TRINITY III: COLD START

112 8 6
                                    

TAEHYUNG POV

"Chim! Tae! Ano na? Hindi pa ba kayo bababa d'yan? Pupuntahan pa natin 'yung sa rent-a-car para sa nirentahan nating sasakyan! Bibiyahe ba tayo papunta duon sa resort! Ano ba?" talak ni Hyung mula sa sala at kahit nasa second floor ang kwarto namin ay dinig na dinig namin siya ni Chim.

"Pababa na nga, Hyung! Saglit lang!" sigaw ni Chim pabalik samantalang ako nauna ng lumabas ng kwarto namin. Nagsusuklay pa kasi si Chim at parang hindi pa siya kuntento sa hitsura ng buhok niya. Kailangan perfect iyon sa paningin niya. Ika nga niya, perfect hair means perfect day. Ewan kung saan niya nakuhang baul iyang quote na iyan.

"Buti naman at bumaba ka na, Tae. Nasaan si Chim?" tanong niya habang nilalapag sa lamesa ang mga niluto niya. Share ko lang na masarap magluto si Hyung kaya kung ako ang tatanungin kung naging babae lang siya ay sasabihin kong, "Oo! Pwede na siya mag asawa!" pero hindi at kahit feminine kumilos si Hyung ay never kong narinig sa kanya na mag open ng topic tungkol sa pag aasawa sa amin o siya mismo na may natitipuhan siyang lalaki or babae? Hahaha. Not sure kasi hindi naman niya sinasabi sa amin or inaamin kung anong sexuality niya thou para namin siyang Eomma kahit na Hyung ang tawag namin sa kanya.

"Nasa itaas pa, Hyung. Inaayos pa buhok niya." nakangiti kong sabi at umupo na sa hapag at halos maglaway ako ng ilapag ni Hyung sa harap ko ang pagkain ko.

"Thank you, Hyung

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Thank you, Hyung."

"You're welcome, Tae." nakangiti niyang tugon sa akin and in a snap bigla na namang nag Eomma mode si Hyung at pumunta sa ibaba ng hagdan at duon nagsisisigaw, "Hoy, Chim! Anong oras na! Tigilan mo na pagaayos d'yan sa buhok mo! Maganda ka na kaya di mo na kailangan iperfect iyang buhok mo! Bumaba ka na dito at ng makakain tayong tatlo!"

Napangiti ako ng makarinig ako ng mga yabag ng paa pababa ng hagdan at bago pa ako makalingon sa kanila ay narinig ko na ang boses ni Chim.

"Aish, Hyung naman eh! Ang tagal kong inayos itong buhok ko!" parang iiyak na sabi ni Chim at napatawa ako ng nakabusangot siyang umupo sa tabi na siyang sinundan ni Hyung na ginulo ang buhok niya.

"Magtigil ka, Park Jimin! Hindi mo kailangan mag ayos ng sobra. Maganda ka na kaya ano pang wino-worry mo? Isa pa, kasama ninyo naman ako. Ako yata ang Worldwide Handsome kaya sa akin sila unang mapapatingin at hindi sa inyo." proud na sabi ni Hyung sa amin na kinailing namim bago kami nagsimulang mag breakfast.

But that's true thou. Magandang lalaki si Hyung. Nagtataka nga ako bakit wala pang nakaka discover sa kanya na agency para maging isang idol o model o kaya artista! Pero siguro iyon ay dahil kapag nasa labas si Hyung, mapagkakamalan mo siyang manang na nerd sa ayos niya. Ewan ko ba bakit ganuon siya manamit kasi kapag nandito naman kami sa luob ng bahay, ang ayos-ayos niya tignan.

Matapos naming mag breakfast ay ako na ang nagprisenta na maghuhugas ng pinagkainan namin habang nagbibihis si Hyung at si Chim naman ay nagaasikaso sa mga dadalhin niya sa biyahe namin.

TRINITY (BTS AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon