TRINITY XIV: PIECE OF YOUR HEART

53 6 2
                                    

Isang buwan na ang nakakalipas mula ng mangyari ang insidente sa pagitan ng Trinity at ng tatlong magkakaibigan na sila Jin pero hanggang ngayon, mula ng nagbigay ng utos si Namjoon sa lahat ng tauhan niya mapaluob o labas man ng South Korea ay ni isang balita kung nasaan ang kanyang asawa at ang dalawa nitong kaibigan na interes nina Hunter at Prime ay wala man lang siyang nakuha. Ayaw niyang isipin na baka mas pinili nalang ng mga itong magpakamatay kesa ang mabuhay at mapunta sa mga kamay nila ng kaibigan niya.

Hindi. Hindi iyon gagawin ni Jin at sigurado siya duon lalo pa at ang alam nito ay siya ang nagpapatay sa pamilya nito.

Nasa HQ siya ngayon ng Trinity kasama sina Hunter at Prime.

Si Hunter na abala sa kung ano mang ginagawa niya sa kanyang laptop, at si Prime na kanina pa nakatitig sa kanyang cellphone. May nakalatag na alak sa center table pero para itong tubig na hindi pinapansin ng kahit sino sa kanilang tatlo.

Tumayo si Namjoon sa kanyang kinauupuan at pumunta sa isa sa mga kwartong nanduduon. Napabuntung-hininga siya ng makapasok siya sa luob ng piano room at madako ang tingin niya sa malaking cabinet na nanduduon na may mga nakapatong na picture frames sa ibabaw. Kasama na duon ang picture nilang dalawa ng kanyang asawa na si Jin ng araw ng kanilang kasal. Kinuha niya ito at pinagmasdan maigi ang mukha ni Jin kahit na halatang walang emosyon ito sa litrato at sa kanya naman ay kabaligtaran ng araw na iyon. Hinaplos niya ang pisngi nito na parang totoong kaharap niya ito ngayon. Napakagat siya sa kanyang labi. Pinipigilan ang kanyang sarili na maluha.

"Jin." bulong niya sa kanyang sarili, "Ganuon ba kalaki ang galit mo sa akin at kahit katiting na pagmamahal ay wala kang naramdaman sa akin sa luob ng isang taong pagsasama natin? At sa ilang taon na nagkawalay tayo sa isa't-isa?"

Matapos ang ilang minutong pagtitig at pagsama ng luob niya sa hawak niyang wedding picture nila ay binalik niya ito sa pwesto nito at sunod namang dumako ang litrato niya sa isang family picture.

Ang apat na orihinal na pinuno ng Trinity bago may isa sa mga ito ang sumira ng samahan na kinahantungan ng alitan at pagkamatay ng ilan sa kanila at ngayon, sila nalang tatlong magkakaibigan ang nagtutuloy ng naiwang pamumuno ng kanilang magulang.

"Tinitignan mo na naman iyan." saad ni Hunter na tumabi sa kanya at tinitigan din ang hawak niyang litrato, "I mean, naiintindihan ko naman. Nakaka miss may uwiang pamilya."

"Tatlong taong mahalaga sa akin ang nawala na. Hindi ako papayag na pati si Jin na tinuring kong pamilya ko na, mawawala pa."

"Ouch, so hindi pala kami mahalaga ni Prime sa iyo, Eye?" panunuksong tanong ni Hunter sa kaibigan.

"Masamang damo kayo kaya hindi kayo agad mamamatay." sarkastikong tugon ni Eye at binalik ang hawak niyang frame sa pwesto nito bago lumakad palabas ng piano room na siyang sinundan ng nakapamulsang si Hunter.

"Ano ba iyan, Prime! Hindi ka ba nagsasawang titigan iyang pagmumukha ni Tiger?" pang aasar ni Hunter pagkaupo niya sa couch habang nagsasalin ng alak sa kanyang baso.

"Fuck off, Hyung! Ikaw nga eh, akala mo hindi ko alam pero 'yung mga tauhan mo halos hindi mo na pauwiin kakabantay sa university nila Silver para lang makidnap mo siya." tugon ni Prime at tumingin kay Eye na nakangisi namang nakatingin na kay Hunter.

"May atraso siya sa akin, okay? I was once his target before kung hindi lang siya nagmintis ay baka hindi ninyo na ako kasamang umiinom ngayon dito." sagot nito at inisang inom ang alak sa kanyang baso. Ngunit deep inside ay hindi lang dahil duon ang dahilan kung bakit gusto niya itong makuha na. Hindi lang para turuan ng leksyon at ipakilala kung sino ang binangga nito kundi dahil, gusto niyang makuha ito sa ayaw man nito o gusto ang pagkalalaki nito. Napangisi siya at hindi maiwasang makaramdam ng kakaibang init sa isiping nasa ilalim niya ito at nagmamakaawa.

"Tsk, atraso your face! Eh bakit mo siya pinapadalhan ng mga mamahaling regalo, sige nga?!"

"First of all, hindi ko pa alam na si Silver at Jimin ay iisa. I asked this shit," sabay turo kay Eye, ". .To give me details about him but he didn't include on the said details that he was Silver. Second, why do you care if I give him gifts? You like him?" taas kilay na tanong ni Hunter.

"But to what I remember, horny boy, you call Silver 'your baby', right?" nakangising saad ni Eye.

"And what if I do?" mapang asar na tanong ni Hunter.

"You can have him but right after me, of course. Unahin mo muna si Tiger, but as to what I also remember, me and Tiger already met before and boy, did I tell you we almost make out?"

"A-Anong sabi mo?" agad na napatayo si Prime sa kinauupuan nito at ready ng makipag buno kay Hunter na ngayon ang prente lang na nakasandal sa couch at nakangisi.

"What's the prob, Prime?" mapang asar na tanong ni Hunter.

"You two, stop it." pagitna ni Eye na ngayon ay nakatingin sa isa sa mga tauhan niyang lumalakad papunta sa pwesto nila kaya agad ding napatingin sina Hunter at Prime sa tinitignan niya.

Inabot nito ang brown na envelope na hawak ng tauhan niya.

"Confirmed, Eye. Hindi pa sila patay. May nakalap kaming impormasyon na nasa pangangalaga sila ng taong nagngangalang Hobi. May koneksyon siya sa gobyerno pati na rin sa undergound."

Napatingin si Eye sa kanyang tauhan kaya nagpatuloy ito sa pagsasalita habang binabasa ang nakalagay sa luob ng brown na envelope.

"Si Hobi ang isa sa anak ng orihinal na pinuno ng Trinity."

Awtomatikong kinuyom ni Namjoon ang kamao niya sa galit. Halos mamuti na ang knuckles nito. Samantalang nagkatinginan naman sina Hunter at Prime at halata ring hindi nagustuhan ng mga ito ang narinig sa sinabi ng kanilang tauhan.

Maya-maya ay narinig sa buong mansyon ang tawa ni Namjoon. Isang klase ng tawa na puno ng galit at sakit.

"Sinusubukan talaga ako ng traydor na iyan." sigaw ni Namjoon at pagtayo nito ay agad nitong hinagis ang bote ng alak sa kung saan man na nag bunga ng malakas na tunog, hudyat na nabasag ang bote at nagkapira-piraso.

"Eye." pagtawag ni Prime sa kanya ngunit parang hindi siya nito naririnig at masama ang tingin sa isang direksyon na para bang duon nakatayo si Hoseok.

"Kung ganuon, impossibleng hindi niya ito pinlano." natatawang sabi ni Hunter, "Hindi pa rin siya nagbabago. Maduga pa rin siya kalaro. Tsk, tsk. Masaya ito. Excited na akong makipaglaro ulit sa kanya pero this time, makukuha ko ang premyo ko."

------------------------------------------------------

A/N:

Posted: March 03, 2022 at 03:00 AM

Oh shoutout sa mga maduga maglaro d'yan ng mga bata pa. Tsk tsk. Akala ninyo ba nakalimutan ko kayo? Syempre hindi! Hahaha.

Kitakits sa sunod na update mga ka-Trinità. Remember, coraggio - lealtà - intelligenza.

TRINITY (BTS AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon