"STAR!, GISING NA SABI NI MAMA, KUNG AYAW MONG MA LATE NA NAMANNN..BILIS!"
"Eh! Natutulog pa ko"
"BILIS!"
"Oh na!"
"Lumabas kana jan!"
"Maya na!"
"Gisig na 6:30 na oh! 7:00 pa naman pasok nyo! BILIS na!"
"Uhh. Inaantok pa ko eh!"
"Antukin naman talaga yang mukha mo ehh! Kaya ka nale-late Bilis na"
"YAN ANG TINATAWAG NA GENITICALY THE SAME ! DAHIL KUYA KITA MALAMANG MANA AKO SAYO!"-at pumikit ako ulit
"Ahh ganun ah! Dahil parang ayaw mo naman gumising jan ..sige kakainin ko na lang rin yung lasagna at Cheese burger with Bacon mo! Mabuti na rin yun! Wag ka nang bumangon ah! Sweet dreams little sister"
T--teka tama ba yung narinig ko? Lasagna at Cheese burger with Bacon?
Wahh parang nagutom ako! Kaya agad akong napatayo,.. Saka may naisip din ako.. Kung merong lasagna at burger ibig sabihin....
'NANJAN SI DADDY' ^_^ .. Hindi kasi marunong magluto si Mommy saka off ng maids namin ngayun ..at saka Himala naman kung nag order si mommy ehh!... Ahh basta malakas ang kutob ko nanjan si daddy! Kaya tumakbo agad ako palabas!
Naunahan ko pa nga si kuya pababa eh! Hahaha binatukan ko nga sabay takbo.. ang kulit eh! .. Hahaha hindi niya naman ako magagantihan pag nanjan si daddy! Mahal ako non noh! ^_< ..
Ah oii magpapakilala pa pala ako !! Ako nga pala si Francine Star Ramos ^_^ .. 17 y/o .. Daughter of Detective Franciss Rex Ramos.. (Yes his a detective .. Cool right?) and Mrs. Kristine Mayanne Ramos.. And the Beautiful sister of Kuya Alexciss Rance Ramos.. (Hihihi maganda talaga ako totoo yun , tanong nyo pa key daddy^_^..
At nang maka baba na ako! Hahaha tama talaga hinala ko , may pagka manghuhula ata ako noh!..
Naka upo na si Mommy at daddy sa table! Yes nandito si daddy madadagdagan na naman baon ko! Minsan lang kasi siya nauwi dito sa bahay eh!
Kaya ayun nagsimula na kaming kumain..at pagkatapos kong kumain ay nag ayos na ako para pumasok na sa school ,mahirap nang ma late noh! Umaapaw na ang records ko sa principal's office ayaw ko nang dagdagan -_-#
"Mom , Dad -- alis na ako!"
"Sige take care!"-dad
"Wag munang mag boyfriend"-mom
Mongoloid talaga tong nanay ko.. Araw araw nalang sisnasabi sa akin yan ! Like duhhh.. Kadiri kaya yang boyfriend-boyfriend na yan so corny >_< ...(Except nlang kung si --- a nevermind)
"Boyfriend your face , alis na ako bye!"
At nag simula na akong maglakad...
"Hoy panget! Naiwan mo tong notebook mo!"
Huh? Notebook? Sa pagkakatanda ko hindi naman ako nag labas ng notebook ko ah! Katamad kaya mag study kaya nilingon ko ang impakto kong kapatid.. Tapos nakita ko siyang may hawak hawak na black notebook!
Huh? May black notebook ba ako?
Hindi pa ako lumapit sa kanya dahil baka pinagtitripan lang ako nun ..Hmm! Di naman akin yun eh!
Bubuklatin nya na sana ng may naalala ako--
"Waaaaaaaaagggggggggg"-Paste (napakabilis na takbo here)
Tapos mabilis ko itong kinuha sa kanya..bakas naman sa mukha nya ang pagka gulat sa ginawa ko!
"Huh? Baket?"