Chapter 43: Another Twist

46.6K 583 25
                                    

CHAPTER 43

THIRD PERSON

Hanggang sa sasakyan ay hindi pa rin mapakali si Janelle nang malaman niya ang nangyari sa kanyang ama. Nang marinig niya mula kay Orion na nasa ospital ito ay hindi na siya nagdalawang isip pa na sumama. She even forgot to say goodbye to her bestfriend. Nang maalala niya na hindi siya nakapagpaalam kay Patricia ay dali-dali niyang hinanap ang cellphone sa kanyang bag. Agad niyang tinawagan ang kaibigan at ipinaalam ang tungkol sa pag-alis niya para puntahan ang kanyang ama.

Sa sobrang pagkataranta ay hindi niya na rin naitanong pa kay Orion ang dahilan kung bakit ba ito na-ospital. "W-what happened to my dad?" Tanong niya kay Orion na abala pa rin sa pagmamaneho ng sasakyan.

"He had a heart attack few days ago" Sagot nito sa kanya. Halos gumuho ang mundo niya sa narinig. Napaisip tuloy siya ng mga posibleng dahilan kung bakit ito inatake sa puso, malamang ay dahil ito sa mga nangyayari these past few months. Masyado siguro itong na-stress. Hindi niya mapigilan na sisihin ang sarili sa nangyari. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung bigla na lang mawala ang ama niya.

"Was it because of me? Masyado na ba akong sakit sa ulo niya?" Tanong niya.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin sila sa ospital. Humugot ng lakas ng loob si Janelle bago pumasok sa isang private room kung nasaan ang ama niya. Pagpasok nila sa loob ay mahimbing na natutulog ito. Napansin niya rin ang pagbabago sa itsura nito, halatang nabawasan ang timbang nito. Isang buwan na rin siguro ang nakalipas nang huli silang magkita kaya hindi niya inaasahan na sa ganitong paraan niya pala makikita ito. Dahan-dahan siyang lumapit sa natutulog niyang ama, hindi na rin niya napigilan ang pag-iyak. Sobrang dami nang gumugulo sa isip niya ngayon, pakiramdam niya ay konti na lang ay mababaliw na siya.

Lumapit sa kanya si Orion at agad siya nitong niyakap. Inalalayan siya nito na umupo sa isang sofa sa loob ng private room. "Why is this happening to me? I don't have a mom and I don't want to lose my dad" Hagulgol niya, pero agad niyang tinakpan ang bibig gamit ang mga sariling kamay para hindi magising ang kanyang ama. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawawala si daddy" Sabi niya sa gitna ng pag-iyak. Naagaw ang pansin nilang dalawa nang bumukas ang pinto. Agad napatayo si Janelle nang makita ang doctor ng kanyang ama.

"Doc, what happened to my dad?" Tanong niya dito, sinagot naman siya nito. Hindi siya makapaniwala sa sinagot sa kanya ng doctor. Ilang taon na pa lang may problema sa puso ang kanyang ama. Sa madaling panahon ay kinakailangan na nitong sumailalim sa isang surgery.

Pagkatapos ng ilang oras na pag-iyak, sa wakas ay kumalma na rin siya. Dala na rin ng pagod dahil sa pag-iyak ay nakaramdam siya ng antok. Pagbalik ni Orion sa silid ay naabutan niya ang asawa na himbing nang natutulog. Naaawa na siya sa kalagayan nito. Pakiramdam niya ay kasalanan niyang lahat ang nangyayari dito. Pinagsisisihan niya na pumayag siya sa gusto ni Jessica noong nasa San Francisco sila, eh di sana ay hindi umabot sa ganito ang sitwasyon nila ngayon.

Hinubad niya ang suot na coat tapos ay binalot ito sa katawan ng natutulog niyang asawa. Umupo siya sa tabi nito at pinagmasdan ang maamo nitong mukha. I'm sorry for 'causing you so much pain. Gusto niya itong sabihin kay Janelle. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin magawang aminin dito ang tunay niyang nararamdaman para sa asawa. Natatakot siya na baka kapag umamin siya ay ma-reject lamang siya katulad nang ginawa sa kanya ni Jessica noon. Matagal na niyang alam ang tungkol sa sakit ng ama nito. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit siya pumayag na pakasalan ang dalaga.

Palabas na sana si Orion ng silid nang tawagin ulit siya ni Anton. "Wait" Napahinto ang binata sa paglalakad at muling bumalik sa kinatatayuan niya kanina.

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon