Chapter 17: Peace Offering

51.9K 809 36
                                    

CHAPTER 17

Kanina pa pala may tawag ng tawag sa cellphone ko, hindi ko lang napapansin kasi naka-silent at busy ako sa ginawa ko ngayon dito sa office. It's an unknown number. Sino naman kaya 'to? I answered it. "Hello? Who's this?"

"Janelle." Shoot! Alam ko kung kaninong boses 'yun! Hindi ako pwedeng magkamali. Alam ko matagal na kami hindi nakakapag-usap through phone calls but I know it's him!

"D-Dave?"

"So you still remember my voice, huh?" Where did he get my number? Stalker ba siya?

"How did you get my number?"

"It's not important. I just want to—"

"David, pwede ba? Let's stop this! I told you I don't want to talk to you anymore!"  Actually gusto ko. Pero i'm not yet ready. "Sorry David. l'm busy." I hung up. Ano ba talaga ang gusto niya? Bakit niya ba ako kinukulit? Medyo nasira tuloy ang mood ko. Lumabas muna ako ng building para magpahangin, meron kasing mini garden sa labas ng building na 'to.  Magpapawala lang muna ako ng init ng ulo. Ang lakas ng hangin kaya ang sarap sa pakiramdam. Feeling ko nawala na lang bigla ang init ng ulo ko. Napatingin  ako sa cellphone ko. November 29. November na pala at ilang araw na lang ay December na kaya pala ganito kalakas ang hangin. Ang bilis-bilis ng panahon parang kailan lang nasa France ako ng mga ganitong month, but now here I am, ibang-iba sa Janella noon.


Nang medyo nawala na ang init ng ulo ko ay naisipan ko nang bumalik sa office ko. I was walking at the lobby when... "Janelle!" I heard someone called my name. Boses ng babae but her voice was not familiar to my ears. I spun around and saw a lady. Maputi, makinis, chinita, slim at matangkad, Sa tingin ko ay mas matangkad lang ako ng mga 2-3 inches. She smiled and said "Hi."

Sino siya? She actually looks familiar to me. I think I've seen her before already. Wait, yes. I remember! She's the girl with Orion! Noong engagement party. Yes, I'm sure it was her! "And you are?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hi I'm Jessica. You can call me Jess if you want." She said, smiling. She extended her arms but I ignored it. Baka kung anong germs pa ang meron sa kamay niya 'no.

"And so?" Pagtataray ko pa ulit.

"Uhmm by the way I'm Orion's bestfriend. Can I talk to you now?" Hindi ko alam pero parang naiirita ako sa kanya. Parang nag-iinit na naman bigla ang ulo ko dahil naman sa kanya this time!

"Sorry busy ako eh. Pasensya na." Tinalikuran ko siya.

"Hey wait! Gusto lang kita makausap."

Para saan naman? Humarap ulit ako sa kanya, I crossed my arms. "Sorry huh, but if you want to talk to me, you should set an appointment to my secretary. Understood?" Nilayasan ko na siya. Nakakainis kasi, ano naman gusto niyang sabihin? Feeling close. Sumakay na ako sa elevator para bumalik na sa office ko. Bumalik ako sa office ko na medyo bad mood ulit, nakakainis talaga! Bakit ang daming bwisit sa buhay ko? Haaaaay! No choice ako kundi magpalamig ng ulo sa mismong office ko. Alangan naman kasing bumaba pa ako ulit hindi ba? Bukod sa nakakapagod, baka nandoon pa 'yung babae na bestfriend daw ni Orion.


'Di ko namalayan ang oras, bigla na lang ako nakaramdam ng gutom. When I checked the wall clock, past 12 noon na pala. Lunch break na pero bakit parang wala pa yata si Orion? Busy ba siya? Well every lunch kasi since nung nagstart ako magwork dito ay sabay kami maglunch sa resto malapit lang dito at never pa siya naging late sa pagsundo niya sa akin. Minsan five minutes before 12, ay bigla na lang siyang susulpot dito sa office ko at yayayain na ko kumain pero 12:19 na wala pa siya? Oh, bitch please, gutom na ako!

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon