Chapter 22: Christmas

48.3K 691 22
                                    

CHAPTER 22

It's Christmas Eve already. Ang bilis ng araw, pero parang ang lungkot dito sa bahay. Hindi ko ramdam ang presence or aura ng pasko. Mukhang walang celebration na magaganap ngayong gabi at bukas. I thought something would change because I married a guy who's very close to his family. Sabi na nga ba, parang si daddy rin 'tong si Orion eh. Masyadong focus sa trabaho, puro work! Hindi ba sila naii-stress sa ginagawa nila? Kainis!

Malungkot pa rin pala ang pasko ko. Nanood na lang ako ng TV sa sala, puro holiday ang episodes ng mga palabas. Buti pa 'tong mga napapanood ko sa TV ay masaya sila kasi kasama ang buong pamilya nila magcelebrate ng christmas. Nakatutok lang ako sa panonood hanggang sa mapansin ko sa peripheral vision ko si Orion na pababa ng hagdan. Tinignan ko siya, he's wearing a formal polo shirt. Tss. Sabi na nga ba, mga business minded people kahit pasko magtatrabaho pa rin.

"Papasok ka?" I asked. I saw him smirked. "Go back to your room and change. We're going to our rest house in tagaytay to celebrate Christmas. And bring extra clothes 'cause we're staying there 'til tomorrow." Tama ba ang narinig ko? Celebrate Christmas? OMG!

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Wow this is my first time to celebrate Christmas with other people. Palagi kasing maids ang kasama ko. O kaya naman naaalala ko noong mga 5 years old yata ako ay nasa states ako kasama ang grandparents ko. Noong nasa France naman ako ay mag-isa lang ako sa apartment ko. It's either manonood ako ng movies or matutulog maghapon.

"Talaga." Sabi niya habang nakangiti. Oh yes! Parang bata akong nagtatakbo papuntang kwarto. Best day ever! For sure nandoon din ang parents niya at ang napakacute na si Alison. Atleast may kasama na talaga ako magcelebrate ngayon. Naghalungkat agad ako sa walk-in closet ko ng magandang dress na pwede kong isuot. This is my first time to celebrate Christmas with my family, or should I say my new family, kaya gusto ko maging maganda ako. Finally nakahanap din ako sa wakas ng isang dress na nabili ko pa sa Paris na never ko pa nai-suot. I bought it from a branded clothing store. Isang limited edition na sapatos naman ang isinuot ko.


Pagkatapos ng medyo matagal na byahe dahil sa traffic ay nakarating din naman agad kami sa tagaytay. I could feel the cold weather since it's already december. To be honest it's a lot colder here than in Manila. Malamig na sa Manila dahil december pero mas matindi ang lamig dito. 'Di ko tuloy ma-imagine ang lamig ngayon sa France lalo na't winter. I'm pretty sure there are snow all over the place back there. Tumigil ang kotse sa harapan ng isang malaki at mataas na gate. Bumukas ang gate kaya diretso lang na nagdrive si kapre hanggang sa loob.

Wow! Iyon lang ang nasabi ko dahil ang ganda ng lugar na 'to. There were pine trees all over the place. Each pine trees have Christmas lights on it. Then I saw a huge modern-designed house na sobrang ganda rin. Exterior pa lang gusto ko na, sa tingin ko ay mas maganda ang loob nito. Naunang bumaba si jerk tapos pinagbuksan niya ako ng pinto. Ngayon ko lang napansin na ang dami rin palang nakapark na kotse dito pero mas nangingibabaw pa rin ang sports car ni jerk. But, does it mean na hindi lang ang family niya ang nandito?

"Let's go?" Sabi niya tsaka naglakad palayo. Hindi ko siya sinundan, but instead tinitigan ko lang mabuti ang paligid. Grabe ang ganda talaga, 'yung mga ilaw, 'yung exterior design and knowing na fresh ang hangin dito.


"Hija. Tara na?" Tsaka ko lang narealize na kanina pa pala ako tinatawag ni manang. Sinama din namin siya dahil maiiwan lang siya mag-isa sa bahay hanggang bukas. Since lumaki ako ng siya ang kasama ko tuwing pasko eh syempre I want her to come with us too.

Tumango ako tapos ay sumunod sa kanila. Nasa tapat na kami ng pinto, hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan. Orion opened the main door. Madaming tao ang tumambad sa akin. Then it dawned on me that they probably have reunion every Christmas! I see unfamiliar faces except his sister, his parents and... MY DAD? "Daddy?" I can't believe it. Namamalikmata ba ako?

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon