrive na siyang binigay niya kay Silver, na hindi alam ng isa na nabawasan na ng files dahil binuksan niya ang laman nito habang nagpapahinga ang isa dahil sa pagod sa paniniig nila. Napangiti si Hunter ng maalala ang gabing iyon.
Hindi importante sa kanya ang ibang nilalaman ng files na nanduduon dahil puro assets lang naman nila ang nanduon na siyang inilagay ng isa sa mga tapat na tauhan ng Trinity na siyang pinagpasa-pasahan na para protektahan ang nasabing grupo at mga leader nito kaya nga lang, ang nagiisang file na iyon ang siyang pumukaw ng atensyon niya.
File iyon tungkol sa pamilya ni Namjoon. Pinagtaka niya ito dahil walang tungkol sa kanila ni Jungook. Kaya ginawa niya ang isang decision na delikado para sa kanya at sa grupo. Ang burahin ito sa flashdrive na hawak ni Jimin at alamin ang dahilan kung bakit ito kasama sa nasabing flashdrive na iniingatan ng matagal ng kung sino man ang makahawak nito.
At oo, nilihim niya ang tungkol sa bagay na iyon kina Jungkook at lalo na kay Namjoon. Sinigurado niyang bago niya inabot sa kanila ang flashdrive ay wala na duon ang tungkol sa natuklasan niyang mahalagang file at inilapat na sa kanyang laptop.
Wala na siyang pinalagpas pa na segundo at tuluyan ng binuksan ang envelope. Napalunok siya ng makita ang tungkol sa mga magulang ni Namjoon at kapatid nito at ang tungkol sa nangyari nuon na patayan ilang taon na ang nakakaraan which leads to today's date na sila na ang namumuno sa Trinity. Hindi niya mapigilan na hindi mapangisi ng makita ang family picture ng pamilyang Kim. Hindi niya napigilang matawa ng makita niya ang hitsura ng kaibigan nuong bata pa. Sobrang nerd nito tignan dahil nakasalamin pa ito. Tama nga na 'Eye' ang naging alias nito dahil kahit ng mga bata pa sila, sa mga mata ka niya unang mapapatingin. Paano ba naman kapag nakasalamin ito pagkakamalan mo siyang clown fish dahil sa suot niyang makapal na salamin.
Sa sumunod na litratong nakita niya ay napangiti siyang tunay. It was a warm and overwhelming smile. Hindi niya akalain na sa luob ng maraming taon makikita pa pala niya ang litratong iyon bukod sa matinong family picture ng pamilyang Kim na nasa Headquarters nila. It was a picture of Namjoon's sibling, and a picture of him holding the baby habang si Namjoon naka kunot ang nuo na nakatingin sa kanya, probably thinking na baka kidnapin nito ang kapatid niya.
Well, at the time, who wouldn't? Namjoon's sibling was so adorable.
Bigla tuloy itong may naalala.
"Woah, so cute! What's her name?"
Kakauwi lang ng pamilyang Min mula sa Germany kaya naman isang buwan na ang nakalipas bago nito nakita ang kapatid ni Namjoon.
Agad na ngumuso si Namjoon at niyakap ng mahigpit ang kapatid kaya bahagya itong gumalaw at nagbadyang iiyak.
"Yah! You're hurting her!" sita ni Yoongi at muling nilapitan ang kapatid nito para marahang haplusin ang matabang pisngi nito.
"No touch or I'll punch you in the face!" banta ni Namjoon. Napanguso naman si Yoongi bago ito napangisi ng may naisip na kalokohan.
BINABASA MO ANG
TRINITY (BTS AU)
FanfictionIn the world of underground society, Trinity is the well-known, powerful and feared group. They follow a strict brotherhood code but not until they meet their downfall. Date Created: September 25, 2021 Date Published: October 01, 2021 Date Ended: S...
