In the world of underground society, Trinity is the well-known, powerful and feared group. They follow a strict brotherhood code but not until they meet their downfall.
Date Created: September 25, 2021
Date Published: October 01, 2021
Date Ended: S...
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Jin habang nasa luob muli siya ng kwarto ni Jimin at yakap ang plushie nitong aso.
Hindi pa ulit siya bumababa sa living room magmula pa kaninang umaga matapos ang naging sagutan nila ni Hoseok. Umuwi kasi itong mainit ang ulo at sila ang napagbalingan dahil, wala lang. Kailangan lang na may mapagbalingan si Hoseok ng galit niya, forgetting na kakamatay lang ni Jimin at nagluluksa sila ni Taehyung.
Pinigil ni Jin na maiyak habang nakikipagsagutan siya kay Hoseok samantalang si Taehyung ay nakapagitna sa kanilang dalawa at pinapatigil sila. More like siya dahil lalo lang nadadagdagan ang galit ni Hoseok sa mga sinasabi niya kaya padabog niyang iniwan ang dalawa at nagkulong sa kwarto ni Jimin. Pakiramdam niya ay mas kinakampihan ni Taehyung si Hoseok kesa sa kanya.
Narinig niyang kinatok ni Taehyung ang kwarto niya at pati ang kwarto ni Jimin ngunit siya umimik at nagpanggap na umalis ng bahay. Ayaw niyang sumabay ng hapunan sa dalawa dahil alam niyang maga-attitude lang siya ulit kay Hoseok.
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya ng ma-realise niya na madaling araw na. Nanghihina siyang tumayo sa kama. Hindi na rin niya marinig ang tumutunog niyang tiyan kanina. Isa lang ang ibig sabihin nu'n, nalipasan na siya ng gutom. Wala din sa luob niyang lumabas ng kwarto at bumaba papunta sa kusina dahil baka maka witness na naman siya ng na witness niya kagabi. Muli siyang bumuntung-hininga at inopen ang cellphone niya para duon gugulin ang oras niya hanggang sa dalawin siya ulit ng antok kaso nakakita siya ng isang pamilyar na lugar sa kanya. Napailing siya at hindi napigilang hindi makaramdam ng nostalgia. Tinitigan niya muli ang litrato bago nag decide bumangon at mag ayos ng sarili.
He used to go there when he was young. To be honest, dito din siya o sila ni Eye unang nagkita. Hindi naman sa party goer siya, nagkataon lang na sinundo niya nuon ang kapatid niyang lasing mula sa lugar na iyon and since then, napadalas na ang punta niya, hindi para maki party pero more like i-appreciate ang magandang atmosphere ng lugar and then, there's also Eye na napadalas ang punta ng dahil sa kanya.
Tinignan niya muna ang sarili sa salamin bago pinilit na ngumiti matapos niyang maglagay ng kaunting make up para hindi halata ang magang mata niya.
"Shit! Ang gwapo mo talaga, Jin!" nakangising saad niya sa sarili at nag thumbs up pa, "Highschool look lang."
Napatingin siya sa pinto ng kwarto at lumakad patungo duon. Marahan niyang binuksan ang pinto ang sumilip sa labas bago nagpasyang lumabas na at umalis ng hindi dumadaan sa main gate and off he go to the place where it all started for him, well he guess dahil kung hindi dahil duon, hindi niya makikilala si Eye, ang Trinity at mauuwi sa sitwasyon ngayon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Proof, the club that never change its aesthetic of blue green, purple and pink light cubic tiles and same volume of party goers that comes here to chill. Maybe this is what he needs. Baka naiistress lang siya sa mga nangyayari. Especially isang importanteng tao ulit sa kanya ang nawala.