TRINITY XXVI: I LOVE YOU SO BAD

54 6 1
                                    

"Chim? Hindi ka ba sasabay sa amin mag dinner?" tanong ni Taehyung na naka dungaw sa pinto ng kwarto ni Jimin at pinagmamasdan ang nakatalukbong na kaibigan sa kama nito.

"Hindi. Mauna na kayo." tugon nito in the most coldest tone as possible. Napabuntung-hininga nalamang si Taehyung at marahang lumakad papunta sa kaibigan. Umupo ito sa gilid ng kama at nagaalangan na hinaplos ang ulo ng kaibigan.

"Jimin, ano bang nangyayari?" halos pabulong nitong tanong.

Umiling lamang si Jimin at ngumiti ng mapait na may kasamang luha ngunit hindi ito alam ni Taehyung.

"Ayos lang ako, Tae. Sige na bumaba ka na duon. Huwag mong iwan mag isa si Jin hyung."

Isang malalim na buntung-hininga ulit ang pinakawalan ni Tae nguniy bago siya tuluyang iwan anh kaibigan ay pinatakan niya ito ng halik sa ulo nito.

"Miss na kita."

Nang marinig ni Jimin na sumara na ang pinto ng kwarto niya ay inalis niya agad ang talukbong niya at pinunasan ang mha luha niyang walang awat sa pag agos. Nanghihina siyang tumayo at lumakad papunta sa cr at pinagmasdan ang sarili niya sa harap ng salamin.

Nag igting ang panga niya at natawa sa repleksyon niya sa salamin habang marahas na hinahaplos ang leeg, braso at dibdib niya na para bang may tinatanggal siya na kung ano sa sarili na hindi visible sa kanyang paningin. Sinabunutan niya ang sarili ng hindi niya magawang tanggalin ang pilit niyang tinatanggal. Napatigil lamang siya ng marinig niyang tumutunog muli ang kanyang cellphone kaya inis siyang lumakad pabalik sa kamay at kinuha ito. Nang makita niya ang number na rumehistro sa caller ID ay agad siyang napamura at hinagis ito sa pader.

"Tumigil ka na, please." napaluhod si Jimin habang nagmamakaawang sinasabi ang mga salita na iyon na para bang nasa harap lang niya kausap.

Isang buwan na mula ng mangyari ang insidente ay biglang nag iba si Jimin. Hindi na ito ganuon ka lively tulad ng dati at mas lalong nawawala ito sa mood o nagzo-zone out kapag na sa paligid si Hoseok. Namumuo ang galit sa kanya sa tuwing makikita niya ito at umaakto na parang walang ginawa sa kanya ngunit para hindi magkaruon ng paghihinala ay nilulunok nalang niya ang galit niya at ngumingiti sa mga kaibigan but Tae and Jin knows something's wrong with him nguniy hindi nila ito matanong dahil either iiwasan ito ni Jimin o magagalit at ayaw ni Jin na mag away sila at magkasamaan ng luob kaya hinahayaan nalang nila peri hindi ibig sabihin ay hindi sila nagaalala sa kanya.

Lalo pa at ng sumunod na misyon nila ay masyadong nagiging brutal si Jimin sa mga nakakaharap nila at ni hindi ito makakilos ng maayos sa harap ng Trinity ng muli nila itong makasalamuha. Lalo pa ng mas pinili ni Jimin na makipagpalit kay Taehyung ng target imbis na kay Hunter dapat siya ngunit pinili nito si Prime. Nagaalangan man ay hinayaan nalang nila.

Oo nga at nananalo ang grupo nila sa Trinity pero hindi lagi ngunit magka ganuon man, manalo man sila sa araw na iyon ay parang ang kapalit nuon ay lalong pagiging aloof ni Jimin sa kanila.

Sinubukan ito ikonsulta ni Jin kay Hoseok pero sinabihan lang siya nito na baka nago-overreact lang silang dalawa ni Taehyung dahil wala itong nakikitang kakaiba kay Jimin.

Makalipas ang ilang minuto ng tumigil si Jimin sa pag iyak ay lumakad siya papunta sa kung direksyon kung saan niya binato ang kanyang cellphone at tinignan kung gumagana pa ito. Agad niyang binura ang missed calls at text messages na natanggap niya mula sa pamilyar na numero ng hindi man lang ito binabasa hanggang sa may isang unknown number ang nagtext sa kanya na hindi niya pa nababasa na siyang walang pagdadalawang isip niyang binuksan. Napangisi siya ng mabasa ang nilalaman nito at agad na lumingon sa pinto. Agad siyang nag asikaso at hinarangan ng drawer ang pintuan ng kanyang kwarto kahit naka lock ito.

TRINITY (BTS AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon