"Where are you going?" takang tanong ni Hwasa ng makita niyang tumayo si Yoongi sa kinauupuan nila at parang wala ito sa mood.
Hindi ito sumagot sa tanong niya at dahil nagaalala siya sa biglaang pagbabago ng mood ng ka-date niya ay balak niya sana itong samahan pero pinigilan siya nito at bakas sa mukha niya ang tinitimpi niyang galit. Hahawakan niya sana ito para pakalmahin ngunit agad nitong nilayo ang sarili sa kanya.
"Stay here. Don't follow me. You're not a dog." walang emosyong sabi nito at agad na lumakas palabas ng venue.
Nagngi-ngitngit naman sa galit si Hwasa dahil sa sinabi ni Yoongi sa kanya dahil pakiramdam niya ay napahiya siya at wala na siyang epekto dito hindi tulad nuon. Nakadagdag pa sa inis niya ang hagikhik ni IU na hindi naman niya masasabing kaibigan niya at maihahalintulad naman ang katayuan niya sa lalaking gusto nito.
"Tumigil ka nga d'yan! Baka nakakalimutan mo, iniwan ka din ni Jungkook." saad nito na may pag irap.
Agad namang bumusangot ang mukha ni IU sa sinabi ni Hwasa.
"Hindi naman niya ako iniwan. Baka may biglaang tumawag lang sa kanya about business."
"Sigurado ka ba d'yan?" nakangising tanong ni Hwasa dahil nakita niya kanina si Jungkook na hatak-hatak si Taehyung.
"Oo, bakit? Anong pinupunto mo? Na may baka iba ng nagugustuhan si Jungkook? Well, hindi ko naman siya masisisi kung lapitin siya ng kung sinu-sino pero mawalang galang na sa iyo kasi kung hindi mo alam, isang acting ko lang, sa akin pa rin siya babagsak eh yung iyo?" nakangising tugon nito.
Natigil ang pasimula na sanang away nina Hwasa at IU ng biglaang marinig nila ang masayang halakhak ni Jessi na siyang hinatid ni Namjoon sa kanilang mesa.
"Iwan ko muna kayo, ladies. I'll get you guys something to drink. What do you want?" tanong nito na nakatingin kay Jessi na may ngiti sa kanyang labi but of course, only Namjoon knows it's not genuine and only acting para lang pagselosin si Jin - ang asawa niya.
Tumango si Namjoon matapos makuha ang gustong inumin ng tatlong babae at lumakad papunta sa lokasyon ng bartender. Pasimple siyang tumingin sa paligid at nagtaka na kalaunan ay pinagsawalang bahala nalang din niya ng mapansing nawawala sina Yoongi at Jungkook na malamang sa malamang kung hindi man ginagawa ang tunay na pakay nila dito ay nakikipag makeout na sa dalawang taong alam niyang nawawala din ngayib sa luob ng venue.
"Talagang ang hilig mong kunin ang mga bagay na akin 'no?" maangas na saad ni Hoseok na lumapit sa pwesto niya habang hinihintay ang inorder niyang drinks ng tatlong babae na nasa hindi kalayuan at busy na naguusap.
Napangisi naman siya.
"Shouldn't I? I think it's only fair for me to take what was previously yours if you take something from mine too, right?"
Nagsalubong ang kilay ni Hoseok bago mapaglarong gumanti ng ngisi sa kaharap.
"Oh, you mean your husband that didn't love you even an inch of his life? Oh yeah, what a pity especially na ako ang pinili ng asawa mo at hindi ikaw."
Napalunok si Namjoon habang dahan-dahan at malalim ang ginagawa niyang paghinga. Ayaw niyang gumawa ng eksena sa ganitong kataong lugar.
"You're lucky I'm with Jessi right now dahil kung hindi wala akong paki kung mamatay ka sa harap ng mga taong nandirito ngayon sa party kaso ayaw ko namang sa huling sandali ng buhay mo makikita mo lang siyang matatakot at yayakap sa akin dahil sa nangyari pero hinding-hindi siya lalapit sa iyo kasi ako ang pinili niya kesa sa iyo, right?" nakangiting bulong niya kay Hoseok habang mahigpit na hawak ang balikat nito at iwanan siya sa pwesto niya para bumalik kila Jessi.
BINABASA MO ANG
TRINITY (BTS AU)
Hayran KurguIn the world of underground society, Trinity is the well-known, powerful and feared group. They follow a strict brotherhood code but not until they meet their downfall. Date Created: September 25, 2021 Date Published: October 01, 2021 Date Ended: S...