TRINITY V: I DO NOT WANT TO TALK

73 7 1
                                    

JIN POV

Nagising ako sa masarap kong tulog ng may narinig akong mga sigawan mula sa labas ng unit kung saan kami naka stay na tatlo nina Chim at Tae. Teka, ano bang nangyayari?

Kinusot ko muna ang mga mata ko bago bumangon sa kama at lumabas sa kwarto ko. Lalabas na sana ako ng pintuan kung saan kami naka room ng biglang may sumigaw na sa tingin ko ay awtoridad at inutusan kami na walang lalabas sa mga kwarto namin.

Kinabahan ako at puno ako ng pagtataka. Anong nangyayari? 

Kinatok ko ang pintuan ng kwarto nina Chim at Tae para gisingin sila. Syempre may emergency kaya kailangan ko itong gawin kahit na ayaw kong magising sila sa masarap nilang mga tulog. 

"H-Hyung?" sabay nilang sabi habang nagkukusot ng mga mata at humihikab papunta sa kinatatayuan ko.

"Aalis na ba tayo?" inaantok pa na tanong ni Tae sabay muling humiga sa mahabang couch samantalang si Chim naman ay sumiksik sa kanya at yakap-yakap ang dala nitong unan. 

"Anong oras na ba?" tanong namin ni Chim. 

Saka ko lang narealized, oo nga. Anong oras na ba?

Napatingin ako sa wall clock na nanduon at 2 AM na pala ng madaling araw pero ano 'yung komosyon na nangyayari sa labas? 

"May narinig kasi akong nagsisigawan kanina kaya nagising ako tapos ng lalabas na ako nitong kwarto natin, may nag utos naman na wala daw lalabas ng mga pintuan nila." kwento ko sa kanila pero mukhang hindi iyon nagsisink-in sa dalawang ito dahil antok na antok pa rin sila. 

Wala pang halos 30 minutes ay may narinig akong kumakatok sa bawak pintuan na nandito sa resort at pati 'yung amin ay damay. Nagulat man pero cinompose ko ang sarili ko at alanganing ngumiti sa police officer na kaharap ko. 

"Good morning, a-ano bang nangyayari officer?" tanong ko.

Bumuntung-hininga siya at napatingin sa likuran ko. Nilingon ko at tinitignan niya at napailing ng makita ang nagsisiksikan na sina Chim at Tae sa sofa na kapwa humihilik.

Inaya kami nito na pumunta sa lobby kung nasaan ang iba pang gaya naming bakasyonista at duon nalaman namin ang dahilan ng mga narinig kong sigawan kanina na nagpagising sa akin. 

Sa kaba ko ay agad kong niyapos ang mga kamay ng kaibigan ko na nasa magkabilaan ko at pati sila ay nagulat at natakot sa nalaman. Niyakap pa ni Tae ang braso ko samantalang si Chim halos gawin ng stressball ang kamay ko kung pisilin niya ito.

Alam kong pati kayo ay nagtataka kung anong nangyari well, may pinaslang ang kilalang assassin na si Tiger dito sa resort at sa kung anong dahilan ay wala pang nakakaalam at ang pinatay niya lang naman ay ang mismong may-ari nitong resort. Sa pakiwari ng mga pulis ay hindi pa nakakalayo si Tiger o baka nga isa sa mga nandito ngayon kasama namin ay si Tiger kaya hindi ko masisisi kung hindi lang ako kundi pati sina Chim at Tae at matakot sa narinig.

Halos maga-ala sais na ng makabalik kami sa mga respective units namin at halos lahat kami ay napagod sa pagtatanong na ginawa ng mga awtoridad. Paniguradong ipapatrabaho sa akin ni Hobi ang tungkol dito kung sakaling makarating ang tungkol dito sa kanya. 

Hindi na kami nag abalang mag breakfast pa dahil saktong pagpatak ng ala siete, ang oras ng out namin ay agad na kaming umalis ng lugar at ako na ang nagmaneho ng sasakyan imbis na si Chim pabalik sa nagparenta sa amin dahil mukhang hindi maganda ang naging epekto ng nangyari kanina sa kanila. 

Kung bakit naman kasi duon pa sa mismong lugar kung nasaan kami napili ni Tiger paslangin ang biktima niya eh. Tsk.

Nang makauwi kami sa bahay namin ay agad kong ginawan ng breakfast ang dalawa ng ma-uplift ang mood nila lalo pa at hindi pa sila nag aagahan bago sila magpahinga ulit at bago ako umalis dahil gaya nga ng inaasahan ay tinawagan ako ni Hobi pero hindi tungkol sa nangyari kanina ang dahilan.

TRINITY (BTS AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon