Chapter 21 - The Flashback

51 4 0
                                    

"Huh? Ano ang pinagsasabi mo?"

"Gusto ko lang maging fair sa kanya Star!"

"Maging fair? Kanino?"

Flashback (Denver)

Naglalaro kami nina Clox , at Xander sa dalampasigan ng isang resort ilang
taon na ang nakakalipas.

"Oii Denver Xander tingnan nyo oh! Parang may isda don"
sabi ni Clox

"Huh? Asan?"
-Tanong naman ni Xander sabay tingin sa may dagat

"H--ala hindi isda yan . parang may nalulunod"
Sabi ko naman

"Haaaa? Hali kayo tulongan natin sya dali.."

"Pe--pero hindi ako marunong lumangoy"
-Clox

"Kami din ni Xander eh! Bago pa kami nag aral lumangoy..!"
-alalang sabi ko

"E--eh humingi nalang tayo ng tulong"
-Clox

"Nako! Malayo ang Hall dito eh! Nandon ang lahat ng tao
Baka tuloyang malunod yun.."
-ako

"Hawakan nyo to"

Nagulat nalang kami ni Clox ng ihagis ni Xander ang bitbit nyang laroan at
agad na lumangoy doon sa kinaroroonan ng nalulunod

"X-ANDER MAG IINGAT KA!"
sigaw ni Clox

Napatulala lang ako habang naka titig kay Xander na pinipilit lumangoy
Kahit nahihirapan na siya matulongan lang yung nalulunod..

at ng mahawakan na ni Xander yung nalulunod agad siyang lumangoy pabalik..

"SIGE LANG XANDER KAYA MO YAN!"
-sigaw ni Clox

Habang ako naka tulala parin habang tinitingnan si Xander na sinasagip
ang isang buhay.

Hindi ako maka paniwala na magbubuwis ng buhay si Xander para lang maka pag ligtas.

Malayo kasi yung kinaroroon ng nalulunod at hindi pa siya ganoon ka husay lumangoy.

"Ayan Xander nagawa mo rin!"
Sabi ni Clox habang tinutulongan silang mka ahon sa tubig.

"B--bring her to the clinic"
Sabi ni Xander at nahimatay na siya ..

Agad silang dinala sa clinic pero separate ang rooms nila..

At ng magising si Star ang una nya kasing nakita ay ako
kaya inakala nya na ako ang nagligtas sa kanya..

Kasi una siyang nagising kesa kay Xander .

Kaya ayon nagpasalamat agad si Star sa akin.. Tas pagkasabing
pagkasabi niyang hindi siya lumalapit sa mga lalaki eh hindi ko na pinaalam
na hindi naman talaga ako ang sumagip sa kanya kasi maganda ang ugaling
pinapakita nya sa akin dahil akala nya nga ako ang sumagip sa kanya.

Unang kita ko palang kasi sa kanya parang gusto ko na siyang maging kaibigan .

Kaya naki-usap ako kina Xander at Clox na wag nang sabihin ang totoo.
Na hayaan nalang si Star na paniwalaang ako lang ang nagligtas sa kanya.

-End of Flashback

Present

"S--so ang ibig mong sabihin si Xander talaga ang nagligtas sa akin?"

Tumango lang si Denver ..

"T--teka lang Denver ah! Totoo ba yang mga pinagsasabi mo? Ano ba nakain mo ah? Nakahithit ka?"

" Star , noon ko pa gustong sabihin to sayo pero natatakot ako eh!
natatakot ako na baka layuan mo ako !"

"Pero----Denver naman eh---"

"Sorry Star!"
yun lang nasabi nya at napa yuko lang sya

So si Xander talaga ang dahilan kung bakit nandito pa ako ngayon? .
Siya talaga ang nagligtas sa akin?
Siya dapat ang tinatanawan ko ng utang na loob?

Pe-pero..

"Uhm! Excuse me!"

Sabi ko at tumayo na aalis na sana ako ng magsalita si Denver

"Star hihintayin ko ang araw na mapapatawad mo na ako!"

Tiningnan ko lang siya at tuloyan ng umalis ..

Mabilis akong naglalakad ngayon nasa catwalk na ako .
Hindi ko alam kung saan ako papunta pero ang mga paa ko
hindi tumitigil sa pag-lalakad.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
Galit ako sa sarile ko na naiinis ako key Denver at-- nagui-guilty ako..>_< para key Xander.

Bigla ko nalang naalala naging suplada ako key Xander ,
ang taong nagligtas pala sa buhay ko .. >_< urghh kainis.

*Napapikit nalang ako*

haysss ano ba naman tong mga nangyayari sa buhay kong
ito?-_-
Sana pagising ko bukas malimutan ko na ang mga nangyari
sa nakaraan ko kung pwede lang sana ( -_- ) hayss!!

"ARAY!"

urgh kung siniswerte ka nga naman , teka napapansin ko madalas akong nabubunggo ah! Hays Star nagiging lampa kana .. ( =_= )

Aray an sakit ng pwet ko .. -_- sh*t

"Tsss!"

Pagtingin ko kung sino ang naka bunggo ko.

"Xa--xanderO_o"

Tiningnan nya lang ako at nagsimula nang maglakad ulit .

Andito ngayon ang taong nagligtas sa akin.
Ang taong handang ibuwis ang buhay mailigtas lang ako.
Ang dahilan kung bakit nandito pa ako ngayon.
Ang taong kinaiinisan ko. ( . _ .)

Yung--- yung taong sumagip sa buhay ko.

Te--teka hindi ko alam kung ano ang gagawin ko .
Papalayo na siya ano ba ang dapat kong gawin?

Urgh bahala na.

Agad akong tumayo at hinabol sya.

"Xander ! Xander ! Xander wait"

Sigaw ko hanggang sa nasa harap na niya ako .

Ano ang sasabihin ko?

Tinitingnan nya lang ako ng 'Sh*t your blocking my way look'.
Sh*t din hindi ako maka salita yung dila ko hindi gumagana
hindi nagalaw nababato ako.

Hala nagsimula na siyang maglakad ulit..

"U--uh Xander pwede ba kitang maka-usap mamaya?"
Yan automatic na lumabas sa bibig ko.

Tiningnan nya lang ulit ako at nagsimula na namang maglakad.

"Hey! Xander ,"

Sigaw ko pero hindi siya nakikinig patuloy parin siya sa paglalakad .
Ako naman sunod nang sunod sa kanya .

Halaaa bat ko ba ginagawa to?
E--eh ewan ko basta yung paa ko sunod nang sunod eh
hindi tumitigil sa paglalakad.

"Xander!"

hindi parin siya nakikinig patuloy lang siya sa paglalakad .

"Xan-----"

O_________O

Te--teka tama ba yung nakikita ko?

Binilisan ko din yung lakad ko para mas mapalapit ako sa kanya at
O_____O ..

Te--teka nga lang ni-rub ko yung dalawa kong mata gamit ang
mga kamay ko.
baka kasi may naka block lang na dumi sa mata ko eh!

Pero ng tingnan ko ulit O___O

Ma----may nunal din siya sa batok kagaya ng key Denver O___O !!


The truth behind those MasksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon