TRINITY XVIII: PLAY WITH FIRE

74 7 1
                                    

Dahan-dahan na minulat ni Jimin ang kanyang mga mata ng magising siya dahil sa sunud-sunod na pagkatok at maya-maya pa ay may biglang malakas na pwersang humila ng kumot na nakabalot sa kanya.

"Chim! Ano na? Magi-isang buong araw ka ng natutulog?! Kanina ka pa namin ginigising! Hapon na, uy! Alas kwatro na ng hapon, kamahalan!" sarkastikong saad ni Taehyung na ngayon ay umupo na sa gilid ng kama at pinagmamasdan si Jimin na naka kunot ang nuo at naka fetal position na mukhang wala pa ring balak na bumangon. Para bang pagud na pagod ito.

"Masama ba pakiramdam mo ha?" nagaalalang tanong ni Jin ng makapasok siya sa luob ng kwarto at balak na sanang hawakan ang leeg nito para tignan kung nilalagnat ba siya peri sapat iyon para agad na maalarma si Jimin at takpan ng unan ang mukha at leeg niya.

"O-Okay lang ako. M-Masakit lang ulo ko. Para akong n-nahihilo." pagsisinungaling niya peri at the same time ay nagiinit ang mukha at pakiramdam niya ng maalala niya ang mga pangyayari kagabi kasama si Hunter. Napalunok siya. Mabuti nalang at natatakpan ng unan ang mukha niya sa mga orad na ito. Ang totoo, hindi naman talaga masakit ang ulo niya kundi ang katawan niya - buong katawan ang masakit lalo na ang pang upo niya na halos hindi tigilan ni Hunter kundi lang siya nawalan ng malay dahil sa sobrang pagod.

Himala nga at nakaalis siya sa bahay nito ng hindi nagigising at nakauwi siya ng walang nakakahuli sa kanya na galing siya sa labas. Sa tansya nga niya ay halos magu-umaga na ng makauwi siya.

"Kung ganuon eh di sige, hahayaan kita na magpahinga muna pero kumain ka kahit kaunti bago ka bumalik sa pagtulog mo. Kailangan makainom ka ng sakit sa ulo." utos ni Jin sa kanya.

Bahagyang gumalaw si Jimin. Muntik na siyang mapa ungol sa sakit dahil duon pero agad niyang pinigil ang sarili para hindi maghinala ang dalawa. Mabuti nalang at tama ang desisyon niya kanina na pilitin ang sarili na maligo at magpalit sa kanyang pajamas kaya hindi nito kita ang mga love marks na iniwan sa balat niya ni Hunter. Nakiusap kasi siya kay Hunter na huwag siya nito lagyan sa leeg kung saan agad na makikita ng kahit na sino. Muntik na itong hindi pumayag pero nagawa niyang makipag negotiate dito at nilagyan siya sa ibang parte ng katawan niya at halos ang pinaka tadtad ng love mark na parte ng katawan niya ay ang hita at bewang, at ang pisngi ng kanyang pang upo. Napalunok siya ng maramdaman niyang unti-unting kumikibot ang pagkalalaki niya sa ginagawa niyang pagalala sa mga nagawa nila ni Hunter.

"Sure ka talagang ayos ka lang, Chim? Para kasing namamaos ka din. Hilo lang ba talaga?" usisa ni Taehyung.

Shit.

Imbis na sumagot pa ay nag thumbs up nalang siya bilang tugon kay Taehyung. Alam niyang pinagmamasdan siya ng dalawa niyang kaibigan kaya nakahinga siya ng maluwag ng mag desisyon ito na iwanan na siya para gawin ang kanilang gagawin pa kesa ang titigan siya.

Halos matumba siya ng pilitin niyang tumayo kaya kinailangan niyang humawak sa pader bilang supporta sa paglakad niya patungong banyo para muling maligo at ng maalis niya ang init na bumabalot sa katawan niya. Napalunok siya ng mapagmasdan ang sarili niya sa salamin. Tadtad ng naghahalong pula at kulay ubeng mga marka ang katawan niya.

Muli siyang napalunok ng maalala niya na kasing linaw ng repleksyon niya sa salamin ang mukha niya at ni Hunter kahapon habang binabayo siya nito mula sa likuran. Nakapangliliit ang kanyang hitsura habang ito ay walang awa at nasisiyahan sa ginagawa niyang pananamantala sa birhen niyang katawan. Ngayon, napagtanto niyang hindi na siya birhen ngunit bakit ganuon? Bakit pakiramdam niya ayos lang na nakuha na ito sa kanya at ng walang iba kundi si Hunter? Bakit wala siyang ibang maisip na taong makakakuha nito bukas sa taong dapat tinuturing niyang kalaban?

Matapos siyang maligo ay iika-ika siyang bumalik muli sa kanyang kama at napatingin sa cellphone niyang mukhang kanina pa na-lowbat. Agad niya itong chinarge at makaraan ang ilang minuto ay kusa na itong umilaw, nagiindicate na naka 5% na ito ng charge at makalipas lang ang ilang segundo ng magbukas ito at sunud-sunod ang nakita niyang notification from no other than Hunter. Agad siyang napamura ng mahina at kinakabahan ngunit naeexcite na binuksan ang message na natanggap niya mula rito.

TRINITY (BTS AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon