TRINITY VI: RUNAWAY BABY

108 7 1
                                        

"Chim! Sige na! Kahit daan lang! Please? Please! Please!" pagmamakaawa ni Taehyung kay Jimin habang naglalakad sila sa quadrangle papasok sa kani-kanilang mga klase.

"Ayaw ko nga! Ano ba iyang kalokohan mo, Tae! Bakit kasi hindi mo nalang sabihin d'yan sa nanggugulo sa iyo na lubayan ka?" inis na ismid ni Jimin.

"Ginawa ko na, Chim pero sadyang sing tigas ng coconut ulo niya kaya sige na please! Tulungan mo na ako! Ililibre kita ng kahit na anong gusto mo basta tulungan mo lang ako!"

Isang buwan na rin ang nakalipas mula ng mag bakasyon silang tatlong magkakaibigan sa resort at gaya ng mga naunang misyon ng dalawa ay walang naka bisto sa kani-kanilang mga ginawa kaya balik sa normal ang lahat. Ngayon nga ay pinipilit ni Taehyung si Jimin na magpanggap bilang babae sa pinapasukan niyang part-time job dahil maka ilang beses na siyang kinukulit ng isang gwapong binata na nahulog sa kanyang angking kagandahan este kagwapuhan.

"Eh bakit kasi hindi ka nalang kumuha ng tunay na babae tapos pag panggapin mo na girlfriend mo?"

"Chim! Alam mo namang hindi pwede at ayaw ko 'no kaya nga ikaw itong kinukulit ko eh. Sige na." nakangusong paawa ni Taehyung na ang mga mata animo ay sa asong nagpapa awa sa kanyang amo at dahil mahina si Jimin sa mga ganito ay wala siyang nagawa kundi um-oo.

"O'sya, sige. Payag na ako! Basta literal na dadaan lang ako tapos aalis na ako duon sa venue at hihintayin nalang kita sa ibang lugar para may kasama ka pauwi at hindi mag alala si Hyung."

"Yes! Yes! Yes! Thank you, Chim! I love you!" masayang sabi ni Taehyung at agad na niyakap ng mahigpit si Jimin.

Napabuntung-hininga nalang si Jimin habang naglalakad papunta sa kanyang klase. Iniisip kung anong kalalabasan ng pagpapanggap niya bilang isang babae at 'girlfriend' ni Taehyung sa taong nanggugulo di umano sa kaibigan.

Sa buong klase ay nakatulala lang siya at nakatingin sa kawalan. Panaka-naka din ang panunuod niya ng mga make-up tutorial sa youtube sa gagawin niyang pagco-crossdress. Dapat maging kapani-paniwala ang pagpapanggap niya para tuluyang ng malubayan si Taehyung ng nanggugulo sa kanya.

Talaga bang magco cross dress ako?

Ano ba kasi hitsura ng nanggugulo kay Taehyung? Sira ba ulo nu'n at hindi maka intindi na ayaw sa kanya ng kaibigan niya?

May makakakilala kaya sa akin duon?

Marahas na umiling-iling si Jimin sa mga pumapasok na katanungan sa isip niya kaya para maiba ay nag isip nalang siya kung anong klaseng wig ang isusuot niya.

Anong kulay kaya ang bagay sa akin? Blue? Pink? Purple? Hmm. . .

Isang oras na maaga sa oras ng tapos ng klase ni Taehyung ang kay Jimin at dahil dito ay kinuha ni Jimin ang pagkakataon para mabili ang kailangan niya sa pupuntahan nila mamaya.

Pagpasok niya sa luob ng department store ng mall ay makailang beses siyang nilapitan ng sales lady para sana tulungan ngunit makailang beses din siyang nagsinungaling na hindi para sa kanya ang tinitignan niya kundi para sa kaibigan na magdiriwang ng kaarawan nito sa susunod na araw o buwan. Kapani-paniwala nga ang sinasabi niya sa sales lady na tumatangu-tango nalang na may ngiti sa kanyang labi.

Sa huli ay walang nabili si Jimin maliban sa platinum blonde wig na nirekomenda sa kanya dahil halos kaparehas ito ng kulay ng kanyang buhok ngayon at iyon din ang dahilan kung bakit napapayag siyang bilhin ito. Ang natitirang problema nalang ay kung bibili siya ng make-up o hindi dahil aminin man niya o hindi, hindi siya marunong sa ganito.

At matapos ang halos isang oras na pagde decide ay sa wakas napagpasyahan niyang magpa make-up nalang sa isang salon. Bahala na kung anong sabihin ng mga makakakita basta matupad lang ni Jimin ang naipangako niya kay Taehyung.

TRINITY (BTS AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon